Part 52

59.3K 1.3K 21
                                    

"No," marahas na sagot ni Jack. Kinulong niya sa nanginginig niyang mga palad ang mukha nito at sinigurong nakatitig ito sa kanyang mga mata. "No, Angel. You are not unworthy. You are not disgusting. You are not dirty."

Pero parang hindi siya nito naririnig. "You know what's worst? Gising man ako o tulog, laman siya ng mga bangungot ko. Palaging parang nararamdaman ko pa rin siya sa katawan ko. No matter how hard I scrub my body to wash away his presence, it never worked. Saka ko nakilala si Tristan. He showed me another way to forget. Sex, Jack. Sex saved me. I used sex to erase the memories of his body against me. Sex made me forget his violation. Orgasm, no matter how short it is, can make me feel the peace of mind I've never felt since my parents died.

"Kaya sa tuwing binabangungot ako o sa tuwing hinahalay niya ako, para akong baliw na naghahanap ng lalaking tutulong sa akin lumimot. Tristan used that as a way to use me. All the guys I've been with were all the same. Pero katulad din nila ako. Ginamit ko lang din silang lahat. At siguro kaya hindi nila ako minahal sa paraang gusto ko kasi... naramdaman din nilang ginagamit ko sila."

Pinaglapat ni Jack ang mga noo nila at mariin siyang pumikit. "Angel. Angel... baby..." Fuck. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. So instead of saying something he just wrapped his arms around her and hugged her tight. "I will kill him," gigil na bulong niya. "If I see him, even in a crowded place, I will definitely kill him."

Ilang segundong mukhang nagulat ang dalaga. Hanggang maramdaman niyang yumakap din ito ng mahigpit sa katawan niya. Isinubsob nito ang mukha sa leeg niya, huminga ng malalim na parang sinisinghot siya at saka bumulong, "You will not do such thing. Paano na lang ako kung maging kriminal ka dahil sa kaniya? I just want to move on with my life without them. Isa pa..." Bumuntong hininga si Angel at naramdaman niya 'yon sa leeg niya, deretso sa dibdib niya. "Mula nang makilala kita hindi na ako binabangungot. Ikaw na kasi palagi ang laman ng isip ko, gising o tulog man ako."

Humigpit ang yakap ni Jack. Uminit ang dibdib niya. Mariin siyang pumikit at isinubsob ang mukha sa buhok nito. "But I can't do nothing, baby. Hindi ko kayang walang gawin sa taong nanakit at nanamantala sa'yo. This anger will never ever fade, Angel. Habambuhay kong kikimkimin sa dibdib ko ang ginawa ng hayop na 'yon sa'yo."

Umiling si Angel at naramdaman niyang hinalikan nito ang leeg niya kung saan ito nakasubsob. "Don't. Hindi ko sinabi sa'yo ang lahat para makaramdam ka ng ganiyan, Jack. Sinabi ko sa'yo kasi may tiwala akong hindi ka katulad ni Tristan o ng iba pang mga tao. You will not judge me or look down on me because of my dark past. You will not think I'm broken or dirty or anything like that. At first I thought you will. Pero ngayon sigurado na akong hindi ka ganoong klase ng tao."

"Of course I'm not that kind of person. At naiinsulto akong naisip mong bababa ang tingin ko sa'yo dahil sa isang bagay na hindi mo ginustong mangyari sa'yo," inis na sagot ni Jack.

Dahan-dahan itong lumayo sa kaniya hanggang magkaharap na uli sila. Basa pa rin ng luha ang mga pisngi nito pero mas malinaw na ang mga mata nito ngayon. Masuyo itong ngumiti. "You know, buong buhay ko hanap ako ng hanap ng taong magmamahal sa akin. Pero lately ko lang narerealize na ako mismo hindi ko magawang mahalin ang sarili ko. Na natatakot ako sa iisipin ng ibang tao kapag nalaman nilang rape victim ako kasi ako mismo mababa ang tingin sa sarili ko dahil sa nangyari. Maraming beses kong naiisip kung ano ba ang dapat ginawa kong iba noon para hindi nagtuloy-tuloy ang violation niya sa akin. Kung naging mas matapang ako at nagsumbong sa pulis o sa kung sino mang makakatulong sa akin, kung hindi ako natakot na maging kahiya-hiya sa harap ng marami at nanindigan para sa sarili ko, nakakulong na siguro siya ngayon."

Yes. Ganoon dapat ang ginawa nito. Iyon ang gusto niyang sabihin. Pero ano bang alam niya sa mga taong nasa ganoong sitwasyon? She was just a teenager. Too young and alone. Saan ito kukuha ng tapang at lakas ng loob noon? Sinong makapagsasabi na hindi lalong magugulo ang buhay nito kung nagsumbong ito at ginawang circus ng mga tao ang naging sitwasyon nito?

But that's the sad thing about life. Maraming bagay ang nangyayari na hindi mo na pwedeng balikan para baguhin. Life goes on at kahit anong sakit pa ang naranasan mo, kailangan mo bumangon para mag-survive. He should know. He had a lot of regrets in his life but he's still here, surviving and moving forward.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Angel. "Nagdesisyon akong manahimik na lang. Nagdesisyon akong sarilinin na lang ang lahat kasi ayoko ng drama. Kasi hindi ko alam kung saan ako pupulutin kapag pinaalis ako ng tiyahin ko. Nakaraan na ang lahat at marami akong pinagsisisihan. Pero gusto ko na lang iwan sa nakaraan ko ang lahat. I want to move forward, Jack. I want to live a life that will make me content and happy. At siya at ang tiyahin ko... gusto ko na sila kalimutan."

Huminga siya ng malalim. Ikinulong ang mukha nito sa kanyang mga palad at masuyo itong hinalikan sa mga labi. "Fine. I will not kill him. But I will still do something to make sure he will regret what he did to you."

Kumurap ito. Nalito. "Anong gagawin mo?"

"You don't have to worry about it." At dahil hindi niya mapigilan ang sarili niya, hinalikan niya itong muli sa mga labi. Mas matagal at mas mariin kaysa kanina. "Thank you for trusting me, Angel," bulong niya.

Ngumiti ito, namula ang mukha at medyo nahiya. Pero sinalubong nito ng tingin ang kanyang mga mata at nagsalita, "It's because I love you."

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon