Part 30

58.3K 1.2K 29
                                    


"BAKIT pinag-aral mo ang sarili mo? What about your family?"

Nagulat si Angel sa tanong na 'yon ni Jack. Huminto ang kamay niyang masuyong humahaplos sa hubad nitong dibdib. Nakahiga sila sa kama at nakaunan siya sa isang braso nito. His fingers are lazily touching her arm. Katatapos lang nila magtalik. Ika-siyam na araw mula nang magkaroon sila ng affair.

Lately, nahahawakan na niya ito nang ganoon na hindi ito nagagalit. He said her touch still confuses him but he's starting to like it. Pero minsan kapag sinusumpong ito ng kapilyuhan iginagapos pa rin nito ang mga kamay niya kapag nagtatalik sila. She's starting to realize that Jack is adventurous and energetic when it comes to sex. Para bang sa sobrang controlled at reserved ng personality nito sa harap ng maraming tao, lalo na sa trabaho, sex ang nagiging release nito ng pent-up energy. Kapag nagtatalik sila, nakikita niya ang tunay na pagkatao ng binata. At sa totoo lang, mas gusto niya 'yon kaysa sa tahimik, suplado, guarded at aloof na Jack kapag napapaligiran ng maraming tao. It's as if he's more relaxed, comfortable and at peace after sex than when he's outside.

Naiintindihan ni Angel kung bakit ito ganoon. Hindi ba't sa sex din niya nakukuha ang comfort at peace na palagi niyang hinahanap lalo na kapag sobrang stressed at depressed na siya sa buhay niya? Lalo na kapag gusto niyang alisin sa katawan, isip at puso niya ang marka ng kababuyang ginagawa sa kaniya? In a way, bagay nga sila ni Jack.

"I'm asking you a question, Angel."

At mas madaldal ito after sex. Lihim siyang napangiti at huminga ng malalim. "Nakikitira lang ako sa tiyahin ko at sa... asawa niya." May galit siyang nakapa sa dibdib niya pero pilit niya 'yong binalewala. No. This night is too perfect to get ruined by nightmares. "Hindi maganda ang relasyon ko sa kanila at wala naman talaga sila balak pag-aralin ako ng College. Hindi raw nila kaya ang gastusin. Which is a lie, by the way. Ayaw lang talaga nila. Pero ayoko sumuko. Ayokong high school lang ang matapos ko. So nagsikap akong pag-aralin ang sarili ko. Every other semester humihinto ako para magtrabaho at mag-ipon ng pang tuition. Kaya inabot ako sa edad na 'to bago ko nakumpleto lahat ng units na kailangan ko para maka-graduate."

Naramdaman niyang na-tense ang katawan nito. Inaasahan na niya ang tanong bago ito magsalita, "How about your parents?"

May kirot siyang naramdaman sa puso niya. Palagi niya 'yon nararamdaman kapag naalala niya ang parents niya. Sure, blurred na sa memorya niya ang mukha ng nanay at tatay niya. Hindi na rin kasing sakit na katulad noong bata pa siya. But there will always be pain. Losing your parents will do that to you. Habambuhay 'yon.

"Namatay sila noong ten years old pa lang ako. Car accident."

Huminto sa paghaplos ang mga daliri nito. Then he gripped her upper arm, squeezing it a little. Naramdaman niyang dinampian nito ng halik ang tuktok ng ulo niya. Pumikit siya. Bumuntong hininga.

"Ang tiyahin ko lang ang natitirang kamag-anak ko. Napilitan siyang kupkupin ako pero hindi siya nag-effort na pakitaan ako ng pagaaruga at pagmamahal. So bata pa ako, sanay akong dumidiskarte ako para sa sarili ko. At sa Monday, magkakaroon na ng katuparan ang isa sa mga pangarap ko. Magma-martsa na ako sa stage at kukunin ang diploma ko. Officially graduate na ako sa Monday." Though wala siyang kamag-anak na darating para makita siyang magtapos ng kolehiyo. Okay lang. Nangako naman si Grace na pupunta ito para sa kaniya.

"Saan ang ceremony?"

Napatitig siya sa mukha ni Jack. "Bakit pupunta ka?"

"I'm just asking, Angel."

Medyo disappointed siya pero sinabi pa rin kung saan gaganapin ang Graduation niya. Umangat ang gilid ng mga labi nito, hinigit ang mukha niya palapit at magaan siyang hinalikan sa mga labi. "Congratulations."

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon