Part 39

52.7K 1.1K 53
                                    

HINDI sigurado si Angel kung uuwi si Jack sa bahay nito o katulad ng tsismis ay tutuloy na naman ito sa hotel suite ni Dolly. Pero nagdesisyon na siyang kausapin ito. Pinadalhan niya ito ng message na maghihintay siya sa labas ng bahay nito. Hindi nag-reply as usual. Tumindi ang inis niya. Basta maghihintay siya. Hindi rin naman siya mapapakali sa apartment ni Grace hangga't hindi sila nakakapag-usap.

Pero umabot na nang alas dose ng madaling araw wala pa rin kahit anino lang ng binata. Umiinit na ang mga mata niya at parang gusto niyang mapatili sa sobrang galit at frustration. Narealize din niya na siguro sa tingin ng ilang mga sasakyang dumaan kanina ay mukha siyang babaeng desperada. Sumingkot siya at huminga ng malalim. Aalis na sana siya nang marinig niya ang tunog ng paparating na sasakyan. Naningkit ang mga mata ni Angel nang tumama sa mukha niya ang headlights 'non. Napaderetso siya ng tayo at nahigit ang hininga nang huminto ang kotse sa tapat niya. Pagkatapos lumabas mula sa driver's seat si Jack at malalaki ang mga hakbang na naglakad palapit sa kaniya.

"Why are you still here?"

Napaatras siya sa galit at disgusto na narinig niya sa tono nito at nakikita niya sa mukha nito.

"It's already midnight for God's sake! Dapat umuwi ka na kanina pa!"

Aba! Ito pa ang may ganang magtaas ng boses? Humalukipkip si Angel at inis na itinaas ang noo. "Gusto kitang makausap. Bakit, makikipagkita ka ba sa akin kung hindi ako naghintay dito ngayon?"

Tumiim ang bagang ni Jack. "I'm busy, Angel. Let's just talk next week. Let's go. Ihahatid na kita pauwi."

"No," mariing sagot niya. Naningkit ang mga mata nito habang nakatitig sa mukha niya. Hindi na niya itinago pa ang inis at hinanakit niya. "Alam ko kung kanino ka busy at kung akala mo ako ang tipo ng babaeng maghihintay lang na kausapin mo ako habang nakikipaglandian ka sa ibang babae, nagkakamali ka. We have an arrangement, Jack. Ikaw mismo ang nagsabi na exclusive tayo, hindi ba?"

Kumislap ang frustration sa mga mata nito. Ibinuka nito ang bibig at magsasalita sana pero may dumaang sasakyan. Napatingin ito sa kalsada at parang narealize na hindi doon ang tamang lugar para mag-usap sila. Inis na bumuga ito ng hangin. Pagkatapos hinablot nito ang kamay niya at hinila siya papasok sa bahay. Hindi sila nag-usap hanggang makarating sila sa kuwarto nito.

"I just want you to wait. Is that too much to ask?" inis na tanong ni Jack nang harapin siya nito.

Inis na binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito. "Yes! It's too much to ask me! Lalo at ni hindi ka naman nagpapaliwanag sa akin kung anong nangyayari sa'yo – sa inyo ni Dolly! Jack, I know what we have is just a temporary affair. Pero hindi ba may exclusivity deal tayo? Ikaw lang sa buhay ko at ako lang sa buhay mo? Well, hindi 'yan ang nakikita ko ngayon. She's already married but she's still holding your leash! Kailan ka kakawala sa kaniya, Jack? Hanggang kailan ka magpapagamit at magpapauto sa babaeng 'yon?"

"Stop it," gigil na sagot ni Jack. Hindi ito sumigaw pero parang patalim na humiwa sa puso niya ang kalamigan at anghang sa tono nito. "Hindi ba sinabi ko na sa'yo? Before I fell in love with her, Dolly is my bestfriend. Hindi mababago ang relasyon namin dahil lang nagpakasal siya sa iba. Kahit gustuhin ko, kahit isipin ko paulit-ulit na dapat tapos na ang koneksiyon ko sa kaniya, mahirap pa rin para sa akin ang balewalain siya lalo na kapag kailangan niya ako. Hindi ko siya kayang iwan kapag may problema siya. And right now, she needs me."

Napatitig siya sa mukha nito. "So, sinasabi mo ba na sa tuwing kailangan ka niya walang pagdadalawang isip na pupunta ka sa tabi niya? That no matter who you are currently with, you will abandon her for Dolly without even a single text? Ganoon ba 'yon Jack? Wala kang pakielam kahit nag-aalala ako kung bakit ni isang text lang wala kang ipinapadala sa akin basta masiguro mo lang na maayos ang kalagayan ni Dolly? Ganoon siya kaimportante sa'yo to the point na nakalimutan mo ang arrangement natin?"

Kumuyom ang mga kamao ng binata at dumilim ang mukha sa sobrang galit. "Fine. I apologize for not contacting you the past few days. I have my reasons that I cannot tell you yet. But I will. I swear I will tell you. But you have no right to talk to me about Dolly that way. Hindi ibig sabihin na sinabi ko sa'yo ang tungkol sa amin ay may karapatan ka nang sermunan ako. And yes, we have an arrangement. We have an affair. What we have is just sex, Angel. So why are you acting like a jealous girlfriend now? Don't tell me you're in love with me?"

Napaatras si Angel. Para siya nitong pisikal na sinampal. Just sex. Oo nga naman. Bakit ba niya nakalimutan 'yon? Bumara sa lalamunan niya ang matinding sakit na dulot ng mga sinabi ni Jack. Pilit niya 'yong nilunok at itinaas ang noo. "Don't be too full of yourself. I am not in love with you."

May dumaang emosyon sa mga mata nito na parang disappointment pero agad din 'yong nawala kaya nasiguro ni Angel na wishful thinking lang niya ang nakita niya. Dumeretso ito ng tayo. "Good. Love will just ruin what we have, Angel."

Lalong bumaon ang patalim sa dibdib niya pero nagkunwari siyang hindi apektado. Itinaas niyang lalo ang noo. "Alam ko."

Nagkatitigan sila. Humugot ng malalim na paghinga si Jack at humakbang palapit sa kaniya. "Tapos na ang usapan na 'to. I'll take you home."

Para ano? Para bumalik ito kay Dolly? Para patuloy siyang masaktan sa mga susunod na araw kasi alam niyang magkasama ang mga ito? No. Hindi na hahayaan ni Angel na patuloy siyang masaktan dahil kay Jack. Oo madali siya ma-inlove at oo palagi siyang nasasaktan. Pero hindi siya ang tipo ng babaeng umaaktong masokista. Mas lalong hindi siya martir. She will handle this situation her own way.

Kailangan niya kumawala sa affair nila ni Jack habang kaya pa niyang gawin na hindi madudurog ang puso niya. Habang kaya pa niyang maka-move on kapag naghiwalay na sila.

Bubuksan okay nito ang pinto pero mabilis niyang inilapat ang mga palad sa dibdib nito para pigilan ito. "Not yet."

Natigilan si Jack at napatitig sa mukha niya. May bumakas na confusion sa mga mata nito. Hindi niya ito masisi. Sigurado kasing wala na ang sakit at galit sa mukha niya na naroon kanina. She already pushed those emotions deep inside her heart. She's also good at compartmentalizing her feelings. She had decades of practice. Mamaya na lang niya uli pakakawalan, kapag mag-isa na lang siya. Pero ngayon, may iba siyang plano.

Maghihiwalay man sila pero hindi siya papayag na makalimutan siya nito agad.

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon