Part 33

58.1K 1.1K 24
                                    

Kumurap siya nang maramdaman ang paghawak ng binata sa kamay niyang nakapatong sa lamesa. Nilingon niya ito. "What's wrong?" kunot noong tanong nito.

Huminga siya ng malalim at pilit ngumiti. "Ang swerte lang ng ibang mga kasabayan ko na may pamilya silang kasama ngayon. Kung sana nandito rin ang parents ko."

May kumislap na emosyon sa mga mata ni Jack. Pinisil nito ang kamay niya. Ibinuka nito ang bibig na parang may sasabihin. Pero bago pa makapagsalita ang binata ay lumapit na ang waiter at inilapag ang order nila.

Nagsimula silang kumain. Kinamusta niya ang lakad nito sa Davao at napangiti siya nang makitang umaliwalas ang mukha ni Jack. "It was a successful business trip. Naayos ko na ang lahat ng gusot doon kaya maaga ako nakabalik. I met someone there. He's not really related to Hotels and Casinos. Nakasabay ko lang siya kumain sa hotel restaurant. He's a land developer and a licensed civil engineer. He told me about his projects all over the Philippines. That conversation was very interesting."

Napapangiti si Angel habang nagkukwento si Jack. Ito ang unang pagkakataon na wala sila sa kama na ganoon ito kadaldal. Nakikita niya kung gaano ito ka-interesado sa topic. Mas masigla ito ngayon kaysa kapag tungkol sa Empire ang pinag-uusapan nila.

Come to think of it, masaya kaya si Jack sa Empire? O baka naman may iba itong gustong gawin sa buhay nito pero hindi nito magawa kasi expected ng pamilya nito na sa Empire ito dapat magtrabaho?

Medyo nalungkot siya para sa binata sa isiping 'yon.

"Angel? Why are you looking at me like that?"

Kumurap siya. Nakakunot ang noo ni Jack habang nakatitig sa mukha niya. Umiling siya at ngumiti. "Na-miss nga kita, 'di ba? I need to look at your face. Wala man lang kasi tayong picture sa cellphone ko na pwede ko tingnan kapag gusto kong makita ang mukha mo."

Napatitig ito sa kaniya. Parang nag-iisip na hindi niya mawari. Then bigla nitong ibinaba ang kubyertos at nagtawag ng waiter na mabilis namang lumapit sa kaniya. "Will you take a picture of us?"

Nanlaki ang mga mata ni Angel at umawang ang mga labi niya. Nilingon siya ng binata at inilahad ang kamay. "Give him your phone."

Kumurap siya at mabilis na dinukot ang cellphone niya. Inilagay niya sa camera application at inabot 'yon sa waiter. Pumormang kukuha ng picture ang waiter nang biglang magsalita si Jack. "Wait. Tatayo kami."

"Ha?" manghang nasabi ni Angel nang tumayo si Jack at naglakad palapit sa kaniya. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patayo. Then pinaikot nito ang braso sa baywang niya at hinigit siya hanggang magkadikit ang mga katawan nila. Manghang napatitig siya sa mukha nito.

"Face the camera, Angel," sabi ni Jack na nakatingin na sa waiter na kukuha ng picture.

Namamangha pa rin na tumingin siya sa waiter. "One, two, three... smile."

Matamis na napangiti si Angel habang tinitingnan ang mga picture nang nakaupo na uli sila. Ngiting ngiti siya sa pictures. Si Jack seryoso pa rin ang facial expression. Pero okay lang. At least finally, may picture na sila together.

"Are you happy now?" tanong ng binata.

Nakangiti pa ring tiningala niya ito at sunod-sunod na tumango. "Thank you, Jack. The best graduation present 'tong mga picture na 'to para sa akin." Napatitig na naman ito sa kaniya. Natigilan siya. Uminit ang mukha. Oh, no! Tumikhim siya at apologetic na ngumiti. "Sorry. Did I just sound clingy?"

Kumurap si Jack. Tumikhim din at mukhang naging uncomfortable. Nagkaroon ng nakakailang na katahimikan sa pagitan nila hanggang matapos sila kumain.

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon