Part 43

56K 1.2K 71
                                    

KABADO si Angel nang pumasok sa trabaho kinabukasan. Alam naman niya na maliit lang ang posibilidad na magkita sila ni Jack. Kahit nga noong okay pa sila bihira sila magkita maliban na lang kung siya mismo ang gumagawa ng paraan para umakyat sa floor kung nasaan ang opisina nito.

So unless he seeks her out himself, it's impossible for them to see each other. Na imposible niyang gawin. Isa lang akong temporary affair para sa kaniya. Bakit naman niya ako kusang lalapitan? Sigurado kasama na naman niya si Dolly ngayon, mapait na naisip niya nang sumakay siya sa elevator na para sa mga empleyado. Pinindot niya ang button para sa floor nila at pasara na ang elevator nang magulat siya sa kamay na biglang pumigil sa mga pinto niyon.

Nanlaki ang mga mata ni Angel nang sa muling pagbukas ng elevator makita niyang si Jack pala ang may-ari ng kamay na pumigil sa pagsasara niyon. Seryoso ang mukha nito. Parang galit pa nga lalo na nang magtama ang mga paningin nila. Bumilis ang tibok ng puso niya nang humakbang ito papasok sa elevator.

Bigla siyang nahirapan huminga. Maluwag doon pero biglang sumikip dahil sa presensiya ng binata. Binawi niya ang tingin, tumitig sa nakasara nang pinto. Nang makita niya sa reflection ng mukha niya ang panic pinilit niyang kinalma ang sarili. Itinaas niya ang noo pero hindi nagsalita.

"Are you still angry?" basag ni Jack sa katahimikan.

Humigpit ang hawak niya sa strap ng shoulder bag niya. "Hindi na ako galit. Wala nang rason para magalit ako. Tapos na ang affair natin."

Narinig niya ang mahina pero marahas na pagmumura ni Jack. Pagkatapos ay bigla nitong hinawakan ang braso niya at pinihit siya paharap kasabay ng paghakbang nito palapit sa kaniya. Napasinghap si Angel nang maglapat ang mga katawan nila. They both have their clothes on but she can still feel the heat and hardness of his body. She can smell his familiar scent. She can still feel the electric currents of attraction between them. And her heart aches because their nearness makes her remember every passionate moment they spend together for the last weeks. Kasi hanggang ganoon na lang 'yon. Alaala.

Lumapat sa batok niya ang isang kamay nito. "Look at me, Angel," marahas na bulong nito sa kaniya. Hindi siya nag-angat ng tingin. His fingers sinked into her hair and he tugged until she was forced to look at his face. Galit talaga ang binata. Nakikita niya 'yon sa mga mata nito. Pero ngayong magkalapit na ang mga mukha nila may iba pa siyang napansin. Napansin niyang namumula ang mga mata nito at may eyebags pa na para bang hindi ito nakatulog magdamag. Hindi rin ito nakapag-shave kaya may stubbles ang lower half ng mukha nito. May linya ng frustration sa gilid ng mga labi nitong mariing nakatikom.

Huminga ng malalim si Angel at ibinalik ang tingin sa mga mata nito. "Let me go," anas niya.

"No," determinadong sagot ni Jack. "I will not let you go."

Bumilis ang tibok ng puso niya. Kasi feeling niya may mas malalim na kahulugan ang sinabi nito. Lumapit pang lalo ang mukha nito sa kaniya at kumalat ang init sa buo niyang katawan, lalo na sa pagitan ng mga hita niya. She can feel and smell his hot breath against her lips. "You are mine," bulong ni Jack. "Hindi ako papayag na basta mo na lang ako talikuran. Gusto ko lang ipaalala sa'yo ang tunay na kasunduan natin. Our affair will end when we are both tired of each other, Angel. You may be tired of me – which I know is a lie – but I am not yet tired of you. At matagal pa bago 'yon mangyari."

But you will still get tired of me eventually. At baka sobrang emotionally invested na ako sa'yo 'non. I'm already in love with you now. Paano pa weeks or months from now? Ano kaya kung sabihin niya 'yon? Na mahal na niya ito kaya gusto na niya matapos ang ugnayan nila? Sigurado bibitawan na siya nito na parang isa siyang nakakapasong bagay. Siguradong lalayuan na siya nito at hahanap na lang ng ibang babaeng magpapainit sa kama nito. Pero kapag inamin niyang mahal niya ito, ano pang matitira sa pride niya? Paano pa niya ito haharapin sa susunod na magkasalubong sila?

Itinaas ni Angel ang noo. "Ayoko na Jack."

Humigpit ang mga daliri nito sa buhok niya. "Bullshit," galit na sagot nito. Napanganga siya sa sobrang pagkagulat nang biglang pumaikot sa baywang niya ang isang braso nito at lalo pang idikit ang katawan sa kaniya. Sinamantala nito ang pagkagulat niya. He opened his mouth and devoured her lips for a wet and deep kiss that took her breath away. She moaned loudly when his lips found her tongue and sucked on it with a hunger that matched her own.

Nawala ang panlalaban sa sistema ni Angel. Namayani ang pangungulila at pagmamahal niya para kay Jack. Namayani ang pagnanais niyang mapalapit dito kahit sa pisikal na paraan lang. Kaya umangat ang mga kamay niya paikot sa batok nito at gumanti siya ng halik. He groaned and his hold on her became tighter. Their tongues tangled with each other. Their teeth nipping each other's lips alternately.

Papalalimin sana nitong muli ang halik nang biglang tumunog at huminto ang elevator. Magkalapat pa rin ang mga labi nila nang bumukas ang pinto 'non at makaringi sila ng malakas na singhap mula sa labas. Napalingon sila.

Parang binuhusan ng nagyeyelong tubig si Angel at mabilis na naitulak palayo si Jack nang makitang si Mrs. Ocampo ang nakakita sa kanila! Halata ang shock sa mukha ng may-edad na babae habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ng binata. Pero ang pagkagulat ay napalitan ng disgusto lalo na nang itutok nito ang tingin sa kaniya. "Miss Marquez, in my office. Now."

Kumurap siya at mabilis na lumabas ng elevator.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap, Angel," seryosong sabi ni Jack. Parang walang pakielam kahit may nakakita sa kanilang naghahalikan.

Hindi niya ito nilingon at nagsimulang maglakad palayo. Pero narinig niya ang sinasabi ni Mrs. Ocampo sa binata. "I am so disappointed in you, young man. Hindi ikaw ang tipo ng boss na nananamantala ng empleyado. Don't do this again or your father will definitely hear about this."

Mariing pumikit si Angel. Hiyang hiya siya. Hindi lang dahil nahuli sila ng immediate superior niya. Kung hindi dahil kahit anong gawin niya hindi niya makayang iresist si Jack. Isang halik lang, nawala lahat ng galit at panlalaban niya. Isang halik lang, handa na naman siyang masaktan basta makasama lang niya ito.

Bakit ba ganito siya ma-in love? Bakit ba walang taong handang mahalin siya na kasing tindi ng pagmamahal niya? She's so pathetic. And very very sad. At mananatili siyang ganoon kung bibigay siya agad dahil lang sa isang halik. Kaya kailangan niya magbago.

Hindi na hahayaan ni Angel na siya lang ang nagmamahal sa isang relasyon. Kung ipipilit pa rin ni Jack ang temporary affair na tanging kaya lang nito ialok sa kaniya, puwes kahit gaano pa niya ito kamahal ay tatanggi siya. Because she deserves more than a temporary affair. Yes, she might be broken and dirty and ruined. But she deserves to be loved too.

"I deserve it," kausap niya sa sarili. Namasa ang mga mata niya. Huminga siya ng malalim at sa mas malakas at determinadong boses ay inulit niya, "I deserve it."

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon