Part 15

69.5K 1.4K 10
                                    

KINABUKASAN bigla na lang sinabi ni Jack na lalabas sila. Wala raw pagkain sa bahay nito kaya sa kung saang restaurant na lang daw sila kumain. Medyo na-disorient si Angel kasi innexpect niya na pagkatapos niyang magbihis sasabihin na nito kung ano ang kapalit ng pagtulong nito sa kaniya. Nang buksan niya ang topic na 'yon ang sagot lang nito ay, "Later." Kaya wala siyang nagawa kung hindi sumakay na lang sa kotse nito.

Dinala siya ng lalaki sa isang mamahaling restaurant. Nailang si Angel kasi nakasuot lang siya ng skinny jeans at puting blouse kompara sa semi-formal outfit ni Jack at ng iba pang mga customer sa loob ng resto. Lalo siyang naging uncomfortable nang pagpasok nila napunta lahat ang tingin ng mga tao sa kanila – kay Jack, actually. Napako tuloy siya sa kinatatayuan niya sa tabi ng pinto.

Nahigit niya ang hininga at napalingon sa lalaki nang maramdaman niya ang palad nito sa lower back niya. Nakayuko ito sa kaniya, medyo nakaangat ang mga kilay na parang tinatanong kung ano ang problema niya. Bago pa may masabi si Angel may lumapit na sa kanilang waiter, tinatanong kung sa anong pangalan nakalagay ang reservation nila. Tumawag si Jack kanina habang nasa biyahe sila kasi nga by reservation lang pala pwede kumain 'don. Sosyal talaga. Pagkatapos sabihin ng lalaki ang pangalan nila hinatid sila ng waiter sa isang table for two. Umorder sila ng pagkain at kahit nang mailagay na sa lamesa nila ang mga order nila hindi pa rin sila nag-uusap.

"Eat," tipid lang na sabi ni Jack. Napabuntong hininga si Angel at kumain na lang.

Bago sila matapos kumain may biglang lumapit sa lamesa nila. A couple. "Jack Lopez. Fancy seeing you here," masayang sabi ng lalaki.

Tipid at parang pilit na ngumiti si Jack habang nakatingin sa mga bagong dating. Nang magsalita ito halatang out of politeness lang at ayaw patagalin ang kumustahan. Mukhang ang couple tuloy ang nailang at nagpaalam na agad. Pero bago umalis napunta kay Angel ang atensiyon ng mga ito. Curious at mukhang hindi nakatiis na nagtanong ang babae kay Jack. "Is she...."

Tumango si Jack, seryoso ang mukha. "My girlfriend."

Nanlaki ang mga mata ng babae. Mukhang nagulat rin ang lalaki. Pero mas nagulat at namangha si Angel. Napatitig siya kay Jack.

"So... you will bring her to the wedding?" tanong uli ng babae na mukhang naunang makabawi sa pagkagulat.

"Of course I will."

"Wedding? Anong wedding?" litong tanong ni Angel nang makaalis na ang mga kakilala ni Jack. "At bakit mo sinabi na girlfriend mo 'ko?"

Ni hindi nagbago ang facial expression nito. Kaswal pang uminom ng tubig at pinunasan ng tissue ang bibig. Then sinalubong din nito ng tingin ang mga mata niya. Sa wakas. "I told you na may kapalit ang pagtulong ko sa'yo, hindi ba? I want you to act as my lover. May kasal tayong pupuntahan bukas. And you can't say no."

Umawang ang bibig ni Angel pero naitikom din agad. Ano bang dapat niyang ikareklamo eh kagabi nga pinagbigyan nito ang gusto niya. Ano ba naman ang umaktong girlfriend nito sa loob ng isang araw? Hindi naman 'yon mahirap gawin. Huminga siya ng malalim at nirelax ang katawan. "Okay, fine."

"Good. Finish your food. Bibili tayo ng isusuot mo bukas."

Bumuntong hininga siya uli at ibinalik ang atensiyon sa pagkain.

KAHIT papaano hindi na nagulat si Angel nang dalhin siya ni Jack sa boutique ng isang sikat na fashion designer. Aware na siya ngayon na ubod talaga ito ng yaman although hindi niya alam kung ano ang trabaho nito. Medyo namangha nga lang siya na ang mismong designer ang humarap sa kanila. Kakilala pala ni Jack. Medyo na-starstruck siya kasi palagi niya nakikita sa tv at internet ang designer. Maloloka si Grace kapag sinabi niyang na-meet niya ito ng personal.

Nagsukat siya ng mga long gown. Ang designer pa ang humingi ng sorry kay Jack. Wala na raw time para gawan siya ng damit kaya ready made na lang ang mai-o-offer nito. Ni sa panaginip hindi niya naisip magsuot ng ganoong klase ng gown. Natakot na siyang magtanong kung magkano kasi baka tumanggi na siyang isuot pa 'yon.

After nila makabili ng gown bumalik na sila sa bahay ni Jack. Kakahinto pa lang ng kotse sa garahe tumunog na ang cellphone ng binata. Mabilis nitong sinagot ang tawag. Sumeryoso ang mukha at matipid ang mga sagot. "Papunta na ako," sabi nito at saka tinapos ang tawag. Nilingon siya ng binata. "I have something to do at the office."

"Ah..." Tumikhim si Angel at medyo ngumiti. "Pwede naman ako tumambay sa kung saan hanggang makauwi ka."

Umangat ang mga kilay nito. "What for? Just stay here and take a rest." Sinabi nito sa kaniya ang passcode para makapasok siya sa loob ng bahay. 'Tapos dumukwang ito at binuksan ang pinto sa tabi niya. Humugot siya ng malalim na paghinga at alanganing bumaba.

Sa isang iglap napaandar na nito uli ang kotse palabas ng higanteng gate. Naiwan siyang nakatayo roon, manghang napatitig sa kawalan.

AKALA NI Angel prepared na siya umattend ng kasal kasama si Jack. Na magiging madali lang 'yon at pagkatapos bayad na siya sa naging pagtulong nito sa kaniya.

Isang malaking pagkakamali.

Nawala sa isip niya kung anong kasal ang pupuntahan nila. Bumalik lang sa kaniya lahat nang makita niya ang groom. Para sa lalaking 'yon ang Bachelor's Party kung saan siya nag perform. Malamang rin ang groom's men at best men sa kasal na 'yon, present din noon sa Party. Nanlamig siya at na-tense sa posibilidad na makilala siya ng mga ito. Lalo na't nang dumating sila ni Jack sa hotel kung saan mag-aayos ang lahat ng kasali sa wedding entourage ay napatingin sa kanila ang mga tao at halatang gulat na gulat. Titig na titig ang mga ito kay Angel at halatang sinusuri ang hitsura niya. Humigpit tuloy ang kapit niya sa braso ni Jack kahit na pilit niyang pinanatiling nakataas ang kanyang noo.

"Wow. I never thought you will bring someone to my wedding," sabi ng groom na nginitian siya. "He never brings a date to any family event. You must be really special to him."

Ngiti lang ang nasagot ni Angel kasi hangga't maaari ayaw niyang magsinungaling. Si Jack naman imbes na magkomento sa sinabi ng groom ay ipinakilala na lang siya. "She's Angel. Angel, he's Blake, my cousin." Ipinakilala rin nito ang iba pang lalaking naroon. Then naramdaman niyang pumaikot ang braso nito sa baywang niya at possessive na hinigit siya padikit pang lalo sa katawan nito. "I already checked in to a different room. Doon na lang kami magbibihis ni Angel."

Pinihit na siya ni Jack patalikod sa mga kakilala nito pero bago sila makalayo may isang nagsalita, pahabol at parang hindi lang napigilan ikomento, "Magugulat si Dolly kapag nakitang may kasama ka. She's possessive of her bestfriend."

Napahinto sa paglalakad ang binata at naramdaman ni Angel na na-tense ang buo nitong katawan. Nang tingalain niya ito nagulat siya nang makitang bumakas ang matinding galit sa mukha nito. Pero nang bumaling naman si Jack sa nagsalita, kalmado na ang expression nito at medyo ngumiti pa nga. Though may kilabot na humagod sa likuran niya at may takot siyang naramdaman habang nakatingin sa ngiti nito. Lalo na nang malamig itong magsalita, "She doesn't own me."

Naging tensiyonado ang paligid. Naging seryoso ang mukha ni Blake. Ang iba pang lalaki roon, halatang nailang. "Then, see you all later," sabi ni Jack at pinihit na uli siya patalikod sa mga ito.

Sumakay sila ng elevator paakyat sa floor kung nasaan ang hotel room nila. Lumunok si Angel, nagipon ng lakas ng loob bago nagtanong, "Sino si Dolly?"

Hindi agad sumagot si Jack. Humigpit ang kamay sa baywang niya. Bumukas ang pinto ng elevator at akala niya hindi na nito sasagutin ang tanong niya. But then he said, "She's the bride."

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon