Part 48

59.5K 1.2K 31
                                    


Kumunot ang noo ni Angel. "Pero nakita ko si Dolly kanina na... hinalikan ka."

Natigilan ang binata, inalala siguro ang sinasabi niya. Then he smiled. "Ah. So that's what made you jealous tonight. Sa pisngi lang niya ako hinalikan, baby. It was a 'thank you' kiss. Tumulong raw ako magkaayos sila ng pinsan ko pero sa totoo lang wala naman akong ginawa." Pero sumeryoso rin ito agad at kumunot ang noo. "Pero kahit gaano ka pa nagseselos, hindi ka dapat sumasama sa kung sinong lalaki. I almost punched that guy."

Ayaw niya sana pero may naramdaman siyang tuwa sa puso niya sa possesiveness nito. Kasi hindi naman siguro ito magiging possessive sa kaniya kung hindi siya importante rito kahit papaano, hindi ba?

Pero ano? Tatanggapin mo na naman siya? Makukuntento ka na naman sa kaya lang nitong ibigay sa'yo? You deserved to be loved, remember?

"Are you still mad?" tanong ni Jack, umangat sa braso niya ang isang kamay nito at masuyong humaplos.

Umiling siya. Kasi iyon naman talaga ang totoo. Hindi na masama ang loob ni Angel. At least, kung tungkol kay Dolly ang isyu. Nakita niya ito at si Blake kanina at mukha namang intimate at in love ang mga ito sa isa't isa. At wala rin naman siya karapatan magalit kay Jack kung hindi siya nito kayang mahalin.

Bumakas ang relief sa mukha ng binata at may sumilay na ngiti sa mga labi. Nagliparan ang mga paru-paro sa sikmura niya at napatitig lang sa mukha nito. God, she missed that smile. Yumuko ito at magaan na hinalikan ang mga labi niya. "Then, you will stop running away from me, now? Okay na tayo ulit?"

Huminga siya ng malalim. "Jack... I will not have an affair with you again," malumanay na sabi niya.

Na-tense ito at nawala ang ngiti. "Why?"

"Sinabi ko na sa'yo ang rason, hindi ba?" frustrated na sagot ni Angel.

Katahimikan.

"I like you, Angel. I really do. Hindi lang pisikal. I like your attitude. I like your passion. I like your smile. I like how strong you are," mahina, marahan pero sinserong sabi ni Jack.

Malungkot siyang ngumiti. "Thank you." Pero pareho nilang alam na iba ang like sa love. Suddenly, he looks frustrated and confused. Mukhang gusto pa nitong magsalita, kumbinsihin siya na bumalik uli sa relasyong mayroon sila noon. Pero isa sa mga bagay na gusto niya kay Jack ay hindi ito nagsisinungaling. Hindi nito masabi ang mga salitang alam nitong magpapapayag sa kaniya para magkaroon uli sila ng affair. Because it will be a lie if he told her he loves her.

Biglang may kumatok sa pinto. "May naghahanap kay Angel." Malakas ang boses ni Blake nang sabihin 'yon. "Get out of there now."

Kumurap siya, inilapat ang mga palad sa dibdib ni Jack at marahan itong itinulak hanggang nakalapat na ang mga paa niya sa sahig. "Si Grace 'yon. Kailangan ko na talaga umalis."

Bumagsak sa tagiliran nito ang mga kamay, bumuntong hininga at lumayo sa kaniya. Dapat makahinga siya ng maluwag na hinahayaan siya nitong umalis. But instead of relief she feels... lost.

Tumikhim si Angel at humakbang na palapit sa pinto pero bigla siya nitong tinawag. Lumingon siya. Hinubad nito ang suit, lumapit sa kaniya at isinuot 'yon sa kaniya. His scent washed over her. "Go home," masuyong bulong nito at hinalikan ang sentido niya. Napapikit siya at pinigilan ang urge na umiyak. Huminga siya ng malalim, tumango at pinilit ngitian ang binata. "Ikaw rin." Saka siya tuluyang lumayo kay Jack, tumalikod at lakas loob na binuksan ang pinto.

Nakita niya agad si Grace. Lumapit siya sa kaibigan niya na kumapit agad sa braso niya. "Umuwi na tayo." Tumango ito. Binalewala niya ang tingin ng mga taong nadadaanan nila sa VIP lounge bumaba ng hagdan. Ilang sandali lang ay nakalabas na sila ng club at sakay na ng kotse nito pauwi.

DAY off ni Angel kinabukasan kaya nagkulong lang siya sa kuwarto niya. Relieved siya kasi hindi nagtanong si Grace ng kung anu-ano tungkol sa nangyari kagabi. Bukod sa may tumawag na kliyente sa kaibigan niya at umalis para sa isang lunch date. Kaya natulog lang siya maghapon. Ilang beses siyang naalipungatan sa ring ng cellphone niya pero tamad na tamad siya para silipin man lang kung sino ang tumatawag.

Tuluyan siyang nagising sa sunod-sunod na pag-alog sa balikat niya. "Wake up, sleeping beauty. Alas siyete na ng gabi!"

Luminaw ang isip niya at napabangon siya. Nakatayo sa gilid ng kama niya si Grace. "Ha? Gabi na?"

Tumaas ang kilay nito. "Yes. Come on. Lumabas tayo at mag-dinner. Gutom na gutom na ako pero tinatamad ako magluto."

Tumango si Angel kasi kumakalam rin ang sikmura niya. Lumabas na ang kaibigan niya at tumayo siya para mabilis na mag shower at magbihis. Paalis na sila nang saka lang niya kunin ang cellphone niya. Katabi kasi 'yon ng wallet niya. Naalala niyang may tawag ng tawag sa kaniya maghapon pero bago pa niya mabuksan 'yon lumapit na sa kaniya si Grace at hinatak siya palabas ng kuwarto. Isinuksok na lang tuloy niya ang gadget sa bulsa ng jeans niya at hindi na pinansin hanggang dumating sila sa isang restaurant somewhere sa Ayala.

Bumaba sila sa kotse ni Grace pero pinigilan siya nitong maglakad papasok sa loob. "May hinihintay ako," sabi ng kaibigan niya.

Kumunot ang noo ni Angel. "May inimbita kang iba?" Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa kaibigan niya. "Oh, my God. May boyfriend ka ba? As in serious boyfriend na ipapakilala mo na sa akin?!"

Natigilan si Grace, may emosyong dumaan sa mukha na pangalawang beses na niya nakikita mula rito at nasiguro niya na tama siya. Pero umiling ito at itinirik ang mga mata. "Tonight is not about me. Ikaw nga diyan ang dapat may ipakilala sa akin ng pormal eh."

"Ha?"

Bago pa makasagot ang kaibigan niya may nakita siya sa gilid ng kanyang mga mata na nagpabilis sa tibok ng puso niya. Isang pamilyar na sasakyan ang dumating at pumarada sa natitirang espasyo sa parking lot kung nasaan sila. Magkahalong init at panlalamig ang naramdaman ni Angel nang bumaba mula sa SUV si Jack. His gaze went directly at her. Na para bang alam nitong makikita siya nito roon. May determinasyon ang kislap ng mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.

"Sorry, pinakielaman ko ang cellphone mo kanina," biglang sabi ni Grace.

Kumurap si Angel at manghang napatingin sa kaibigan niya. Pagkatapos ay mabilis niyang dinukot ang cellphone niya at tiningnan 'yon. Sa call register niya nakalagay na maraming beses siyang tinawagan ni Jack. May isa rin itong message sa inbox niya. I want to see you. At may reply siya. Pangalan ng restaurant kung nasaan sila ngayon.

Niyakap siya ni Grace at bumulong, "Kausapin mo siya, Angel. Don't let yourself be miserable by running away from someone you really love. Someone na mukhang malalim din naman ang feelings para sa'yo. Just don't... be miserable." Napansin niya na nanginig ang boses nito at humigpit ng husto ang yakap sa kaniya bago bumitaw, ngumiti at mabilis na sumakay uli sa kotse nito. Bago pa siya makapag-react na paandar na nito ang sasakyan, kumaway sa kaniya sa huling pagkakataon at pinaharurot 'yon palayo.

Nang maglakas loob siyang sulyapan si Jack nakita niyang naglalakad na ito palapit sa kaniya. Huminga siya ng malalim at napahawak sa sikmura niya kasi nagwawala ang mga paru-paro sa loob 'non habang nakatitig siya sa mukha ng binata. Kinagat niya ang ibabang labi bago nagsalita, "Kung nandito ka para kumbinsihin na naman akong ituloy ang –"

"Angel," putol nito sa sinasabi niya. "I just want to have dinner with you." Kumurap siya. Tipid na ngumiti ang binata at lalo siyang na-caught off guard. "I missed eating dinner with you. I missed listening to your voice as you tell me about how your day went. I missed your relentless questions that I always end up answering even though I'm not used to it. I just... missed you."

May init na humaplos sa puso niya at uminit ang kanyang mga mata. Kasi nakikita niya ang sinseridad sa mukha nito. Huminga ito ng malalim at inilahad ang kamay. "Have dinner with me, Angel."

Oh, Jack, how can I resist you when you're being like this? Sinulyapan niya ang mukha nito. He looks expectant. Huminga siya ng malalim at tipid na ngumiti. Pagkatapos inabot niya ang kamay nito. "Okay. Dinner sounds good."

Lumawak ang ngiti ni Jack at humigpit ang hawak sa kamay niya. Saka siya nito hinila papasok sa restaurant.

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon