Part 19

60.8K 1.3K 14
                                    

"HAYOP talaga sila. Dapat isumbong mo na sila sa pulis, Angel!" galit na galit si Grace. Kahit delayed, sinabi pa rin niya sa kaibigan ang nangyari sa bahay ng tiyahin niya pagkarating na pagkarating niya sa apartment nito. Tumawag siya habang bumabiyahe papunta roon at sobrang thankful siya na nasa bahay ito. Hindi niya alam kung saan siya pupunta kung sakaling may raket si Grace.

Huminga siya ng malalim, hinawakan ang braso ng kaibigan niyang gigil na nagpapalakad-lakad sa sala nito at marahan itong hinila paupo sa tabi niya. "Ayoko na silang makita uli, Grace. Kaya ayoko na magsumbong sa pulis o kung ano pa man. Tatanungin lang nila ako kung bakit ngayon lang ako nagsumbong kung kailan matanda na ako. Mauungkat pa ang naging kabataan ko at makakarating sa mga taong nakakakilala sa akin. Ayokong tingnan nila ako na..." May bumara sa lalamunan ni Angel. "Alam mo kung ano ang sinasabi ko 'di ba? I don't want them to see me as someone... different."

Nagkatitigan silang magkaibigan. Magkahawak ang mga kamay nila, kumukuha ng lakas sa isa't isa. Katulad ng ginagawa nila sa nakaraang mga taon mula nang magkakilala sila. No one will really understand them the way they understand each other. Malalim ang pagkakaibigan nila na pinagbuklod ng kaparehong mga karanasan sa buhay.

Bumuntong hininga si Grace. "Sige na nga. Kailangan mo naman na talaga talikuran ang mga taong 'yon para maka move on ka sa buhay at makapagsimula. Forget them. Dito ka na lang tumira sa apartment ko."

Ngumiti si Angel. "Salamat ha?"

"It's nothing. What are friends for? Besides may bakante naman akong kwarto. Maganda nga at may kasama na rin ako rito sa wakas. Ah, but tell me kung magdadala ka ng boylet ha? I'll stay away para magkaroon kayo ng privacy."

Natawa siya at umiling. Hindi naman kasi niya 'yon gagawin at alam niyang alam 'yon ni Grace. Pinapagaan lang nito ang sitwasyon at sobrang thankful siya para sa effort nito. Niyakap niya ito ng mahigpit. "Ang sarap talaga ng may bestfriend."

Natawa rin ito at gumanti ng yakap. "Talaga."

SA sumunod na mga araw naging busy si Angel sa pagpunta sa job interviews. Sunod-sunod na tumawag sa kaniya ang mga kompanyang pinasahan niya ng application at thankful siya roon. Kailangan niya ang distraction para sa future lang naka-focus ang isip niya at hindi sa nakaraan.

Nang sumunod na linggo, matapos ang lahat ng final interviews na pinuntahan niya, mapalad na tatlo ang binigyan siya ng official offer kahit pa three weeks pa bago ang graduation niya. Hindi siya nahirapan magdesisyon kung anong offer ang tatanggapin niya. Umpisa pa lang may gusto na talaga siyang pasukan. Ang Empire Hotels and Casinos. Palaging laman ng telebisyon, diyaryo at online advertisements and articles ang kompanyang 'yon. Mahigpit na kakompitensiya ng Solaire at iba pang mamahaling Hotels and Casinos. Puntahan ng mga uber rich hindi lang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa.

Angel has always been mesmerized by Empire Hotels and Casinos. Namamangha siya sa tuwing napapanood niya sa TV ang mga event na doon ginaganap. Bagay na bagay ang pangalan nito kasi parang palasyo ang disenyo ng mga hotel at casino at ang mga taong nagpupunta roon parang mga royalty. Naisip niya noon pa man na kahit maging simpleng empleyado lang 'don gusto niyang mapasali sa magarbo at makinang na mundo ng Empire Hotels and Casinos. Gusto niyang kahit papaano lumihis siya sa normal, boring at commoner niyang buhay. You only live once, 'ika nga. Kaya kahit ambon lang ng excitement ay gusto niya magkaroon ang buhay niya.

So she accepted the official job offer as an HR Assistant from Empire Hotels and Casinos. Pinagrereport na siya agad para sa kanyang dalawang linggong training bago siya pumirma ng working contract. Eksakto sa natitirang mga araw bago siya mag martsa para sa kanyang graduation.

Binalita niya agad kay Grace ang tungkol doon pagdating ng kaibigan niya kinaumagahan galing sa kung saang raket.Natuwa ito at patili siyang niyakap. "I'm so proud of you, Angel! Hey, let's celebrate. Let's go clubbing tonight. Sagot ko!"

Natawa siya pero umiling. "Hindi ako pwedeng magpuyat kasi magrereport na ako sa opisina bukas ng umaga. May orientation kami."

Tumirik ang mga mata ni Grace. "Killjoy ka talaga. But well, at least you look better these days." Pinagmasdan siya nito at ngumiti. "You're starting to pick up the pieces of your life. Blessing in disguise ang pagpapalayas sa'yo ng tiyahin mo."

Gumanti ng ngiti si Angel kahit na may kurot siyang naramdaman sa puso niya. Yes, she looks better these days. She's doing her best to look okay. Ayaw niya mag-worry si Grace sa kaniya. Pero sa gabi, kapag mag-isa na lang siya sa kuwarto at nakatitig sa kisame kasi hirap siyang dalawin ng antok, nakakaramdam siya ng matinding lungkot at pangungulila. Mas lalo na kapag natutulog siya. Kasi dinadalaw siya ng parehong panaginip gabi-gabi. Hindi na ang bangungot na nakasama niya sa kanyang paglaki. Iba na.

Si Jack na.

Every night she dreams of him; of his lips against her mouth, of his tongue and teeth on her skin, of the touch of his hands, of the feel of his hard body against her, and of the way his manhood fills her now empty and aching sex. Craving for him. Longing for him.

Gabi-gabi nagigising si Angel nang alanganing oras, habol ang hininga, nanginginig ang buong katawan, sensitibo ang balat at nananayo ang tuktok ng mga dibdib. Every night she gets aroused by the images from her dream. She always ends up touching herself – imagining her hands are his hands - just to relieve the pleasure-pain between her legs. Para lang makatulog siya uli. Kaso pagkatapos ng orgasm, hindi rin naman nababawasan ang kahungkagan na nararamdaman niya. Kasi bumabalik sa isip niya si Jack. Hinahanap-hanap ng buong sistema niya ang presensiya nito.

Pero alam niya na hindi na uli sila magkikita ng binata. Ni hindi nga niya tinatangkang i-search sa Google ang pangalan nito kasi malakas ang pakiramdam niyang may makikita siyang articles tungkol dito. Kahit gaano pa siya ka-curious, ayaw na niyang kilalanin pa si Jack. Ni ayaw niyang makakita ng picture nito.

Someday, mawawala na ito ng tuluyan sa isip niya. Makakalimutan niya ang mabangong amoy nito na madalas, hanggang ngayon parang naamoy pa rin niya. Hindi na siya maho-hook sa hip bones nito na makinita pa lang niya sa isip niya na-a-arouse na siya. Makakalimutan na ng katawan niya ang haplos at halik nito. Her sex will soon forget the feel of his cock inside her. Someday, hindi na si Jack ang magiging laman ng kanyang wet dreams.

Kailanganniya maniwala. It's the only way she can move on without him

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon