Part 55

65.1K 1.4K 74
                                    


Pagdating ni Angel sa HR Department sinugod siya agad ng mga katrabaho niya para magtanong kung kailan pa sila magkarelasyon ni Jack at kung paano 'yon nangyari. Napangiwi siya. Kasi ayaw niyang sagutin ang tanong ng mga ito. Masyadong personal at espesyal para sa kaniya ang mayroon sila ng binata. At oo na, madamot na siya kung madamot pero ayaw niya mag-share.

Mabuti na lang lumapit si Mrs. Ocampo at pinagalitan ang mga katrabaho niya. Nakahinga siya ng maluwag at nginitian ang may-edad na babae na tango ang isinagot bago bumalik sa opisina nito.

Sa loob ng sumunod na mga oras naging maayos ang pagtatrabaho ni Angel. Paminsan-minsan sinisilip niya ang cellphone niya pero walang text o tawag mula kay Jack. May mga sandaling kinakabahan siya pero palagi niyang iniisip na alam ng binata ang gagawin at dapat siyang magtiwala rito.

Pagsapit ng lunch break naalarma siya at ang iba pa niyang katrabaho nang may isang sumigaw nang, "Oh, my God!" Nakatutok ito sa screen ng tablet nito, nanlalaki ang mga mata, nakasuot ng headset at para bang may video na pinapanood.

"Ano 'yon?" takang tanong ng isa.

Lumingon ang may hawak ng tablet, deretso ang tingin kay Angel. Saka dahan-dahang iniharap sa kanila ang gadget sabay bunot sa headphone para marinig nila ang nagsasalita sa video. "Si Mr. President," sabi ng katrabaho niya. "Press conference."

Para siyang sinipa sa sikmura. Napatayo siya at mabilis na lumapit hanggang makita niya ng malinaw ang video sa isang streaming news website. Si Jack nga! Confident at determinado itong nakatayo sa podium ng isa sa mga conference room sa itaas na floor, napapalibutan ng mga lalaking nakasuot ng business suit. Sa isang panig ay nakita niyang nakatayo si Blake, may katabing mga may-edad na lalaki na kahawig nila ni Jack kaya malamang mga ama ng mag-pinsan.

Nakangiti si Blake, may kislap ng pride sa mga mata habang nakatingin sa pinsan. Pero ang mga matatandang Lopez ay halatang galit. Nag-close up ang camera sa mukha ni Jack at nilakasan ng katrabaho niya ang volume para marinig nilang lahat.

"I, Jack Lopez of Empire Hotels and Casinos, is officially stepping down as the president of this company. Effective today. Walang dapat ipag-alala ang lahat ng business partners ng kompanya, since my cousin, Blake, will become the next president of Empire. And I am confident that he will lead this company to greater heights."

Napasinghap si Angel, naitakip ang mga kamay sa bibig. Nagulat din ang lahat ng mga tao sa paligid, kahit si Mrs. Ocampo na lumabas sa opisina nito nang marinig yata ang ingay nila.

No. Anong ginagawa ni Jack? Bakit ito nag-re-resign sa trabaho?

"In line with this, I am also selling all my shares to him. After all the legalities are processed and completed, I will no longer have any connection to Empire Hotels and Casinos."

"What?!"

"Bakit kaya biglang pinuputol ni sir Jack lahat ng koneksiyon niya sa Empire?"

"Hindi ba sobrang reckless nang ginagawa niya?"

"Bakit?"

"Paano na siya kung parang tinatakwil na niya ang pamilya niya?"

"Lopez pa rin siya kahit wala na siyang kinalaman sa Empire, hindi ba?"

"Pero bakit niya 'to ginagawa?"

Sunod-sunod at halos sabay-sabay na nag-react ang mga katrabaho niya sa announcement ni Jack. Pagkatapos biglang lumingon ang lahat sa kaniya. Napaatras si Angel. Siya ang iniisip ng mga itong dahilan. Parang hinahalukay ang sikmura niya kasi... may pakiramdam siyang tama ang mga ito. We have a big day tomorrow. Iyon ang sinabi ng binata sa kaniya kagabi. Ito pala ang ibig nitong sabihin.

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon