LUMIPAS ang dalawang araw na wala siyang balita kay Jack. Ni hindi niya nakikita kahit anino lang nito kahit pa araw-araw silang nasa loob ng iisang building. At as usual, walang tawag o text mula sa binata. Hindi na niya tinangkang magkusang kontakin ito. Medyo nagtatagumpay na siyang balewalain ito.
Hanggang sa ikatlong araw, habang kumakain siya ng almusal bago maligo at magbihis para pumasok sa trabaho ay bigla na lang lumapit sa kaniya si Grace na bagong gising. May dala itong broadsheet na pahagis na inilapag sa tabi ng kape niya. "Look at that. Alam mo ba ang tungkol diyan?"
Napatitig siya sa pahinang nakaharap sa kaniya pero hindi niya tinangkang hawakan. Nakita kasi agad niya ang mga picture na kadikit ng artikulong gustong ipabasa ni Grace sa kaniya. Ang isang larawan ay kuha ni Blake. Mukhang nasa Pilipinas na rin ito at may kasamang grupo ng mga lalaki at may ilang babae. Parang nasa isang party. Ang isa namang picture na nagpasikip sa dibdib niya ay kuha ni Dolly at Jack na magkasamang kalalabas lang ng guest entrance ng Empire Hotel. Nakakapit ang babae sa braso ng binata. Para bang may ibinubulong si Dolly kasi nakatingala ito at halos nakadikit ang bibig sa tainga ni Jack na medyo nakangiti. They look intimate. It made her chest ache.
"May usap-usapan na nagkakaproblema ang mag-asawa na 'yan. Kauuwi pa lang nila galing sa honeymoon pero napansin na ng press na hindi sila kasing sweet na katulad noong kasal nila. Sa nakaraang mga araw rin, never silang nakita na magkasama. In fact, palagi silang magkahiwalay sa mga lakad nila. At 'yang si Dolly, sa nakaraang dalawang araw, palaging nakikitang si Jack Lopez ang kasama. May reliable source na isang staff sa Empire Hotel ang nagsabi na doon daw nag-ii-stay si Dolly at sabay silang pumapasok ni Jack sa loob ng Suite niya sa gabi. Kinabukasan na sila lalabas pagkatapos. So bumabalik na naman ang matagal na palang isyu tungkol sa tunay na relasyon nina Dolly at Jack."
Pinilit alisin ni Angel ang tingin sa artikulo at hinarap ang kaibigan niyang nakikiinom na sa mug ng kape niya. Huminga siya ng malalim. "At bakit ang dami mong alam?"
Naging pilya ang ngiti ni Grace, hinawi ang buhok paipit sa tainga bago sumagot, "Kasama ko kagabi ang isa sa mga executive ng isang sikat na showbiz news website. He's very talkative in bed. Hell, he even talks faster than he fucks. Mabuti na lang galante siya. Right now he's obsessed with the whole Dolly-Blake-Jack issue. Noon pa pala niya sinusubaybayan ang Lopezes at si Dolly Uy. Saka wala raw showbiz issues ngayon worth talking about. Good timing daw ang isyu na 'to."
Hindi kumibo si Angel at pinilit ubusin ang pagkain kahit hirap siya lumunok. Naramdaman niyang naging mataman ang titig ni Grace sa kaniya. "You don't look surprised. Alam mo na ang tungkol kay Jack at Dolly?"
Huminga siya ng malalim. Matamis ang kinakain niya pero ang pait ng panlasa niya.
"You're trying to keep everything in, huh. Naiintindihan ko naman kung bakit mas pinipili mong umaktong indifferent. It hurts less that way. Hindi kita pipilitin magkwento." Humigop na naman ito sa kape niya at saka 'yon ibinalik sa harap niya. Tumayo na si Grace at naghikab. "Matutulog pa ako. Ingat sa pagpasok sa trabaho." Tumalikod na ito at bumalik sa sariling kuwarto.
Ibinaba ni Angel ang kutsara sa plato. Wala naman talaga siyang gana kumain eh. Inubos niya ang natirang kape sa mug niya at tumayo para maghugas ng pinagkainan. Nang paalis na siya sa kusina para maligo hindi rin niya napigilan tingnan uli ang broadsheet. Mariing tumikom ang bibig niya at bago pa niya marealize kung ano ang ginagawa niya hinablot na niya 'yon, mariing nilamukos at ubod lakas na hinagis papunta sa basurahan. Shoot 'yon. Saka siya nag-martsa palabas ng kusina.
SA ikaapat na araw mula nang huli silang magkaroon ng contact ni Jack, nagkaayaan ang mga katrabaho ni Angel na i-treat ang mga sarili sa mamahaling pagkain sa restaurant ng Empire Hotel. Nag sweldo kasi sila kahapon. Alanganin lang siyang inaya ng mga katrabaho niya kasi nga mula nang magtrabaho sila ay palagi siyang tumatanggi kapag inaaya siya ng mga ito. Busy kasi siya sa binata. Pero kagabi pumayag siyang sumama sa mga ito.
Kaya pagka-out nila sa hapon na 'yon halatang excited na ang mga katrabaho niya. Hindi pa nga siya tapos mag-retouch ng make-up niya sa restroom inaaya na siyang bumaba sa restaurant ng mga katrabaho niyang babae. Natatawang pinauna na lang niya ang mga ito. "Promise susunod ako," sabi pa ni Angel kasi biniro siya ng mga ito na baka hindi na naman siya sumunod. Palagi raw kasi siyang nawawala at hindi nila alam kung saan siya nagpupunta.
Kinailangan muna niya ng ilang minuto na mag-isa at nakatitig lang sa salamin. Suot niya ang choker necklace na bigay ni Jack. Ewan ba niya. Masama ang loob niya sa binata at mukhang matatapos na ang affair nila pero heto siya, suot pa rin ang binigay nitong kuwintas. Araw-araw siyang na-te-tempt na iwan na lang sa cabinet niya 'yon pero everytime, bago siya aalis sa trabaho, hindi rin siya makakatiis at isusuot 'yon.
Pagdating ni Angel sa restaurant may hawak nang menu ang mga katrabaho niya at may waiter nang nakaabang para sa order ng mga ito. They left an empty seat for her. Nag-thank you siya at umupo. Inabutan siya ng menu at doon natutok ang tingin niya. Masayang nag-uusap ang mga katrabaho niya nang biglang matahimik ang mga ito. Naramdaman niya ang tensiyon at nagkaroon ng bulungan sa lamesa nila.
"So, totoo pala talaga ang tsismis tungkol kay Mr. President."
Natigilan siya nang marinig ang mahinang boses na 'yon ng katabi niya. Bumilis ang kabog ng dibdib niya. Pasimple siyang huminga ng malalim at saka lakas loob na nag-angat ng tingin. Nakaharap siya sa entrance ng restaurant kaya nakita niya agad ang mga bagong dating.
Parang nilamukos ang puso ni Angel at nanlamig siya. Kasi katulad sa picture na nasa broadsheet, nakakapit na naman si Dolly sa braso ni Jack. There is a satisfied look in her face as she stares up at him. Na para bang katatapos lang mag-sex ng mga ito.
Nakatitig pa rin siya sa mga ito nang biglang mapatingin sa direksiyon nila si Jack. Nagtama ang mga paningin nila. Kumislap ang pagkagulat sa mga mata nito. Pero hindi 'yon ang gusto niyang makita. Ang gusto ni Angel makitang ma-guilty ito na may kasama itong iba habang may relasyon pa sila. Ang gusto niya magpaliwanag ito sa kaniya kung bakit hindi siya nito kinokontak mula nang dumating si Dolly. Ang gusto niya... makita niya kahit papaano na may laban naman siya kay Dolly sa puso nito.
She tugged his arm and whispered in his ear. Binawi ni Jack ang tingin para harapin ang babae. At para bang hindi siya nakita na inakay nito si Dolly papunta sa isang bahagi ng restaurant, papasok sa pinto kung nasaan ang VIP area ng restaurant.
Nasaktan si Angel. Pero mayamaya lang napalitan 'yon ng pagrerebelde at galit. How dare he do this to her? May usapan sila! Nakasundo sila na exclusive ang affair nila. He's supposed to be by her side. Not Dolly's.
"Angel, ikaw anong gusto mo?" biglang tanong ng katabi niya.
Napalingon siya. Alam niya na pagkain ang tinatanong nito. Pero bigla natanong niya rin sa sarili niya 'yon. Ano ba ang gusto niya? Si Jack. Siya ang gusto niya. Hindi niya ito basta ibibigay kay Dolly na ipinagpalit na ito sa iba.
Nakabuosiya ng desisyon. Whether he likes it or not, she will see him tonight.
BINABASA MO ANG
CHAINED UP (R-18)
General Fiction"You are mine, Angel. You will always be mine. I will ruin any man who will even think of snatching you away from me." Ito ang kuwento ni Angel Marquez, kaibigan ni Grace mula sa story ko na SAVING GRACE. unedited version, first draft ang ipopost ko...