"I MISSED HIM," naiiyak na ungol ni Angel habang nakasubsob ang mukha sa throw pillow. Nakadapa siya sa sofa, dapat masaya kasi graduation na niya bukas pero heto siya sa apartment at nagmumukmok.
"Ugh. Tigilan mo nga 'yan. Para kang naka-drugs na nag-wi-withdrawal," disgusted na sabi ni Grace. Binato siya ng unan.
Lumingon siya sa kaibigan niya na nakaupo sa one-seater couch, nakataas ang mga paa at halos makita na niya ang singit sa iksi ng shorts. Palagi niya ito sinasabihan na habaan naman ng konti ang suot pero hindi ito nakikinig.
"Eh sa na-mi-miss ko siya eh. Sabi niya tatawag siya sa akin araw-araw pero mula kahapon wala pa ako natatanggap kahit text lang mula sa kaniya. Na-te-tempt na akong mauna tumawag."
"Sige. Gawin mo 'yan para malaman niyang in love na in love ka sa kaniya. At alam mo ang mangyayari once na malaman niya ang feelings mo 'di ba? Tatapusin niya ang relasyon niyo."
Nasaktan si Angel. Kasi alam niyang 'yon ang totoo. Napapikit siya at isinubsob uli ang mukha sa unan. "Nagiging clingy ako 'no? Hindi 'to maganda."
Hindi agad sumagot si Grace pero alam niyang tinititigan siya nito. "You know, I think I have something you need right now."
Napalingon siya sa kaibigan niya sa narinig niyang simpatya sa boses nito. kahit ang facial expression nito sympathetic din. "Anong kailangan ko?"
"You see, sa tingin ko kaya ka nagkakaganiyan kasi hindi lang si Jack ang nami-miss mo. You miss his cock too. I have a vibrator that I just bought last week. Hindi ko pa ginagamit. Sa'yo na lang. Get that tension out of your body, Angel."
Nanlaki ang mga mata niya at napabangon. Malakas niyang hinagis ang unan sa kaibigan niya na tawa ng tawa. "Pero seryoso ako!" tili ni Grace nang humablot siya ng isa pang unan at ibato rito. Nakaiwas ang bruha. "You need to cheer up. Tomorrow is your big day."
Napahinto si Angel. Nagkatitigan silang magkaibigan. Napangiti na siya. Tumayo siya at lumapit kay Grace. Niyakap niya ito. "Thank you for making me feel better. The best ka talaga."
Tumawa ang babae at gumanti ng mahigpit na yakap.
AKALA ni Angel prepared na siya na siya lang yata ang estudyante na walang kasamang parents o kamag-anak sa Graduation day nila. Pero ngayong isa-isa nang umaakyat sa stage ang mga estudyante para kunin ang diploma nila at nakikita niyang masayang kumakaway ang mga ito sa kapamilya na nasa audience, may lungkot pa rin siyang nakapa sa dibdib niya.
Na-wish niya na sana buhay pa ang parents niya para masaksihan ang pagtatapos niya sa kolehiyo. Uminit ang mga mata niya. Mabuti na lang siya na ang sunod na tinawag. Huminga siya ng malalim, pilit na ngumiti at umakyat sa stage.
Nanginginig ang mga binti niya at ang mga kamay niya nang abutin ang diploma niya. God, this is it. Naglakad siya papunta sa gitna ng stage, paharap sa mga tao para mag-bow at makunan ng larawan ng official photographer. Then nag-angat siya ng tingin para hanapin si Grace mula sa audience. Alam niyang nasa dulong bahagi ng venue ang kaibigan niya, malapit sa pinto. Iyon ang napag-usapan nila para makikita niya ito agad.
Matamis siyang napangiti nang makita ang kaibigan niya. Hindi niya napigilan iwagayway ang diploma niya.
Suddenly, bumukas ang pinto sa tabi ni Grace. May taong dumating.
Nahigit ni Angel ang paghinga. Hindi makapaniwala. Tama ba talaga siya nang nakikita o namamalikmata lang siya? Imposibleng si Jack ang bagong dating at ngayon ay nakatingin na rin sa kaniya, hindi ba? Kasi bakit ito pupunta sa Graduation niya? Hindi ba nasa Davao pa ito?
BINABASA MO ANG
CHAINED UP (R-18)
General Fiction"You are mine, Angel. You will always be mine. I will ruin any man who will even think of snatching you away from me." Ito ang kuwento ni Angel Marquez, kaibigan ni Grace mula sa story ko na SAVING GRACE. unedited version, first draft ang ipopost ko...