Part 29

57K 1.2K 35
                                    

JACK took her by surprise for the next few days. Kasi akala talaga ni Angel ay purely sexual lang ang magiging relasyon nila ng binata. Pero mali pala siya. Sa mga sumunod na araw palagi siya nitong inaaya mag-lunch sa kung saang restaurant. Maliban na lang kung may lunch meeting ito o may out of town schedule.

Nag-di-dinner date din sila araw-araw. At sa totoo lang 'yon ang favorite part ng araw niya mula nang magkakilala sila ni Jack. Kapag lunch kasi limited lang ang oras nila na magkasama kasi kailangan nila bumalik sa kani-kanilang trabaho. Kapag dinner, mas relaxed sila at mas matagal na magkasama. Nakakapag-usap sila at nakakapag-open up ng tungkol sa kung anu-anong bagay.

Sa mga unang araw, napansin ni Angel na hindi komportable si Jack na magsabi ng anything personal. Kahit nga ang pagkumusta niya sa araw nito at sa trabaho nito, noong una naiilang pa itong sumagot. Kaya one time tinanong niya ito kung bakit ito ganoon.

Tipid lang itong sumagot na, "I'm not used to this kind of date. Usually, my date and I don't speak during dinner because we are both in a hurry to go to the hotel room and fuck each other. We don't have time to talk about anything personal since I don't see a woman more than once." Tinitigan siya nito. "But you are different from them, Angel. I don't mind talking to you. In fact I like listening to your voice. But give me more time to get used to this."

Sobrang uminit ang mukha niya sa sinabi nito. Tumango na lang siya at matamis na ngumiti.

Well, after that dinner they did checked-in a hotel and fucked each other until midnight.

Sa ika-apat na araw na pagkikita nila, napansin ni Angel na mas relaxed na ito kapag kumakain sila. Medyo nakangiti na kapag sumasagot sa pangungumusta niya sa naging araw nito. Siyempre, ikinatuwa niya 'yon. Hindi nga niya mapigilan mapangiti ng matamis.

After one week since the start of their affair, bigla na lang napag-usapan ang tungkol sa pagsulpot niya sa Bachelor's Party ni Blake. "Mali ka nang sabihin mo na wala akong interes malaman ang dahilan kung bakit ka nag perform sa party. The truth is, I have always been curious about your reason, Angel."

So sinabi niya rito ang totoo. "Sinabi ko na sa'yo na sariling sikap ako sa pag-aaral ko, 'di ba? Well, akala ko this time talagang makaka-graduate na ako nang walang problema. Kaso may libo-libo pa pala akong kailangan bayaran na kung anu-anong fees para mapasama ako sa List of Graduates. Wala na talaga akong matakbuhan at two days na lang deadline na ng bayaran. Kapag hindi ako nakapagbayad tatagal na naman ako sa College. Ayoko na mangyari 'yon. Tiyempo na dumating ang offer para sa Bachelor's Party. Originally ang kaibigan ko dapat ang ra-raket 'non pero ibinalato na lang niya sa akin para magkapera ako."

Kumunot ang noo ni Jack. "Didn't you think that there is a possibility that the boys will get out of control and have their way with you? Or was it part of your plan to sleep with someone from that party?"

Hindi siya na-offend sa tanong nito kasi mukhang out of curiousity lang talaga 'yon. Wala siyang na-feel na negative vibe. "Nangako ang organizer na aawat siya kapag umabot sa point na 'yon. Ang plano ko ay tapusin lang ang performance ko. Wala nang iba pa." Then sinalubong niya ng titig ang mga mata ni Jack. "But then our eyes met in the darkness."

Kumislap ang mga mata ng binata at naging intense ang titig sa kaniya.

Tipid na ngumiti si Angel. "Then you approached and kissed me. Nawala sa isip ko ang original na plano ko na hanggang performance lang ako. Alam mo ba kung ano ang nasa isip ko habang hinahalikan mo ako nang gabing 'yon?"

Tuluyang binitawan ni Jack ang mga kubyertos, nagpunas ng napkin sa bibig at seryosong nagsalita, "Tell me."

May init na humagod sa katawan niya, humiwa sa sikmura niya at naipon sa puson niya. She squeezed her legs together as arousal took her by surprise. God, how can she feel like this with just two words from him?

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon