Part 45

60.3K 1.4K 32
                                    

PAG-UWI ni Angel sa apartment ready na si Grace para gumimik. Nakasuot na ito ng maiksi at revealing na dress at maayos na ang buhok at make-up nito. Hinihintay na lang talaga siya. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya papunta sa kuwarto nito.

"Alam kong wala kang party dress kaya pahihiramin na lang kita. Meron ako rito na bagong bili na hindi ko pa nasuot. You will definitely look hot on this one," excited na sabi ng kaibigan niya nang abutin ang isang dress at iabot sa kaniya. "Bilis. Isuot mo na."

Nanlaki ang mga mata ni Angel nang makita ang pinapasuot sa kaniya ni Grace. Pero bago pa siya makapagreklamo ay nagsalita na ito, "You need to find someone new. So dapat you look amazing tonight. Okay?"

May point ang kaibigan niya. Kaya bago pa magbago ang isip niya naghubad na siya kaagad at isinuot ang puting mini dress. Simple lang naman 'yon. Body hugging at high neck ang collar. Iyon lang, backless 'yon at exposed hanggang lowerback niya. Ang laylayan ng dress ay kalahati ng hita niya at tumataas pa kapag gumagalaw siya.

Inilugay niya lang ang buhok niya at medyo inayos ni Grace para makuha raw ang 'just-got-fucked' look. Ang make-up niya manipis lang. Pagkatapos niyang mag-ayos ay natuwa ang kaibigan niya. "Perfect! You look like a sexy and seductive angel. You will definitely get laid tonight!"

Sa kabila ng emotional roller coaster na nararanasan niya mula pa kagabi ay hindi napigilan ni Angel ang matawa sa excitement ng kaibigan niya.

SA isang mamahaling dance club siya dinala ng kaibigan niya. Alas diyes pa lang nang gabi pero punong puno na ng magagarang sasakyan ang parking lot ng club. Marami pang mga party goer ang nasa labas. Hinawakan ni Grace ang kamay niya at hinila na siya papasok sa club. Hindi na lang niya pinansin ang mga lalaking nadaanan nila na napapatingin sa kanilang magkaibigan.

Napangiwi siya sa ingay sa loob. Kung maraming tao sa labas, mas maraming tao sa dance floor. Mga katawang halos magkakadikit na habang nagsasayaw, mga magkakaparehang naghahalikan at nagyayapusan, mga magkakaibigang nagtitilian at nagtatawanan. This is not Angel's scene. Kahit noon, nakakapunta lang siya sa mga ganitong lugar kapag dinadala siya ni Grace.

"Let's go and have a drink," sabi ng kaibigan niya, hindi pa rin binibitawan ang kamay niya. Umorder sila ng cocktails sa bartender at halos sabay na inubos 'yon. "Come on, Angel, let's dance."

Umiling siya. "Dito na lang muna ako, Grace. Go on. Have fun."

Tinaasan siya nito ng kilay. "Kaya tayo nagpunta rito para sa'yo hindi para sa akin."

"I know. Sige na. Sasamahan kita sa dance floor mayamaya ha?"

Mukhang nagdadalawang isip pa rin si Grace pero sa huli iniwan rin siya para sumayaw sa dance floor. Huminga ng malalim si Angel, umorder uli ng cocktail at saka iginala ang tingin sa paligid.

A lot of guys are obviously checking her out. She avoided making eye contact with any of them. Tahimik lang siyang uminom habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid. May nahagip ang tingin niya na stainless steel stairs sa isang side ng club. Wala sa loob na umangat ang tingin niya hanggang makitang may second floor pala na mukhang VIP lounge. May dalawa kasing bouncer sa itaas ng hagdan at nakita niyang may dalawang babaeng nagtangkang umakyat pero hindi pinayagan. Open space ang second floor at nakikita niya mula sa kinatatayuan niya ang maluluwag na leather sofa doon. Siguro may dance floor din sa part na hindi niya nakikita pero halatang less crowded doon. May mga waiter pang palakad-lakad na nagdedeliver ng drinks at pagkain.

Aalisin na sana ni Angel ang tingin sa second floor nang may makita siyang pamilyar na bulto na patalikod na sumandal sa railings. Nahigit niya ang hininga at nagliparan ang mga paru-paro sa sikmura niya. Kasi kahit madilim ay malabong maipagkamali niya ang malakad na likuran na 'yon. Si Jack. He's here. Mangha pa rin siyang nakatitig sa binata nang may babaeng lumapit rito at ipinulupot ang mga braso sa leeg nito. Para siyang sinaksak sa dibdib nang mapatitig siya sa nakangiting mukha ni Dolly. May sinasabi ito kay Jack. Pagkatapos tumingkayad ang babae hanggang matakpan ng ulo ng binata ang mukha nito. They look like they... kissed.

Uminit ang mga mata niya at ang puso niya parang biniyak. Lumayo si Dolly sa binata, ngiting ngiti pa rin, may sinabi bago tumalikod at naglakad palayo at mawala na ito sa paningin niya. Naiwan si Jack sa railings ng second floor at pumihit paharap. God, why does he looks so handsome? Bakit kahit nakatayo lang ito roon ay para itong may magnetismo na hindi niya mapigilan hindi mapatitig?

There is a bored look on his face as he looks down at the crowd. He looks larger than life. Like a leader. Like a king. And for some weird reason, his gaze landed directly to Angel. Huli na para umiwas kasi nagtama na ang mga paningin nila. Madilim at masakit sa mata ang strobe lights pero nakita niya agad ang rekognisyon sa mga mata nito. Na-tense ang buo nitong katawan at nagmukha itong galit.

Ha. Bakit ito nagagalit? Umismid si Angel at itinaas ang noo. She tried to act like she was not hurt with what she saw a while ago. Itinaas niya sa kanyang mga labi ang baso ng cocktail at inubos ang laman 'non. Then she licked her lips. Lalong nagmukhang galit si Jack. Well, wala na siyang pakielam. Inilapag niya ang baso sa bar counter at tinalikuran ang binata.

"Finally. You turned around."

Napatingin si Angel sa mukha ng lalaking nakahilig sa bar counter ilang pulgada ang layo mula sa kaniya. Guwapo ang lalaki at mukhang mabait. He's wearing a formal attire as if he just got out of work. Tipid siyang ngumiti.

"You want another drink?" tanong nito uli.

In fairness, friendly at hindi creepy ang tono ng lalaki. Lumawak ang ngiti niya. "Later. I actually want to dance right now."

Ngumiti rin ang lalaki, inubos ang iniinom na alak at dumeretso ng tayo. Inilahad nito ang kamay. "May I have the honor?"

Natawa si Angel at inabot ang kamay nito. Habang naglalakad sila papunta sa gitna ng dance floor natanaw niya si Grace na sumasayaw habang napapalibutan ng tatlong lalaki. Nakita rin siya nito at kumindat. Pero bago pa sila makagalaw sa saliw ng tugtog nagulat na si Angel nang biglang may humablot sa isa niyang braso at hinila siya palayo sa lalaking gulat na nabitawan ang kamay niya. Tumama ang likod niya sa isang matigas, malapad at pamilyar na katawan. Bumilis ang tibok ng puso niya at uminit ang buong katawan niya nang manuot sa ilong niya ang mabangong amoy ni Jack.

"What the fuck are you wearing?" gigil na bulong nito sa tainga niya.

Uminit ang mukha niya at lumobo ang ulo niya sa inis. Tiningala niya ang binata na sa sobrang lapit ng mukha ay halos maglapat na ang mga labi nila. Galit na sinalubong niya ng tingin ang mga mata nito. "None of your damn business."

Humigpit ang hawak nito sa braso niya. "What are you doing here?"

Itinaas niya ang noo. "Katulad din ng rason kung bakit ka nandito. I'm here to have fun so get your hand off me." Then nilingon niya ang lalaking dapat ay dance partner niya. She smiled apologetically. "I'm sorry about this. Aalis na siya at pwede na tayo sumayaw."

"No fucking way," Jack growled. Growled! Nakakaloka. Nasaan ang controlled at reserved na lalaking nakilala niya? Nasaan ang boredom at indifference na nakita niya sa mukha nito kanina habang nakatayo sa may railings ng second floor?

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon