Part 16

65.8K 1.3K 22
                                    

ANG SABIHING engrande ay kulang pa para i-describe ang kasal nina Blake at Dolly. It was like a royal wedding. Mga kilalang tao sa negosyo, politika at entertainment ang mga bisita. Ang daming press ang present para i-cover ang kasal.

Nang bumaba sa kotse sina Jack at Angel nagulat siya kasi ang daming flash ng camera. Automatic na nabiling niya patago sa dibdib ng binata ang kanyang mukha. Napunta sa balikat niya ang braso nito na kanina nasa baywang niya. He pulled her closer in a protective manner as they walked inside the church. Kahit sa loob, napatingin sa kanila ang mga bisitang naroon na. Pagkagulat, pagtataka at curiousity ang makikitang expression sa mukha ng lahat.

Kinabahan si Angel at nanlamig. Sinulyapan niya ang mukha ni Jack. He's expressionless. Nakataas ang noo at parang walang pakielam sa atensiyong nakukuha. Na para bang sanay na itong tinitingnan ng lahat ng taong makakita rito. And she was struck with the realization that she doesn't know him at all. Na kung ano man ang impresyon niya sa klase ng buhay at pagkatao nito, sobrang higit pa 'don ang tunay na status nito sa high society. Nagsisisi tuloy siya na hindi siya mahilig magbasa ng mga balitang may kinalaman sa alta-sosyedad. Si Grace ang masipag magbasa ng mga articles tungkol sa mayayaman. Dapat nagtanong muna siya at kinilala muna kung sino ba talaga si Jack Lopez bago siya pumayag sumama sa kasal na 'yon.

"Too late to have second thoughts now," pabulong na sabi ng binata nang ihatid siya nito sa isang hilera na malapit sa altar, sa likuran ng pwesto ng mga abay na lalaki. Kinilabutan si Angel nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa tainga niya. Lumingon siya at kumabog ang dibdib niya nang magtama ang mga paningin nila. Ang mga mukha nila ilang pulgada lang ang layo sa isa't isa. Umangat ang gilid ng mga labi ni Jack at magaan siyang hinalikan sa pisngi. "I have bestman duties to fulfill now. Stay here." Isang pisil sa baywang niya bago siya nito pinakawalan. Naglakad na ito palayo at siya naman umupo na. Napahugot siya ng malalim na paghinga. Ninenerbiyos talaga siya. Pero ayaw niyang mapahiya si Jack sa mga taong naroon dahil sa kaniya. So she composed herself. Itinaas niya ang noo at umaktong confident. At sa tuwing may taong mahuhuli niyang nakatitig sa kaniya hindi niya iniiwas ang tingin at ngumingiti pa.

Kaya niya 'to. Makaka-survive siya sa araw na 'yon. Sisiguruhin niya.

"JACK, kinakabahan ako. Isang araw lang naman 'tong usapan natin, 'di ba? Hindi mo na ako kailangan –"

"It's rude not to introduce you. Let's go."

Hinila siya nito palapit sa mga magulang nito. Nanuyo ang lalamunan ni Angel kasi hindi pa sila nakakalapit nakikita na niya ang disgusto sa mukha ng parents ni Jack. Ang tatay nito, nakatiim ang bagang at matalim ang tingin sa anak. Ang nanay naman nito, nakataas ang kilay habang hayagan siyang pinapasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Papa, Mama, meet Angel, my girlfriend."

"What the hell do you think you're doing right now, Jack? Today is Blake and Dolly's special day pero ang mga bisita at press people sa'yo nakasunod ang tingin. Sinasadya mo bang gumawa ng eksena ngayon?" mahina pero galit na tanong ng ama nito. Ni hindi binalingan ng tingin si Angel.

Mahinang tumawa si Jack pero wala siyang narinig na humor sa tawa na 'yon. Sarcastic 'yon at may halong pait. "Bakit naman ako gagawa ng eksena? May dahilan ba para gawin ko 'yon?"

"Jack," nagbabantang sabi naman ng Mama nito.

Sinulyapan ni Angel ang mukha ng lalaki at nanlamig siya nang makita ang kislap ng karahasan sa mga mata nito. He's really really angry right now. Iyon ang sigurado niya. "Relax, Mama. I will not ruin their wedding. Pero mukhang takot na takot kayong gagawin ko 'yon. I wonder why."

Namutla ang matandang babae. Lalong bumakas ang galit sa mukha ng matandang lalaki. Natakot si Angel na baka magkasakitan ang mag-ama. Bago pa niya mapag-isipan ang ginagawa umangat na ang isang palad niya sa likuran ni Jack at nangaalo itong hinaplos. Natigilan ang binata at humigpit ang brasong nakapaikot sa baywang niya.

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon