NAKAGAT ni Angel ang ibabang labi habang nakatitig sa repleksiyon niya sa salamin. Nasa loob siya ng restroom na katabi ng conference room sa floor kung nasaan ang opisina ni Jack. Tapos na ang dalawang linggong training nila kaya magkakaroon ng meeting para malaman kung saan na ma-a-assign ang mga bagong empleyado.
Hinaplos niya ang bahagi ng leeg niyang may bakas ng mga labi at ngipin ni Jack. That spot where he bit her as he came inside her. She was also riding the wave of pleasure then kaya hindi niya naramdaman ang sakit ng kagat nito. Pero nag-iwan 'yon ng marka. So she's trying to hide it with her hair for the past three days. So far effective naman. Wala pang nakakapansin. At hopefully walang makapansin hanggang sa tuluyan na 'yong mawala.
Huminga ng malalim si Angel, inayos ang buhok niya at nginitian ang sarili. "It's going to be okay," usal niya. "Hindi ako malilipat sa ibang lugar. It's going to be okay." Iyon ang dasal niya mula pa nang magsimula siyang magtrabaho sa Empire. Kapag kasi pinadala siya sa ibang hotel at casino na malayo sa main office, mahihirapan na sila magkita ni Jack. Paano kung dahil inconvenient na ay magdecide itong tapusin na ang affair nila? Alam niya na sooner or later maghihiwalay sila. But she wants to be with him a little longer. Kaya nagdadasal siyang ma-assign siya dito sa main office.
Kalahating oras ang lumipas, habang nasa loob siya ng conference room kasama ang mga kasabayan niyang naging empleyado sa Empire, nakahinga ng maluwag si Angel at muntik na tumalon sa tuwa. Kasi isa siya sa tatlong naiwan sa HR ng main office. The rest ay na-assign sa mga hotels ng Empire sa iba't ibang panig ng Pilipinas.
Gumanda ang mood niya kasi ngayon alam niyang hindi siya mapapalayo kay Jack. Lalo siyang sumaya nang pagsapit ng lunch break nakatanggap siya ng text mula sa binata.
Come to my office. I drove my secretary away.
Ibig sabihin magkaka-solo sila. Bumilis ang tibok ng puso niya at uminit ang pakiramdam niya sa excitement. Alam ni Angel na palalim ng palalim ang feelings niya para kay Jack. Kasi habang tumatagal halos minu-minuto na niya itong gustong makita. Sobrang na-a-attach na siya. Alam niya hindi 'yon maganda kasi mas magiging masakit sa kaniya kapag naghiwalay na sila. Kaso hindi niya mapigilan ang sarili niyang mahalin ang binata. Kaya binabalewala niya ang warning bells na naririnig niya sa isip niya.
Pagkatapos masiguro na walang nakapansin sa kaniya, umakyat si Angel sa opisina ni Jack. Thankful siya na wala siyang nakasalubong na tao sa hallway. Minsan napapaisip siya kung nasa opisina ba ang mga director ng Empire kasi parang wala namang tao palagi sa floor na 'yon. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang mga nagliliparang paru-paro sa sikmura niya nang nasa tapat na siya ng pinto ng opisina ng presidente. Hindi siya kumatok at pinihit na lang pabukas ang doorknob.
Wala nga ang secretary nito at as usual nakababa ang blinds sa glass wall ng inner office ni Jack. Nakangiti niyang binuksan ang pinto at sumilip sa loob. Nakita niya ito agad. Nakaupo sa swivel chair sa likod ng malaking office table. Nasa pinto ang tingin nito na para bang kanina pa siya hinihintay.
Nagtama ang kanilang mga paningin. Umangat ang gilid ng mga labi nito. Then he crooked his fingers at her, urging her to come closer. Her stomach fluttered and she felt like someone squeezed her heart. Ilang araw silang hindi nagkita kasi may inasikaso itong maraming trabaho na natambak daw kasi nga nasa Davao ito ng halos isang linggo. Na-miss niya ito.
Mabilis siyang lumapit kay Jack na imbes na tumayo ay inusod lang ang swivel chair nito para magkaroon siya ng space sa likod ng lamesa nito. Umangat ang kilay niya pero matamis namang napangiti nang hawakan nito ang baywang niya at maingat siyang hinila hanggang mapaupo na siya sa kandungan nito. Humigpit ang braso nito sa baywang niya habang ang mga kamay niya ay automatic na kumapit sa mga balikat nito.
BINABASA MO ANG
CHAINED UP (R-18)
General Fiction"You are mine, Angel. You will always be mine. I will ruin any man who will even think of snatching you away from me." Ito ang kuwento ni Angel Marquez, kaibigan ni Grace mula sa story ko na SAVING GRACE. unedited version, first draft ang ipopost ko...