Part 44

57K 1.4K 50
                                    

HALOS twenty minutes naghintay si Angel sa opisina ni Mrs. Ocampo. Kabado siya sa sasabihin ng boss niya. Halos mapatalon siya sa kinauupuan niya nang sa wakas pumasok ito sa opisina. Tiningnan siya nito, bumuntong hininga at umiling bago umupo sa swivel chair nito. "Sige na, magpunta ka na sa cubicle mo at magtrabaho."

Nagulat siya at napatitig sa may-edad na babae. Hindi man lang ba siya nito pagagalitan? Pagsasabihan na layuan si Jack o kung ano pa mang panenermon? Mukhang nabasa nito ang nasa isip niya kasi bumuntong hininga uli ito. "Our president is a very powerful, charismatic and handsome man. Walang babae ang hindi magkakagusto sa kaniya. He told me he was the one chasing you and not the other way around. Na huwag ako makielam kasi nasa tamang edad ka na raw para magdesisyon para sa sarili mo. And that what both of you have is personal. Wala raw kinalaman sa posisyon niya sa kompanya o sa trabaho mo rito. Tell me, ano pa ang pwede kong sabihin sa'yo pagkatapos ng lahat ng narinig ko mula sa kaniya?"

Hindi nakasagot si Angel. Nagbaba siya ng tingin. "Wala na kaming.... relasyon."

"That's not what he thinks."

Kumuyom ang mga kamao niya at hindi napigilan makaramdam ng inis. Itinaas niya ang mukha. "But that's the truth."

Tinitigan siya ni Mrs. Ocampo. "I don't think so. Hindi 'yan ang nakikita ko sa mukha mo, Miss Marquez. Mas lalong hindi 'yan ang nakita ko sa mukha ni sir Jack. I know him since he was young. He never tells anyone what he really feels. He never even shows it on his face. Until a while ago, while he's telling me not to get mad at you. I think he really likes you, Angel."

He just likes fucking me, Mrs. Ocampo, mapait na naisip niya. Tumayo siya. "Pupunta na ho ako sa cubicle ko."

Bumuntong hininga na naman ang may-edad na babae at tumango. Tumalikod na siya at lumabas sa opisina nito.

DALAWANG oras pa lang siyang nagtatrabaho tunog na ng tunog ang cellphone ni Angel. Mixed emotions siya nang makitang si Jack ang tawag ng tawag sa kaniya. She ignored his calls and tried her best to focus on work. Pero kung stubborn siya, mas stubborn ang binata. Hindi tumigil sa pagtawag sa kaniya. So she put her phone on silent.

Nang mag lunch break saka lang niya tiningnan ang cellphone niya. Nahigit niya ang hininga nang makitang thirty times siya tinawagan ni Jack at mayroon siyang twenty text messages. Iisa lang ang sinasabi ng mga mensahe nito. Meet me at lunch. In my office. We need to talk.

Humigpit ang hawak ni Angel sa gadget at mariing pumikit. No. Hindi siya pupunta doon. Hindi na niya haharapin si Jack maliban na lang kung talagang kailangan. Kaya pumayag siya kaagad nang ayain siya ng mga katrabaho niyang mag lunch. Masayang nagkukuwentuhan ang mga kasama niya habang hinihintay nila bumaba sa floor nila ang elevator. Ngumingiti lang siya kahit sa totoo lang wala sa usapan ang isip niya.

Natahimik ang lahat nang bumukas ang pinto ng elevator. Nawala ang ngiti ni Angel at nanlamig siya nang makita ang nag-iisang taong sakay ng elevator. Si Jack.

Marami sila sa grupo pero deretso sa kaniya ang tingin ng binata. Uminit ang mukha niya at ang una niyang naisip gawin ay tumakbo. In fact nakahakbang na nga siya paatras nang biglang umangat ang kamay nito at hinawakan ang braso niya. Hinila siya nito hanggang makapasok na siya sa elevator at masubsob sa dibdib nito. Kinailangan niyang kumapit sa balikat nito para makuha ang balanse niya. Inis na tiningala niya si Jack. "What are you doing?" mahina pero gigil na tanong niya.

Sinulyapan lang siya ng binata at imbes na sumagot ay bumaling sa mga katrabaho niya. "Take another elevator," utos nito at pinindot ang close button.

Nanlaki ang mga mata ni Angel at nilingon ang mga kasama niya. Halata ang shock at amazement sa mukha ng mga ito habang nakatingin sa kanila ni Jack. Uminit ang mukha niya nang matutok sa kaniya ang tingin ng mga ito. They are judging her right now. She's sure of it. Ibinuka niya ang bibig kaso hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin niya sa mga katrabaho niya. Bago pa siya may masabi ay sumara na ang pinto ng elevator at bumaba na uli. Nang sulyapan niya ang mga button nakita niyang pababa sila sa parking lot.

Naging galit ang pagkapahiyang nararamdaman niya. Inis na hinila niya ang braso para makawala sa hawak ni Jack at gigil na sinalubong ng tingin ang galit ding titig ng binata. "Ano bang problema mo?! Wala ka bang pakielam kung malaman ng mga katrabaho ko na may ugnayan tayo?"

"Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko," malamig na sagot nito.

Frustrated na napasabunot siya sa buhok niya. "Kasi wala na tayong dapat pang pag-usapan. Hindi mo ba naisip ang posibilidad na ngayon pa lang ikinakalat na ng mga katrabaho ko sa ibang empleyado ang nakita nilang paghatak mo sa akin dito sa elevator?"

Dumilim ang mukha ni Jack at hinawakan na naman ang braso niya. "Marami pa tayong pag-uusapan. Kaya huwag mo akong iwasan."

Inis na napatili siya. Kasi mukhang hindi nito naririnig ang sinasabi niya tungkol sa mga katrabaho niya. Naka-focus lang sa topic na gusto nitong pag-usapan. "Jack, hindi ba sinabi ko na sa'yo? Ayoko na." Uminit ang mga mata niya. "Just go and focus all your attention to Dolly."

Humigpit ang hawak nito sa kaniya. Naging matiim ang titig na hindi niya kinaya kaya nagbaba siya ng mukha. "Are you jealous?" manghang tanong nito.

Natawa si Angel at umiling-iling kahit sa puso niya 'yon talaga ang totoo.

"Angel."

Huminga siya ng malalim at lakas loob na tiningala si Jack. "Yes." Natigilan ito. Napatitig sa kaniya na para bang noon lang siya nakita. Itinaas pa niyang lalo ang noo at naging determinado. "Nagseselos ako sa closeness ninyo. Nagseselos ako na mahal na mahal mo siya kahit na pag-aari na siya ng iba. Kagabi, narealize ko na may karapatan din naman akong mahalin. I'm also worthy of a man who can love me as much as you love her. I realized that I deserve a real relationship. Not just a temporary affair. I deserve to be loved, Jack. At oo, gets ko na hindi mo 'yon mabibigay sa akin. So ano pa ang silbi na ipagpatuloy natin ang mayroon tayo? Ayoko na matali sa affair natin. I will find someone who can give me the love that I deserve. Kaya huwag mo na akong habulin. Tapos na tayo."

Timing na huminto na at bumukas ang elevator sa parking lot ng hotel. Mukhang na-caught off guard si Jack kaya naging madali sa kaniya ang kumalas mula sa pagkakahawak nito. Mabilis siyang lumabas ng elevator at halos tumakbo para lang makalayo roon. Pagkatalikod niya kasi sa binata, pumatak na ang mga luha niya.

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon