BIYERNES. Umuwi si Angel galing sa buong araw na paghahanap ng trabaho. Business Management major in Human Resource Development Management ang course niya kaya kahit anong kompanya pwede niyang pasukan. Pero noon pa man gusto na niya magtrabaho sa hotel kaya sa araw na 'yon sa mga sikat na hotel siya nagpasa ng curriculum vitae niya. Maghihintay na lang siya ng tawag.
Katulad ng dati, nagdalawang isip siyang pumasok sa loob ng bahay ng tiyahin niya. Kinailangan muna niyang huminga ng malalim at tatagan ang sarili para hindi siya maapektuhan ng masakit na salitang siguradong ibabato na naman nito sa kaniya.
Pero pagpasok ni Angel wala sa sala ang tiyahin niya. Kahit ang asawa nito na madalas nanonood lang ng TV maghapon, wala rin kahit saan. Tahimik ang buong kabahayan. Pero kung umalis ang mga ito bakit hindi naka-lock ang front door? Baka nasa kuwarto ng mga ito at nagpapahinga.
Nakahinga siya ng maluwag. At least wala siyang maririnig mula sa tiyahin niya. Na-relax na siya at mabilis na nagpunta sa kwarto niya. Binuksan niya ang pinto at napasigaw sa gulat nang makita ang asawa ng tiyahin niya sa loob. Magulo ang mga gamit niya, halatang kinalkal. Halatang nagulat din ang may-edad na lalaki nang humarap kay Angel. Bumaba ang tingin niya sa kamay nito. Nanlamig siya. Then nagalit. Hawak nito ang bente mil na pinakatago-tago niya. Ang envelope na naglalaman ng pera na galing sa estranghero noong Bachelor's Party.
"Akin na 'yan!" sigaw niya, humakbang papasok at mabilis na hinablot ang envelope. Pero hindi nito binitawan 'yon at inilayo pa ang kamay palayo sa kaniya. Mukhang nakabawi na ito sa pagkagulat kasi nag-astang galit na. As if may karapatan itong magalit sa kaniya.
"Saan galing 'tong pera na 'to ha? Kailan ka pa nagkaroon ng ganito kalaking halata?"
Matalim na tiningnan ni Angel ang asawa ng tiyahin niya. "Hindi 'yan sa akin. Pinatago lang 'yan. Akin na."
"Sinong nagpatago nito? 'Yung kaibigan mong pokpok?"
Lalong nagalit si Angel. "Wala kang karapatan tawagin ng kung anu-ano si Grace! Iniiba mo lang ang usapan. Bakit ka nasa kuwarto ko? Akala mo hindi ko alam na ninanakawan mo ako ng pera? Hindi ka pa nakuntento sa mga ginawa mo sa akin noon? Pati pera kukunin mo rin sa'kin? Ang kapal talaga ng mukha mo, hayop ka!"
Umigkas ang kamay ng lalaki. Nawala siya sa balanse at pakiramdam niya nabali ang leeg niya at naalog ang utak niya sa lakas ng pagkakasampal nito sa kaniya. Humapdi at nangapal ang pisngi niya. Matalim niya itong tiningnan. Naluluha siya sa sobrang galit.
"Hayop ako, ha? Gusto mong makita kung ano ang hayop?" mapanganib na sabi ng asawa ng tiyahin niya.
Sumigaw si Angel at nagpapasag nang marahas nitong hawakan ang magkabilang braso niya at hilain siya pabagsak sa kama. Ang galit niya nahaluan ng matinding takot at pagrerebelde nang mabilis siya nitong kinubabawan. Pumaikot ang kamay nito sa leeg niya at idiniin siya sa kama. Matalim niyang tinitigan ang mukha nito – ang mukha ng demonyo. Memories of the past years since she was thirteen years old came back to her. The pain, the fear, the helplessness, the anger. She's so damn tired of it all. Gusto niyang kumawala. Gustong gusto niya.
She felt him getting hard against her. Nanlamig siya sa sobrang pandidiri. "Get off me!" sigaw ni Angel. Humigpit ang pagkakasakal nito sa kaniya hanggang maubo na siya at mahirapan huminga.
"Naging mabait lang ako sa'yo nitong mga nakaraan, umaabuso ka na ha? Akala mo hindi ko alam na kung sino-sino nang lalaki ang nakatikim sa'yo? Kahit gaano pa karaming lalaki ang magpakasasa sa katawan mo, hindi mawawala ang bakas ko, Angel. Akin ka. Akin lang. Kung nakalimutan mo na, ipapaalala ko sa'yo."
"No," paos at halos hindi lumabas ang boses niya. Malaya pa ang mga kamay niya kaya sinamantala niya 'yon. Gigil na kinalmot niya ang mukha nito, bumaon ang mga kuko niya sa isang mata ng lalaki. Napasigaw ito sa sakit at napalayo sa katawan niya. Ubod lakas na tinuhod niya ang pagkalalaki nito. Nagmura ang lalaki at bumagsak paupo sa sahig. Dala ng adrenalin kaya kahit nanginginig ang buong katawan ni Angel nakatayo siya agad mula sa kama at tumakbo para lumabas ng kwarto. Pero nakaisang hakbang palang siya palabas nakabawi na ang lalaki at mabilis na hinablot siya sa baywang, binuhat at hinagis pabalik sa kama.
Tumawa ang asawa ng tiyahin niya, namumula ang mukha at kumikislap ang mga mata sa pagnanasa. "Hay, Angel ko, alam mong lalo akong tinitigasan kapag nanlalaban ka."
"Hindi mo na ako magagalaw ngayon! Papatayin muna kita!" nanginginig ang boses na sigaw niya.
"Eh, 'di magpatayan tayo. Papatayin din kita... sa sarap," tawa nito. Hinubad ng lalaki ang sinturon, binuksan ang pantalon at kumubabaw na naman sa kaniya. Marahas ang mga kamay nito sa balat niya at kahit nanlalaban si Angel hindi niya matalo ang pwersa nito. Halos sirain nito ang blouse na suot niya para lang mahubaran siya. Sinunod nito pilit hinubad ang slacks niya, saka binuka ang mga hita niya. Mariin siyang pumikit, may luha nang tumulo mula sa kanyang mga mata. Wala na naman siyang magagawa. Hindi na naman niya makakayang pigilan ang gagawin nito sa kaniya.
Just let him get it over and done with, bulong na naman ng bahagi ng pagkatao ni Angel na matagal nang sumukong lumaban at magrebelde sa naging kapalaran niya.
Unti-unti, nawala ang will niyang lumaban. Nawala ang tensiyon sa katawan niya at bumaba ang mga kamay niya. Nang dumilat siya nakita niyang ngumisi ang demonyo. "Gusto mo rin pala eh."
She felt him between her legs. She knew he will violate her again.
BINABASA MO ANG
CHAINED UP (R-18)
General Fiction"You are mine, Angel. You will always be mine. I will ruin any man who will even think of snatching you away from me." Ito ang kuwento ni Angel Marquez, kaibigan ni Grace mula sa story ko na SAVING GRACE. unedited version, first draft ang ipopost ko...