Part 11

68.5K 1.3K 41
                                    


DINALA si Angel ng estranghero sa isang malaking bahay, sa loob ng isang exclusive subdivision sa bandang Makati. Electronic ang gate. May pinindot lang itong kung ano sa keychain na hawak ay kusa na 'yong bumukas. Inihinto nito sa garahe ang kotse, sa hilera ng iba pang magagarang sasakyan na naka-park doon. Bumaba sila ng sasakyan at hindi nag-uusap na pinagtulungan nilang ilabas ang mga gamit niya.

"Let's go inside," tipid lang na sabi ng lalaki. Sumunod siya rito.

Electronic rin kahit ang lock ng front door. May passcode na kailangan pindutin sa mga numero at saka 'yon bumukas. At nang pumasok sila sa loob, may pinindot lang itong touch pad sa may pader bumukas na ang mga ilaw sa buong kabahayan. Open space ang style ng bahay. Kapag tumingala ka makikita mo ang second at third floor. Mas obvious ang laki ng bahay kasi halos walang laman. Parang bagong bili lang at hindi pa nalalagyan ng furnitures.

"In here," sabi nito, itinuro ang hagdan paakyat. Lumunok siya at naglakad pasunod sa lalaki.

Pumasok sila sa isang malaking silid sa second floor. Doon kumpleto ang furnitures. Na para bang ang kwarto na 'yon lang ang bahagi ng bahay na talagang ginagamit ng may-ari. Ipinatong nito ang mga gamit niya sa sahig. Then nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya at hilahin siya paupo sa gilid ng malaking kama. Uminit ang mukha ni Angel at nagliparan ang mga paru-paro sa sikmura niya nang maalala ang mga ginawa nila noong huling beses na nagkasama sila sa iisang kwarto. Pero mabilis na napalitan ng pandidiri at panlalamig ang pakiramdam niya nang maalala ang nangyari kanina sa bahay ng tiyahin niya. Nanginginig ang mga kamay na niyakap niya ang sarili.

"What is your name?" biglang tanong ng lalaki.

Napatingala siya rito. Nagtama ang mga paningin nila. "Angel."

"Angel," ulit nito sa pangalan niya. "I'm Jack."

Jack. His name fits him. Ang powerful ng dating. Straight to the point. Walang halong arte.

Pinasadahan siya nito ng tingin mula sa mukha niya, pababa sa katawan niya hanggang sa mga paa niya. Humigpit ang pagkakayakap ni Angel sa sarili. Shame washed over her. She felt so dirty and unworthy to be infront of him. Uminit ang mga mata niya.

"Ano... pwede ba makiligo?" mahinang tanong niya. Baka sakaling kapag kinuskos niya ang buo niyang katawan mawala ang marka ng kababuyang ginawa sa kaniya. Baka sakaling taas noo na niyang maharap si Jack.

"Follow me."

Tumayo siya at sumunod papunta sa isang pinto sa loob ng kwarto na 'yon. Ang banyo ni Jack, mas malaki at mas maganda pa sa kwartong kinalakihan niya. Ang bathtub kasya yata kahit limang tao.

"Take off your clothes. I'll prepare the tub for you." Lumapit ang lalaki sa bathtub, binuksan ang gripo at may pinindot na mga button. Then kumuha ito ng isang bote ng bodywash at maliit na towel sa cabinet. Napasunod siya ng tingin sa bawat kilos ni Jack. Nang mapansin yata na hindi siya natitinag sa pagkakatayo niya roon lumingon ito sa kaniya. Kumunot ang noo nito. "Bakit hindi ka pa naghuhubad? Take a bath. You need it."

Kinagat niya ang ibabang labi. "Hindi ka ba muna lalabas?"

"No."

"No?"

Imbes na sumagot uli, ibinaba ni Jack ang mga hawak sa gilid ng bathtub. Then humarap ito at naglakad palapit kay Angel. Nahigit niya ang paghinga nang huminto ito sa harapan niya, halos isang pulgada lang ang pagitan nila sa isa't isa.

"I just have this strong feeling that I must not leave you alone."

Bumuka ang mga labi niya at napatitig sa mukha ni Jack. Hindi siya makapagsalita kasi may bumara sa lalamunan niya at parang nilalamutak ang puso niya. Bakit parang naiintindihan siya nito kahit hindi naman sila close? Bakit malamig at indifferent ang tono nito pero iba naman ang nakikita niya sa mga mata nito?

"You need to take a bath now. Then we must treat your wounds."

Hindi pa rin nagawang kumilos ni Angel. Nagulat siya nang umangat ang mga kamay ni Jack at sinimulang kalasin ang pagkakabutones ng sira niyang blouse. "A-ako na –"

"Lampas naman na siguro tayo sa stage na nagkakahiyaan pa ipakita ang mga katawan natin sa isa't isa. I've already seen you naked." Sinalubong nito ng tingin ang mga mata niya. May init na humagod sa katawan niya pababa sa puson niya. "I've touched and kissed every part of your body, Angel. I've been inside you, over and over again."

Bumilis ang tibok ng puso niya. Suddenly, umalinsangan sa paligid at parang kakapusin siya ng paghinga. Napayuko siya sa mga daliri ni Jack na isa-isa nang natatanggal ang pagkakabutones ng blouse niya. Pagkatapos marahan nitong inalis mula sa mga balikat niya ang blouse, the back of his fingers slightly touching her bare skin in the process. Sumunod na napunta sa likuran niya ang mga kamay ng lalaki, inalis ang pagkaka-hook ng bra niya. Then bumagsak rin 'yon sa sahig. Her breasts are fully exposed now and to her shame, her nipples are erect and aching. She must be really dirty and messed up to get aroused just because he's undressing her.

Alam ni Angel na imposibleng hindi nito napapansin ang ebidensiya ng arousal niya. Pero hindi ito nagkomento at sinunod kalasin ang hook ng suot niyang slacks. Ibinaba nito ang zipper at bumagsak rin sa sahig. Nahigit niya ang hininga nang lumapat ang mga palad nito sa balakang niya. He hooked his thumbs at the waistband of her panties then slowly pulled it down.

Dalawang beses pa lang sila nagkikita at katulad noong una, hubad na naman siya sa harapan nito.

Umangat ang tingin ni Jack sa mukha niya. Napalunok siya. Kasi akala niya hindi ito affected sa paghuhubad nito sa kaniya. Pero ngayon niya narealize na may iba na sa kislap ng mga mata nito. Mas intense na ang titig nito sa kaniya. Her gaze went down to his body and her stomach fluttered. He has an erection. But it seems like he doesn't want to do anything about that. Hinawakan nito ang kamay niya kaya napatingin na naman siya sa mukha nito. Sandaling nagtama ang mga mata nila. Then walang salitang hinila siya nito papunta sa bathtub.

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon