"It's none of your business," gigil na sabi ni Jack.
Umangat ang mga kilay ni Blake. "Oh, yeah? So do you want to stay tied on your bed, cousin dear?"
Nagmura siya at sinubukan uli hatakin ang mga kamay niya. "Untie me."
"Only if you promise to make a deal with me. Hindi ko pakikielaman si Angel at hindi mo na rin pakikielaman si Dolly. She's already my wife, Jack. Ako na ang responsible sa kaniya at hindi ikaw. Let Dolly go. For your own sake. Because you will never be truly happy with someone unless your lingering feelings for my wife completely disappears. Angel looks angry and hurt when I saw her by the gate earlier. Si Dolly ang pinagtalunan niyo, tama ba ako?"
Marahas na napabuga ng hangin si Jack at ibinagsak ang ulo sa unan. Tumigil na siya sa pagtangkang makawala sa pagkakatali ng mga kamay niya. Mariing tumikom ang bibig niya habang nakatitig sa kisame. Mahabang katahimikan ang lumipas bago siya nagsalita uli. "Dolly must be partying somewhere. Nang iwan ko siya kanina nasa hotel pa siya. I cannot call her to confirm where she is though. Hawak niya ang cellphone ko. Hostage raw niya para tulungan ko siyang iwasan ka. Kapag nakita mo siya ibalik mo sa akin ang cellphone ko. I need to contact someone."
Hindi na siya nagsalita pero may palagay si Jack na alam ni Blake kung sino ang tinutukoy niyang someone. Lumapit ang pinsan niya at kinalag ang pagkakatali ng mga kamay niya. Bumangon siya paupo sa kama at hinimas ang mga kamay niya.
"Wala naman pala akong dapat ipag-alala."
Napatingala siya kay Blake. Tumaas ang mga kilay niya nang makitang titig na titig ito sa mukha niya. "What?"
"You're not as crazy for Dolly as you were before. Sa tingin ko iba na ang kinababaliwan mo ngayon, Jack. And you're in too deep. I don't even know if you're aware of it."
Na-tense siya at hindi nagsalita. Tumalikod ang pinsan niya at nagsimula nang maglakad palabas sa kuwarto niya. "Ako na ang maghahanap kay Dolly."
"How about the company? Kailan mo haharapin ang mga trabaho mo?"
Napahinto si Blake at lumingon sa kaniya. "You're doing a good job as the president."
Sumeryoso si Jack. "I'm not going to stay there forever."
Nagkatitigan silang magpinsan at bigla nasiguro niyang nagkaintindihan sila. Tumango ito. "Fine. Sabihin mo lang kung kailan, handa ako." Saka ito tuluyang nawala sa paningin niya.
Marahas na naihilamos niya ang mga palad sa mukha niya. Pagkatapos may nahagip ang tingin niya sa kama at bumigat ang pakiramdam niya. Ang choker necklace na ibinigay niya kay Angel. Inabot niya 'yon at mariing ikinuyom sa kanyang kamay.
I don't want to be with you anymore. Iyon ang huling mga salitang binitawan nito bago umalis. He knew what they have is a temporary affair. Just sex. And he wants it that way. Kaya bakit gusto niyang tumakbo ngayon para habulin si Angel kahit hindi naman niya alam kung saan ito nakatira? Why does it hurt like a motherfucker when she said she doesn't want to be with him anymore?
Tama nga yata si Blake. He's in too deep. And it's scaring that shit out of him. Kaya imbes na magmukmok sa kuwarto niya ay marahas siyang tumayo. Inayos niya ang suot niya at isinuksok sa bulsa niya ang choker necklace ni Angel. Mabibigat ang mga hakbang na lumabas siya. He must get out tonight.
AYAW SANA sabihin ni Angel kay Grace ang naging 'break-up' nila ni Jack. Kaso umuwi siya sa apartment na umiiyak at sa kung anong dahilan ay wala itong lakad ng gabing 'yon.
"Did you get dumped?" tanong agad ng kaibigan niya nang makita siya.
Sumingot siya at nilampasan ito. "No. I dumped him," mariing sagot niya.
"Ohhhhh. Tell me more," habol ni Grace sa kaniya.
Siyempre hindi naman siya nakatiis at sinabi rin sa kaibigan ang lahat ng nangyari. Kapag wala siyang pinagsabihan sigurado si Angel na sasabog ang dibdib niya sa dami ng emosyong nagkakagulo sa puso niya. Nang nasa part na siya ng kwento tungkol sa ginawa niyang pagtatali kay Jack sa kama ay biglang tumawa ng tumawa si Grace. Napasimangot siya. Heartbroken na nga siya natatawa pa ito.
Mukhang nabasa nito sa mukha niya ang nasa isip niya kasi tumikhim ito at pinilit magseryoso. "Ang nasa isip ko lang naman ay proud ako sa'yo, Angel." Ngumisi na naman si Grace. "You did great. I'm sure he's craving to have you back."
Umismid siya at umiling. "I don't think so. Si Dolly lang ang babaeng nakikita niya. Si Dolly lang ang mahalaga. Si Dolly lang ang mamahalin niya." Ang sakit pa rin kahit matagal naman na niyang alam ang tungkol 'don.
Bumuntong hininga si Grace. "You know what? Let's go out." Tumayo ang kaibigan niya, hinawakan siya sa kamay at hinila siya. "Come to my room. We need to dress up."
"Wala akong ganang lumabas, Grace. At kung dadalhin mo ako sa kung saang club o bar, pass ako. Alam mong hindi ako mahilig mag-party. Saka may pasok pa ako bukas," reklamo niya.
Tumirik ang mga mata ng kaibigan niya. "Oh, fine. Bukas na lang ng gabi tayo lumabas at hindi ka na pwede tumanggi, okay?"
Kumunot ang noo niya. "Wala ka bang date bukas ng gabi?"
Natigilan si Grace, may dumaang emosyon sa mga mata na noon lang niya nakita sa kaibigan niya. Pero agad din 'yong nawala nang magkibit balikat ito. "Gusto ko rin naman ng pahinga minsan 'no. Basta bukas ha?"
Bumuntong hininga si Angel. "Okay," pasukong sagot na lang niya.
Ngumiti ito, tumayo at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. "Then go to sleep now. Baka makasalubong mo siya bukas sa trabaho. Hindi pwedeng mukha kang miserable since ikaw ang nagsabing ayaw mo na sa kaniya. Keep your head held high and act like you don't really care about him, okay?"
Tumango si Angel. "Don't worry. Magaling ako magtago ng tunay kong nararamdaman, remember?"
Nagkatitigan silang magkaibigan at sigurado siyang ang lungkot na nakita niya sa mga mata nito ay nakikita rin nito ngayon sa mga mata niya. "I know. But sometimes, I wonder if hiding your feelings is really good for you, Angel. Minsan naiisip ko na kung patuloy ba natin itatago ang mga nangyari sa atin noon, kung patuloy natin ikukulong somewhere deep inside us ang mga nararamdaman natin, makakawala ba tayo sa nakaraan?"
Hindi siya nakasagot. Kumirot ang puso niya at namasa ang mga mata niya.
Mayamaya lang naghiwalay na sila para pumasok sa kani-kanilang kuwarto. Humiga siya sa kama at pinilit matulog.
BINABASA MO ANG
CHAINED UP (R-18)
General Fiction"You are mine, Angel. You will always be mine. I will ruin any man who will even think of snatching you away from me." Ito ang kuwento ni Angel Marquez, kaibigan ni Grace mula sa story ko na SAVING GRACE. unedited version, first draft ang ipopost ko...