Part 28

62K 1.2K 59
                                    

"MAY BOYFRIEND ka na naman 'no?"

Muntik na mabitawan ni Angel ang hawak niyang baso ng mainit na kape nang biglang magsalita si Grace mula sa bukana ng kusina nito. Napalingon siya sa kaibigan niya na hindi niya namalayang nakauwi na pala. Alas singko ng umaga na siya nakauwi kanina – hinatid siya ni Jack – at naabutan niyang walang tao sa apartment. Alas sais na ngayon. Hindi na siya natulog kasi mayamaya lang kailangan na niya mag-ayos para pumasok sa trabaho.

Tuluyang pumasok sa kusina si Grace at umupo sa isang silya. Umangat pang lalo ang maiksing laylayan ng body hugging dress nito. Itinukod nito ang mga siko sa lamesa at lumiyad kaya halos lumuwa na ang boobs nito kasi sobrang baba ng neckline. Mukhang rumaket ang kaibigan niya kagabi.

"Gusto mo ng kape?" alok ni Angel.

"Yup."

Ipinatong niya sa lamesa ang hawak niyang mug at nagsimulang magtimpla ng isa pa. Ramdam niya na mataman pa rin siyang pinagmamasdan ni Grace. Alam niya na alam nitong sinadya niyang iwasan ang tanong nito. Hindi naman sa magsisinungaling siya o itatago ang tungkol kay Jack. Gusto lang niya gamitin ang maiksing sandaling nakatalikod siya para isipin kung paano siya maguumpisa magkwento.

Humarap uli siya kay Grace at inilapag sa harap nito ang mug ng kape. Then umupo siya sa katapat nitong silya, hinawakan ang mug niya at humigop doon. Napaungol siya sa init na humagod sa sikmura niya.

"You reek of sex, do you know that?"

Naubo si Angel, muntik na mapaso sa kape kaya mabilis niyang inilapag ang mug. Tiningnan niya ang kaibigan niya. "Ikaw rin kaya."

Ngumisi ang kaibigan niya. "So, talagang may boyfriend ka na. Dapat ko bang sabihin na congrats o good luck o you're being stupid again or what?"

Ngumiwi siya. "Hindi ko alam." Huminga siya ng malalim. "Ni hindi ko nga alam kung boyfriend nga ba ang dapat itawag ko sa kaniya. It's... complicated."

Tumaas ang kilay ni Grace. "Complicated? Speak up. Ilang oras na lang papasok ka na sa trabaho. Hindi kita paalisin hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang buong detalye. Sino ang lalaking 'to?"

Nakagat ni Angel ang ibabang labi. Makalipas ang ilang sandali saka lang niya nagawang magsalita. "Jack ang pangalan niya. Nakilala ko siya..." Uminit ang mukha niya at huminga ng malalim. "Sa Bachelor's Party. 'Yung raket na ibinigay mo sa'kin para makapagbayad ako ng graduation fees ko."

Umawang ang mga labi ni Grace. "Oh my God. Siya ba ang groom?"

"Hindi!" mariing tanggi niya. "Pinsan siya ng groom. We... we had sex that night." At kahit sobrang init ang mukha niya, ikinuwento ni Angel sa kaibigan niya ang lahat ng namagitan sa kanila ni Jack. Maging ang aksidenteng pagkakakita nito sa kaniya sa gilid ng kalsada nang palayasin siya ng tiyahin niya. Nang sabihin niyang dinala siya ng binata sa bahay nito at pinatulog doon, nakita niyang kumislap ang pagkabilib sa mga mata ni Grace. Tatalon na sana siya sa proposition ni Jack na maging date nito sa kasal pero pinigilan siya ng kaibigan niya.

"May hindi ka sinabi. Huwag mo sabihing walang nangyari sa inyo nang gabing natulog ka sa bahay niya kasi hindi ako maniniwala. Muntik ka na naman ma-rape ng hayop na asawa ng tiyahin mo nang gabing 'yon. Don't tell me nakatulog ka ng maayos after 'non?"

May kurot na naramdaman si Angel sa puso niya. Nagbaba siya ng tingin at malungkot na ngumiti. "Alam mong hindi, Grace. Sinubukan kong matulog pero dinalaw na naman ako ng mga bangungot. I... I beg Jack to have sex with me." Nag-angat siya ng tingin. "And you know what? Hinayaan niya akong gawin ang gusto ko. He allowed me to take control of our pleasure. He allowed me to be on top. Hindi siya nagtanong kung ano ang nangyari sa akin nang gabing 'yon bago niya ako nakita sa gilid ng kalsada pero para bang alam niya na 'yon ang kailangan ko. To be in control. At sobrang thankful ako na hindi siya nag usyoso. Sure, may kapalit ang kabaitan niya pero alam mo, minsan may palagay akong hindi alam ni Jack na nagiging mabait siya. Harsh siya magsalita at kinatatakutan siya sa kompanya pero may mga gestures siya na nagre-reveal na behind that hard and cold surface of his outward personality, there is a kind heart."

At dahil nasimulan na ni Angel at hindi na napigilan ang urge na sabihin ang lahat ng tungkol kay Jack, itinuloy na niya ang mga nangyari sa pagitan nila. Mula sa kasal ni Dolly Uy hanggang sa pagkikita nila uli sa Empire kanina. "Hindi ako makapaniwala na pamilya pala niya ang may-ari ng kompanya kung saan ako nag desisyon magtrabaho. Bigla na lang niya ako tinawagan at pinapunta sa isang hotel room. Akala ko kung ano ang maabutan ko 'ron pero alam mo ba, nag prepare siya ng dinner! Siya ang unang lalaking nakilala ko na sobrang manly at mature. He's not like any man I've ever been with. He's –"

"Going to break your heart into pieces to the point that you will never be the same again, Angel," biglang sabi ni Grace.

Narealize niya na ang animated na pala niya magkwento. Nalaglag ang mga balikat niya at nakaramdam ng matinding lungkot. "Alam ko," mahinang sagot niya. Then sinabi niya sa kaibigan niya ang naging rules ni Jack para sa kanilang 'affair'.

Bumuntong hininga si Grace, sumandal at humalukipkip. Mataman siya nitong pinagmasdan. "Pumayag ka kahit alam mong dehado ka. Pumayag ka kahit alam mong imposibleng hindi ka ma-in love sa kaniya. Kasi Angel, you are almost in love with him now and you know it, right?"

Kinagat niya ang ibabang labi at kahit takot siyang aminin kahit sa isip lang niya ang katotohanan sa nakaraang mga araw, marahan pa rin siyang tumango.

"Sakit mo 'yan alam mo ba? You fall in love easily, Angel. Mapakitaan ka lang ng mabuti ng isang lalaki nahuhulog na ang loob mo sa kanila. Mas matindi 'tong si Jack kasi palaging right timing ang pagsulpot niya sa buhay mo."

Mariin siyang pumikit. "I know," garalgal at helpless na sagot niya.

"Bestfriend kita. The only friend I have, actually. So hayaan mo akong payuhan ka, okay?"

Dumilat siya. Nagtama ang mga mata nila. Tumango siya.

"This guy is not someone you can handle, Angel. He's so way out of our league. Maniwala ka sa akin kasi marami na akong naging kliyente na kasing yaman, powerful at successful ng Jack na 'yan. He's an alpha male at base sa mga kwento mo, marami siyang hang ups sa buhay. Marami ka rin hang ups, Angel. Kaya mo bang idagdag pa pati ang sa kaniya? Kaya mo makisama sa isang tao na hindi ka naman magagawang mahalin? When all you've been craving for since you were young is to be loved?"

May luhang pumatak sa pisngi niya. Napakurap siya at gulat na pinahid 'yon. Ayaw niya umiyak. Isa 'yong kahinaan na inalis na niya sa sistema niya. Kaso... sobra siyang nalulungkot sa mga sinasabi ni Grace. Kasi may point siya.

"I want to be with him," mahinang amin ni Angel. "Kahit na temporary lang. Kahit na masasaktan ako. Kasi... iba 'to, Grace. What Jack and I have is different from all my past relationships. Hindi ko kaya ipaliwanag exactly pero nararamdaman ko. This is different."

Bumuntong hininga ang kaibigan niya. Humigop sa kape nito. "Well, I think you're being stupid again. But what are friends for? Kapag nasaktan ka, iinom na lang natin at iiyak na magkasama."

Sa kabila ng kirot sa puso ni Angel natawa siya. Masuwerte talaga siyang naging kaibigan niya si Grace. "Thanks friend."

Umangat ang gilid ng mga labi nito at tumango. "Walang problema. Go. Fall in love and be stupid. I'll have your back."

Ngumisi si Angel at inubos na ang kapeng iniinom. Then tumayo na siya para maghanda sa pagpasok sa trabaho. Masigla ang kilos niya. Kasi makikita niya uli si Jack.

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon