Part 21

60.8K 1.3K 12
                                    

AMINADO naman si Angel na hindi siya sobrang talinong tao. Masipag lang siya mag-aral at magaling sumagot kaya mataas ang scores niya sa exam at interview. At siguro talagang kasama sa tinitingnan ang hitsura kaya natanggap siya sa Empire. Pero ngayon lang niya lalong gustong tuktukin ang ulo niya sa katangahan kasi kahit alam niyang mga Lopez ang may-ari ng Empire, hindi niya naisip irelate sa mga ito si Jack.

O siguro, ayaw niyang irelate ang binata sa mga Lopez ng Empire Hotels and Casinos. Kasi kung ganoon talagang sobrang out of reach nito. After all, the Lopezes are one of the wealthiest and most powerful families in Asia. Nasa top five palagi ng Forbes' Magazine's richest list. Nasa top of the food chain ng high society. Celebrities na maituturing at may iba pa ngang miyembro ng pamilya na sumabak na rin sa politika.

Pero ngayon, habang nakatayo ito sa harapan, pormal na ipinakilala bilang Presidente ng Empire, walang choice si Angel kung hindi tanggapin ang katotohanan. God, she fucked someone as great and unreachable as Jack Lopez. Sobrang unreal.

Pero may bigla rin siya narealize. Kaya naman pala mababa ang tingin nito sa kaniya. Kasi mataas ang estado nito sa buhay higit pa sa inaakala niya. Parang kinurot ang puso niya nang maisip 'yon kaya babawiin na sana niya ang tingin nang bigla namang lumingon sa direksiyon niya si Jack. Huminto siya sa paghinga at parang sinipa ang sikmura niya nang magtagpo ang kanilang mga mata.

Nakilala siya nito agad. Nakikita niya 'yon sa intense na titig nito sa kaniya. Siguro hindi mapapansin ng iba pero si Angel nakita na medyo na-tense ang buong katawan nito. Bumilis ang tibok ng puso niya. May part niya ang gustong yumuko at magtago mula sa titig nito pero may part rin ang ayaw bawiin ang tingin.

Every erotic wet dream she had of him came into her mind and she felt her cheeks burning. His eyebrows twitch slightly. His gaze became hotter as if he can read her mind. She nervously licked her lips. His jaw clenched.

"Sir Jack? Can you give them a short message?" biglang sabi ni Mrs. Ocampo na incharge sa orientation.

Saka lang naputol ang eye contact nila. Napayuko agad si Angel. Mayamaya narinig na niya ang malamig at baritonong boses ni Jack, pormal na binabati ang mga bagong hire na empleyado. Sa magkabilang gilid niya namimilipit ang mga babaeng kasama niya, kinikilig, nagpapaypay gamit ang mga kamay. "Ang hot ni Mr. President," bulong ng isa. "Parang ang sarap niyang..." Hagikhikan.

Tensiyonadong huminga ng malalim si Angel. She blocked the naughty conversations near her. Nag focus siya sa boses ni Jack. Ang pamilyar na tono na alam niyang nagiging mapangakit kapag bumubulong sa tainga niya. That voice that can bring electric currents in her veins. That voice that can surely make her come if he put his mind into it.

Suddenly, narealize niya kung bakit pamilyar ang boses nito noon pa mang Bachelor's party. Si Jack ang lalaking nakasabay niya sa lobby ng hotel. Ang lalaking naringgan niya ng disgusted na tono sa boses na malamang ay dahil nang sandaling 'yon pa lang bayarang babae na ang tingin nito sa kaniya.

Natapos ang maiksing speech ng binata na hindi na siya nag-angat ng tingin. Kailangan niya mag regroup. Sobra siyang nabigla na makita ito roon at kailangan niya kumalma. Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang masiguro niyang lumabas na ito ng conference room.

Pagkatapos ng orientation naghiwa-hiwalay na ang mga bagong empleyado para magpunta sa kani-kanilang departamento. Sa lahat ng department, ang HR ang may pinakamaraming bagong empleyado. Sa rami kasi ng mga Hotel at Casino ng Empire, pagkatapos nila itrain, ipapadala silang lahat sa iba't ibang lokasyon. Ilan lang yata ang maiiwan sa headquarters.

By lunch time hinayaan silang lumabas para kumain at mag break. Kahit papaano magkakakilala na sila at nagkaayaan ang mga trainee na sabay-sabay na kumain. Bago sila makalabas ng opisina nag-ring ang telepono sa table ni Mrs. Ocampo. Si Angel ang nahuhuli kaya narinig pa niya ang pakikipagusap nito sa taong tumawag.

"Ha? Pero marami 'to. Hindi ba siya busy at gusto niyang... okay. Ipapaakyat ko na lang diyan." Narinig ni Angel ang pagbaba nito sa telepono. "Miss Marquez, wait."

Nakalabas na siya ng pinto nang bigla siya nitong tawagin. Huminto siya at lumingon. "Yes, ma'am?"

May kinuhang mga folder sa lamesa si Mrs. Ocampo. Makakapal ang mga 'yon. Maraming laman. Nang iabot nito sa kaniya narealize niyang records naming mga bagong empleyado. "Dalhin mo 'yan sa office ni Mr. President."

Nalaglag yata ang puso ni Angel at muntik na niya mabitawan ang mga folder. Nahalata yata ng may-edad na babae na ninerbiyos siya kasi nakakaunawang tinapik nito ang braso niya. "Don't be afraid. Nakakatakot si sir Jack, oo. Pero huwag ka lang gagawa ng dahilan na ikagagalit o ikaiinis niya at magsu-survive ka rito sa Empire. He might be a snob and hard to deal with but he's the best leader Empire ever had."

Napalunok siya at marahang tumango. Hinayaan niyang isipin nito na na-intimidate siya ni Jack kaya siya natatarantang umakyat sa opisina nito.

"Anyway, wala naman si sir Jack sa opisina niya. Ang secretary niya ang tumawag sa akin. His office is located one floor above us. May nameplate sa pinto ng opisina ng presidente. Sa Left side pagkababa mo sa elevator. Ibigay mo lang sa secretary niya 'yang mga folder. Then you can eat your lunch after. Go on," taboy sa kaniya ni Mrs. Ocampo.

Huminga ng malalim si Angel at naglakad na palabas ng HR Department. Naiwan na siya ng mga kasamahan niya, sumakay na sa elevator pababa. Humigpit ang yakap niya sa mga folder at sumakay ng elevator paakyat.

Ibang iba ang atmosphere ng floor na 'yon kompara sa floor kung nasaan ang HR at iba pang Department. Tahimik sa floor na 'yon, malawak ang hallway na ang sahig may red carpet. Luxurious ang interior design. Habang naglalakad si Angel at binabasa ang nameplate sa bawat pinto nalaman niya kung bakit kakaiba ang floor na 'yon. Naroon ang opisina ng mga matataas na posisyon sa Empire Hotels and Casinos. Sa dulo ng hallway na nilakad niya, doon niya nakita ang opisina ng presidente.

Napatitig siya sa pangalan ni Jack sa nameplate at hindi napigilang hindi haplusin 'yon. May bumara sa lalamunan niya. Hindi na dala ng takot at pagkabigla na nakita niya ito roon. Dala na ng emosyong ayaw niya sana maramdaman para sa binata. Pangungulila.

Hindi siya dapat makaramdam ng ganoon. Hindi naman sila close at ilang araw lang naman nagkasama. Was it the sex she's longing for? Or something more?

Biglang bumukas ang pinto at mabilis na binawi ni Angel ang kamay. Nagkagulatan sila ng isang babae na mukhang nasa early thirties ang edad. "Yes? Do you need anything?" tanong nito.

Tumikhim siya at inilahad ang mga folder na hawak niya. "Pinapunta ho ako ni Mrs. Ocampo."

"Oh. Yes. Just put them on my table," sagot ng secretary at mabilis na naglakad palayo sa opisina.

Huminga ng malalim si Angel at binuksan ang pinto. Malawak ang opisina. May oval shaped conference table na may mga swivel chair na nakapalibot sa isang panig. Sa isang side naman may mahabang couch at center table. Sa part ng opisina na nakaharap sa pinto ay isang buong glass wall. Kahit ang pinto papasok sa inner office salamin din. Nakababa nga lang ang blinds ngayon kaya hindi niya nakikita ang loob. Siguro talagang wala si Jack doon.

Naglakad siya palapit sa lamesa ng secretary nito na malapit sa pinto ng inner office. Ipinatong niya ang mga folder doon at akmang aalis na nang biglang bumukas ang pinto sa tabi niya.

Her stomach fluttered when shesaw Jack. Halatang nagulat din ito na makita siya roon. Nagtama ang mgapaningin nila at parehong na-tense ang buong katawan. Matagal na parehongwalang gumalaw sa kanila. Then suddenly, Jack reached for her. Napasinghap siyanang lumapat ang kamay nito sa braso niya at mabilis siyang hinila hanggangmakapasok silang dalawa sa private office nito. Isinara nito ang pinto atwalang kahirap-hirap na naisandal siya nito roon.

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon