NAPATITIG si Angel sa nakapaskil sa bulletin board na nasa ground floor lobby ng College building nila. Naroon ang final list ng mga estudyanteng magma-martsa para sa graduation sa May. March pa lang kaya mayroon pang dalawang buwan bago ang araw na 'yon. Ang mga graduating student siguradong magiging busy sa paghahanap ng trabaho.
Kasama na sa listahan na 'yon ang pangalan ni Angel. Nakapagbayad siya sa huling araw ng bayaran.
Uminit ang mukha niya at parang nilamutak ang sikmura niya nang maalala ang nangyari nang gabing 'yon. Two weeks na ang nakararaan. Nagising siya ng madaling araw na wala na sa hotel Suite ang estranghero. Ang costume na suot niya para sa Bachelor's Party, maayos na nakapatong sa paanan ng kama. Sa tabi 'non isang simpleng casual dress na may kasamang pares ng underwear. Halatang mga bago at mamahalin. Walang iniwan kahit maiksing note lang ang lalaki. Pero sa bedside table, may nakapatong na pera. Tig-iisang libo. Makapal. Nanginig siya at nanlamig nang makita niya 'yon. Kahit hindi niya bilangin alam niyang nasa bente mil ang perang iniwan sa kaniya ng estranghero. Sobrang yaman nga siguro nito para magtapon ng ganoon kalaking halaga.
Pero mayamaya lang pagak na natawa si Angel na nasundan ng pag-iinit ng mga mata niya. Kasi patunay ang pera na 'yon na bayarang babae ang tingin sa kaniya ng estranghero. Narealize niya na tama naman ito ng tingin sa kaniya. Nang gabing 'yon isa siyang bayarang babae.
Kaya kahit sensitive pa ang katawan niya lalo na sa pagitan ng mga hita niya, pinilit niyang maligo at magbihis. Paglabas niya ng Presidential Suite sinubukan pa niya kumatok sa katabing kuwarto kung saan alam niyang naroon kagabi ang organizer ng party. Kaso wala nang sumasagot kaya baka wala nang tao. Umalis na lang siya. Mabuti na lang madaling araw kaya walang nakasalubong si Angel hanggang makababa siya sa lobby. Iniwas na lang niya ang mukha sa nag-iisang receptionist hanggang makalabas siya ng hotel.
Hindi na siya pwedeng umuwi sa bahay ng tiyahin niya nang ganoong oras kaya tinawagan niya si Grace. Sa apartment nito siya tumuloy. Pagdating niya may inabot itong paperbag sa kaniya. Mga damit na hinubad niya para isuot ang costume niya. Idinaan daw ng organizer sa apartment ni Grace. Naroon na rin ang bayad para sa performance niya.
Kaya syempre, nalaman agad ng kaibigan niya na nakipagtalik siya sa isang estranghero. Sinabi ng organizer. Kaya nang pilitin siya ni Grace na sabihin ang lahat ng detalye kahit namumula ang mukha niya nagsalita pa rin siya. Mabuti na lang after ng araw na 'yon hindi na nila napag-usapan pa ang nangyari.
Nagbayad si Angel ng mga dapat niyang bayaran para maka-graduate. Pero hindi niya ginalaw ang perang iniwan sa kaniya ng estranghero. Hindi niya maatim gastusin. Sa tuwing naiisip niyang ipambili 'yon bumabaligtad ang sikmura niya. Kaya itinago na lang niya.
Bumuntong hininga siya, tiningnan sa huling pagkakataon ang listahan sa bulletin board at saka naglakad palabas ng College building. Nakailang hakbang pa lang siya may nakita na siyang hindi kanais-nais sa dadaanan niya. Tatalikod na sana siya para mag-iba ng ruta. Kaso nakita na siya ng taong balak niyang iwasan.
"Hey there, my Angel!" Tumayo ang isang sa grupo ng mga lalaking nakapuwesto sa ilalim ng mga puno. Tambayan ng isa sa mga pinakasikat at notorious na fraternity sa University nila. At ang lalaking ngayon naglalakad na palapit sa kaniya ay isa sa mga taong may mataas na posisyon sa frat na 'yon. Si Tristan. Twenty two years old. Graduate student. Hindi dahil mahilig mag-aral kung hindi dahil ayaw pa lang magtrabaho kaya kumuha ng Master's Degree. Palibhasa mayaman ang pamilya nito.
Inakbayan siya ng lalaki at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. Inis na itinulak niya ito palayo sa kaniya. "Stop that. I'm no longer your Angel. Matagal na tayong break."
"Grabe ka naman. Sinabi ko na sa'yo wala kaming relasyon 'nong babae na 'yon. Bati na tayo."
Mariing tumikom ang bibig ni Angel at mabilis na naglakad palayo. Ang lintik na lalaki, sinundan siya at dahil mas matangkad kaya mabilis na nakaagapay sa paglalakad niya. "Kahit wala kayong relasyon nakipag-sex ka pa rin sa kaniya habang mag-on tayo. Kaya kong palampasin lahat ng katarantaduhan mo pero hindi ko mapapalampas na nambabae ka. Binura mo ang lahat ng pagmamahal na nararamdaman ko para sa'yo nang lokohin mo ako. So stop acting like a good boy because I know you're not. Tapos na tayo. Besides, naka-ilang girlfriend ka na nga pagkatapos ko. So just stop bothering me, okay? Goodbye." Saka niya lalong binilisan ang lakad niya para makalayo na kay Tristan.
Pero nagulat si Angel nang bigla at marahas nitong hinablot ang braso niya. Pinihit siya nito paharap. Namumula ang mukha nito sa galit. "Don't act high and mighty. Akala mo naman kung sino kang babae. Dapat nga magpasalamat ka na pinatulan pa kita. At tandaan mo 'to Angel, laruan ka lang para sa mga tulad ko. Walang seseryoso sa'yo na lalaki. Pareho nating alam na sa pangalan ka lang anghel. Hindi ka kasing puro at inosente ng pangalan mo. You are already a damaged good. At balang araw, sa akin din ang bagsak mo."
Nanlamig siya sa takot pero hindi niya 'yon pinahalata kay Tristan. Itinaas niya ang noo at ubod lakas na binawi ang braso mula sa mahigpit na pagkakahawak nito. Lihim siyang nakahinga ng maluwag nang pakawalan siya nito. Hindi na nagsalita si Angel at matalim na lang na tiningnan ang ex niya. Pagkatapos tumalikod na siya at mabilis na naglakad palayo. Gusto sana niyang tumakbo pero pinigilan niya ang sarili. Hindi niya ibibigay kay Tristan ang satisfaction na makita siyang takot o nasasaktan sa mga pinagsasabi nito.
Marami na siyang mas matindi pang pinagdaanan kaysa sa siraulo na ex-boyfriend.
BINABASA MO ANG
CHAINED UP (R-18)
General Fiction"You are mine, Angel. You will always be mine. I will ruin any man who will even think of snatching you away from me." Ito ang kuwento ni Angel Marquez, kaibigan ni Grace mula sa story ko na SAVING GRACE. unedited version, first draft ang ipopost ko...