Prologue

26.5K 505 19
                                    

Raven,

          Hindi ko alam kung para saan itong sulat na ginagawa ko dahil unang una, hindi ako sigurado kung maibibigay ko ba ng personal pero kung binabasa mo ito ngayon siguro nasa eroplano ka na papuntang Switzerland.

         'Di ba, gustong-gusto mo makapag-master's at doctorate para sa ikakalago ng Wizards? Well, malapit mo ng makamit iyon dahil papunta ka na sa lugar kung saan mo makakamit ang pangarap mo.

         Alam ko noong una nagaalinlangan ka pang umalis kasi sabi mo hindi mo maiwan ang mga kapatid mo pero kitams, supportive sila ever! haha

        Ang dami ko ng sinabi pero 'eto na talaga, ibubuhos ko na dito lahat dahil hindi natin alam kung magkikita pa ba tayong muli.

       Raven, salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin lalo na sa pagunawa na hindi ko akalain na ibibigay mo, salamat dahil bago mo ako hinusgahan ay pinakinggan mo muna ako. Ikaw lang ang gumawa sa akin niyon.

       You are like a ray of sunshine on a cloudy day, kahit na madalas ka nakabusangot! Whenever we text I literally smile at my phone kahit na corny yung jokes mo haha! (Magpractice ka pa ha!) pero alam mo ba, kapag 'yong pangalan mo na ang nagpop-up sa phone (na pinahiram mo) yung ngiti ko abot langit! Eh, paano? Kung itrato mo ako para akong diamante na pagkaimportanteng-importante.

       You are the sweetest guy that I've ever met at ayokong mawala ka. Sobra mo akong napapasaya at minsan nakakabaliw na! Sometimes, I actually think I'm falling for you and I honestly wouldn't have it any other way (oh, english!).

       Alam kong nakakabigla pero ang hirap naman kasing hindi magkagusto sa 'yo pero alam kong  kapatid lang ang turing mo sa akin at okay na sa akin iyon dahil at least, 'di ba? Naging parte ako ng buhay mo, sabi mo pa nga best friend mo ako! #bestfriendzoned #feelingaray #okaylang #GustokoHappyka haha!

      Smile ka na, okay lang ako. Sapat na sa akin yung pagmamahal na binigay mo sa akin. I will     forever be grateful for all the times you made me smile, even when I wanted to cry.

      Ngayon, aalis ka na at syempre kailangan mo magfocus sa pagaaral mo, mawawalan na ako ng kakampi at karamay. Luckily, I was smart and saved my favorite messages from you, para kapag nalungkot ako, I can just look back and I'll smile again. Ikaw ang naging dahilan kung bakit ako gumigising sa umaga na may ngiti sa aking labi at ang dahilan kung bakit ako natutulog na nalilimutan ang lahat ng masama sa mundo ko. I'm a much better person now because of you and I thank you for it.

        You are literally like my Prince Charming, and I don't mind being your Cinderella. Tinatrato mo akong mas mabuti kaysa sa nararapat sa akin. You don't see the bad in me. You always tell me that I'm perfect at kapag sinasabi kong 'nobody is perfect' you call me the exception. I know you're just trying to be cute, but I'm totally fine with that. Nakakakilig kaya!

       My favorite part about talking to you is every minute of it. Walang oras na mas gusto kong makipag-usap sa sinuman maliban sa iyo.

      There are actually a lot of things that remind me of you, kaya kahit siguro ano mangyari ay hindi kita malilimutan.

      Salamat at minsan sa buhay ko naramdaman ko yung pinaramdam mong saya sa akin at habang buhay ko iyon dadalihin sa puso ko. Tuparin mo ang mga pangarap mo ha! Masayang masaya ako para sa 'yo.

      Hanggang sa muli nating pagkikita.

Maghihintay palagi sa 'yo,
Abby

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon