Raven found himself reading her letter once again. Dito niya iniwan iyon sa dating silid. He heavily sighed and folded it, again.
Yes, he was still keeping it in his old room at sa tuwing uuwi siya rito ay binabasa niya ito.
Pangilang ulit na ba niya itong binasa pagkarating sa bahay ng magulang? He couldn't figure it out, too. He lost count.
He was lost again in his thoughts when someone knocked at the door, "Kuya?"
Boses iyon ni Huffle, agad niyang tinago ang sulat sa drawer sa tabi ng kama pagkuwa'y bumalik sa pagkakasandal.
"Pasok," matamis na ngiti ang sinalubong ni Huffle sa kanya. "What's up?"
Lumapit ito at tumabi sa kanyang paghiga, sumandal ito sa braso niya.
"Are you okay?" tanong nito.
He nodded, "Of course, how about you?"
"You know I'm fine as long as you don't entertain that b-i-t-c-h." She chuckled. Napailing na lang si Raven, hindi niya talaga magets kung bakit hanggang ngayon ay hindi nito gusto si Bella. "Oh c'mon, Kuya! Huwag mo ng ipagtanggol ang kaibigan mo."
"Ikaw talaga, halika na nga. Kung anu-ano ang sinasabi mo, ano nga pala ang announcement mo?" He asked, pagkauwi kasi ay dumiretso siya agad sa silid at natulog, pero nagising din siya ng madaling araw.
"Have you realize that you can't keep something from me? And even when you try, I would still know?"
Damn, that's Huffle. Tatahitahimik lang pero nagmamasid na pala, nagmamanman na pala!
"You saw her at the hotel?" Anito na kinagulat niya, "Sabi ko na," she smiled.
"Y-you knew?"
Tumango ito, "Ilang beses ko na siyang nakita doon, hindi lang ako nagpapakita."
"Bakit naman?"
"Kuya, knowing Ate Abby... Hindi siya mawawala kung gusto niyang magpakita," she said, "at naging busy na rin ako sa bakeshop kaya hindi na ako nagawi masyado sa hotel. But, our paths crossed last week in a computer shop."
Umupo siya ng tuwid at napasapo sa sentido, "Kung ayaw pala niya magpakita pa sa akin, bakit sa hotel pa siya nagtrabaho? Bakit sa lugar na imposibleng hindi kami magkita?" That's it! That's the question that kept bugging him for hours.
"Bakit hindi siya ang tanungin mo, Kuya?" ani Huffle, "After all, siya lang naman talaga ang makakasagot niyan. Hindi ba?"
-----
"Anong hinahanap ng kaibigan mo, Ella?" Tanong ni Madam Bebe, pinuntahan nila ito para sabihin na magpapaayos si Abby para sa darating na Sabado.
It was the a welcoming party for Raven and the other new hires. It's a formal dinner at siya ang representative na kinuha ni Mrs. Torrefiel dahil wala daw silang magasawa.
She would be attending in behalf of Mrs. Torrefiel. May attendance yata ang mga ito sa ganitong bagay. Bayad naman ang gabing iyon, sponsored din ni Mrs. Torrefiel ang susuotin niya.
Hair and make-up na lang ang kailangan ni Abby. Kaya dito sila dumiretso kay Madam Bebe. Magaling itong magayos, kung hindi lang niloko ng boyfriend ay baka sa mga artista na rin ito nag-mamake up.
"Wala ito, Madam Bebe." Ani Ella, "Naghahanap lang ng perfect look para sa Sabado."
"Ano bang kulay ng damit niya?"
"Navy Blue, Madam." Sagot ulit ni Ella. Abala kasi si Abby sa pag-scroll ng pictures ni Raven! "Ang ganda, eh. Mukhang pinagkagastusan ni Mrs. Torrefiel."
Tinitignan kasi ni Abby ang mga litrato ni Raven sa isang formal dinner. She doesn't want to overdress, kaya chinecheck niya kung ano ang usual na itsura nito.
"Alam mo? Kung totoong nakakatunaw ang tingin, siguro tunaw na iyang screen." Ani Daniella. "Kumalma ka nga, hindi ka naman magmumukhang drag queen sa Sabado."
"Hindi naman iyon ang iniisip ko, Ella." She said and looked at her, "Nagprapractice lang din ako,"
"Para saan?"
"Na titigan siya. Para hindi ako kinakabahan sa tuwing nagtatama mga mata namin," sambit niya rito.
His eyes.
Oo, yung mga mata nitong maraming salitang nais sabihin, yung mga mata nitong naghihintay ng kasagutan sa mga tanong. Iyon ang iniiyak niya kahapon dahil hindi sapat na sagutin ang mga iyon sa titig lamang.
"Ang dami kong gustong sabihin sa kanya, Ella." aniya, "Natatakot lang ako..."
Pumamewang si Daniella, "Sige, kunwari ako si Raven. Sabihin mo sa akin lahat ng gusto mong sabihin sa kanya."
"Hala, ayoko nga!" Tanggi niya. "Mamaya may makarinig, isiping baliw ako."
"Gaga, kunwari nga diba!"
"Basta ayoko pa rin!" aniya.
"Paano ka sa Sabado? Ano, nganga ka na lang? Natural magkikita kayo doon! Anong gagawin mo?" She got a point, again. Bahala na si batman!
"Tigilan mo na nga ako, Ella... Ikaw pinepressure mo ako." Napaharap ulit siya sa computer, kinakabahan.
"Hindi pa ako handa na harapin ang galit sa akin ni Raven, dahil duwag ako!" Pagtutuloy niya habang nakatingin sa litrato nito.
"Ikaw!" Turo niya sa computer screen, "Ang dami kong gustong sabihin sa 'yo!" aniya sa picture ni Raven sa screen.
"Ah, Abby..." Tawag ni Daniella. "S-sandali ---"
"Una, huwag mo akong tinititigan ng ganyan!" Aniya sa screen na tila parang kausap si Raven, "Ganyan na ganyan ka sa conference room kahapon... Alam mong hindi uubra sa akin iyan!"
"Abby!"
"Sandali, kakausapin ko lang ito!" Aba, dinibdib ang sinabi ni Daniella kanina. "Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip sa 'yo! Pinaiyak mo pa ako!"
"Abby!"
Napalingon siya sa kaibigan, "Ano ba ---"
What the hell!
Tila nagslow motion ang paligid. Nakapamulsa itong nakatayo sa pinto ng shop. He was wearing a half sleeve white polo and black slacks.
Anong ginagawa nito rito? Kanina pa ba ito?!
Sa malayo pa lang ay samyo na niya ang nakakalalaking pabango nito. Totoo ba itong nakikita niya?
"Abigail"
He said her name and she wants to faint!
---
Let's get connected:
Hi, please support my page my following my socials. I would love to step up and engage with al of you!
Facebook: Shadowless Persona
Instagram: @shadowlesspersona
Twitter: @espersonaa
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
General FictionKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?