It has been 24 hours since Raven declared that they are in a relationship. Hindi nga siya pinauwi nito hangga't wala silang label.
"Hi, Tatay." Binisita ni Abby ang ama. She didn't feel like coming to work, kaya naman minabuti na lang niyang magpunta dito.
Ang tagal na rin niyang hindi ito nabibisita. Naglapag siya ng jacket para maupuan, pagkuwa'y nilabas na ang baon niyang banana chips.
Paborito iyon ng ama, sa tuwing nagpupunta siya rito at iyon ang kinakain niya. "Tay, siguro alam mo na iyong nangyari, ano? Boyfriend ko na daw si Raven..." Napangiti naman siya.
Imagine, dati pangarap niya lang ito. Dati inaasar asar lang siya ng sariling ama. Dati tinititigan niya lang ito mula sa screen, pero ngayon, sila na.
"Tay, natatakot ako." Pagamin niya, "Iba pala kapag, nasa harapan mo na iyong matagal mong pinapanalangin. Ang kaso, hindi ito iyong Abigail na tingin ko bagay kay Raven, eh."
Doon na siya napaluha nang kaunti, "Iyong Abigail na bagay sa kanya, iyong kasabay niyang nangarap... Wala, Tay." She let out a fake chuckle, "Ikaw kasi, iniwan mo ako kaagad..." Bumuhos ang mga luha sa mata nito.
"Paano ako babagay kay Raven, Tay?" She continued, "Hindi nakapagtapos ng pagaaral. Housekeeper pa rin ako. Tapos, walang pamilya. Tinatanggalan na ako ng papel ng mga kapatid ko kay Nanay, Tay. I'm sure nakita mo iyong papel galing sa abugado."
Natahimik siya sandali at napaisip. Tama ba ang mga nangyayari sa buhay niya?
"Pakisabi naman kay Lord na mag-dahan dahan sa pagbibigay sa akin ng pagsubok, Tay." She chuckled, "masyado naman niya akong favorite. Baka mapaaga reunion natin niyan."
Sandali pa siyang nanatili doon. Pinagisipan mabuti ang pinasok na relasyon. Bakit nga ba niya kinakawawa ang sarili?
Dumiretso na siya sa apartment. She checked her phone and saw that Raven has a lot of calls and messages for her.
Ganito naman sila ni Raven noon. Iba na nga lang ngayon. Naagaw ng pansin niya ang isang Facebook notification.
"Raven Delaverde sent a friend request." She read, sumunod naman ang message request!
Accept my friend request and please reply to me. Where are you?
She bit her lower lip. Tinitigan muna nang maige ang nasa screen ng cellphone.
She should feel secure and happy about that right? Lalo lang pinakita ni Raven kung gaano ito karesponsable. He even wore a rubber during their love makings except on their first time.
She should feel happy but suddenly, different image just flashed on her mind. Since she has no comparison if Raven was an expert, binase na lamang niya sa sariling naramdaman and he did make her feel adored and loved.
Ganoon din ba ang naramdaman ni Bella? Umiling siya. Ano ba itong tumatakbo sa isip niya.
"Hindi mo ba sasagutin iyan?" Tanong ni Ella sa kanya. Kakauwi lang nito kanina, nagulat nga at hindi siya pumasok sa trabaho. "Kanina ka pa tulala?"
"Ella..." Tawag niya sa kaibigan, "M-May nangyari..."
Kumunot ang noo nito, "Nangyari saan?"
"Sa amin..." She inaudibly said.
"Ha?" Nagtitimpla ito ng kape, "Ano kamo?"
Huminga siya nang malalim at matapang na sinalubong ang tingin nito. Napalunok siya pagkuwa'y sinubukang ibuka ang labi.
"Huy, Abby." She snapped, "Ano ba iyon?"
"Ella..."
Nanlaki ang mga mata nito, "May ginawa kang kalokohan habang wala ako, ano?"
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
General FictionKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?