"Raven!" Nagising ang huli nang marinig ang malakas na boses at katok ni Daniella sa pintuan. "Raven, ilabas mo si Abby!"
Si Abby? Agad siyang napabangon. Nang buksan niya ang pinto ay agad itong pumasok na para bang may gustong hulihin sa loob.
"Nasaan si Abby?"
"Hindi ba kayo ang magkasama?" Balik niyang tanong rito, "Bakit, nasaan si Abby?"
"Hinanap ko na kila Aling Linda wala rin..." Nagiba ang ekpresyon ng mukha nito, "Umalis si Abby!" Nataranta ito, "Hindi kaya pumunta iyon sa kapatid niya?"
Naalerto rin siyang bigla, "Ano ba ang huli niyong napagusapan kagabi?" Kinuha niya ang susi ng sasakyan, "Tinawagan mo na ba?"
"Ang sabi niya lang gusto na niyang tapusin ang lahat..." Napakamot ito sa ulo, "Raven, hanapin natin si Abby! Hindi maganda pakiramdam noon mula pa noong isang gabi, baka kung mapano na naman iyon!"
Raven called everyone he could call. Ngunit walang makapagsabi kung nakita nila ito. Nagpaiwan si Daniella sa Casa para hintayin si Abby kung sakaling magkakasalisi habang siya ay naisipan ng dumiretso ng Maynila.
He went to Hotel Martinez, pero hindi naman niya alam kung sino ang pupuntahan nito doon. He also tried to go to Wizards, pero hindi niya rin maisip kung bakit ito pupunta doon.
"Hindi kaya nagpunta sa mga kapatid?" Sambit ni Slyther ng puntahan niya sa law firm, "Based sa kwento ni Daniella, baka doon ang punta ni Abby. Given that her lawyer just resigned, at gustong kuhanin ng mga kapatid niya ang lupa sa Casa Sinfuego."
"Damn it." He sighed in frustration, "Tapos na ba ang pinapagawa ko sa 'yo? We need to finish this, Slyth."
Slyther has been working about Abby's case for almost two weeks. He won't gonna let Mr. Garcia pass. He has to pay for drugging his woman. At isasama niya lahat ng may kinalaman doon.
"Don't worry, Kuya. We're almost there, tatawagan kita agad bukas. I've already scheduled a meeting with their lawyer."
"How about Mr. Garcia?"
"It's been handled, Kuya." He answered confidently, "Just contact her half-brother. The one who talked to you. Peter, right?"
Agad niyang tinawagan ito. At tama si Slyther, pumunta nga si Abby sa Soledad at dinala ito ni Peter sa MDB Corp.
"Why did you even bring her there?" Hindi niya mapigilang sumbat dito, "Alam mong delikado."
"I'm here, Raven. I won't let anything happen to her," He said, "But get here this instant. She's talking to Mama right now, baka umalis na iyon."
Hindi na niya naabutan si Abby. Kaya naman agad siyang dumiretso sa PITX dahil doon ang terminal ng bus papuntang Casa Sinfuego. He parked his car in nearby and ran inside.
Tinuro siya sa pinakadulo na terminal. When he arrived, the bus is already leaving. There he saw her on the window pane —tulala.
"Abby!" He called her name, "Abby!" But she didn't hear him.
Agad siyang bumalik sa sariling sasakyan para salubungin na lang ito sa terminal. He arrived earlier and waited for her.
Nang makita niya itong bumaba ng bus ay agad itong napahawak sa poste, "Ab—"
"Hala! Hinimatay iyong babae!" Natigilan si Raven sandali nang makita itong bumagsak sa sahig. "Tulong!"
He immediately run to her and picked her up, "Baby, wake up..."
"May clinic dito sa terminal, Kuya!" Ani ng isang babae, "Doon mo na dalihin. Malayo pa kasi ang ospital dito,"
Agad naman niyang dinala doon si Abby. Isang nurse na lalaki ang nandoon at agad na inasikaso ito, "Ano pong nangyari, Sir?"
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
General FictionKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?