Inayos ni Abby ang materials niya para sa online class. Gumawa na rin siya ng panibagong email address para iyon na lang ang gagamitin niya for school purposes.
claraabigaildelaverde@—
Tumigil si Abby. Sandaling tinitigan ang tinipang email address. Her name suits his name. But then, she has decided. Ayaw na niya.
Masyadong masakit. Masyadong malalim ang sugat na natamo niya dahil sa araw na hindi siya pinaniwalaan ni Raven. At doon nakita ni Abby na, mali na pala.
She settled with casinfuego@gmail.com instead.
Bakit kasi masyado niyang sinanay ang sarili na magiging Delaverde din siya? Ayan tuloy. Nagulat lang bigla si Abby nang biglang kumulog nang malakas.
Takot si Abby sa kulog. Kapapanood niya ng horror films iyan kaya ganyan. Paano, sa tuwing may multo o may taong papatay sa main character palaging kumukulog.
Isasarado na sana ni Abby ang bintana para hindi masyadong marinig ang kulog at sipol ng hangin nang matigilan siya at nakita ang pamilyar na sasakyan.
Hindi pa rin pala ito umaalis. Hindi bale, aalis din iyan dahil uulan. Kaya naman sinarado na ni Abby ang bintana't kurtina.
She opened the TV. Doon nakumpirma na may paparating na bagyo at kasama sila sa apektado. Tumaas naman ang pagaalala ni Abby, gusto niyang sabihan si Raven na umalis na at may bagyo pero ayaw niyang isipin nito na may concern pa siya.
Baka umasa pa. Masyado pang sariwa ang lahat sa kanya.
Hindi namalayan ni Abby na nakatulog na siya sa sofa. Kung hindi pa kukulog ulit nang malakas ay baka bukas na siya nagising. The TV went static, mas lumakas ang buhos ng ulan at narinig niya ang gate sa labas na humahampas, hindi niya yata nakandado nang mabuti.
"Raven?" Nandoon pa rin ang sasakyan nito. She instantly grabbed her umbrella and run towards his car. Nang kumatok siya ay naaninag niyang nasa loob pa nga ito! "Raven, buksan mo ito."
Raven was shivering! Basang basa ito ng ulan. "Magkakasakit ka sa ginagawa mo, bakit nandito ka pa?"
"Hindi ako makaalis..." Agad niyang inalalayan ito palabas ng kotse papasok sa bahay. "It's so cold..."
"Sandali," Tumakbo siya papasok ng silid at kumuha ng bagong tuwalya at kinuha na rin niya ang kabibiling duvet sheet. Habang tinutuyo ni Raven ang sarili sa tuwalya ay kumuha siya ng damit ni Tatay Carlos para pamalit nito. "Suotin mo ito, magpapainit lang ako ng tubig."
Nang kumulo ang tubig ay nilagay niya iyon sa malapad na bale at hinaluan nang kaunting tubig gripo. Nang matimpla niya sa tamang init ay dinala niya sa harapan ni Raven at nilublob ang paa doon.
Then she covered him with a duvet sheet, "Medyo nawala na ang ginaw?"
Tumango naman si Raven, "Thank you..."
"Pagkatapos nito, doon ka na sa silid magpahinga. Bagong ayos lang namin ni Toto iyon." Sambit niya, "Uminom ka rin ng paracetamol para hindi tumuloy sa sakit."
"Abby,"
"Raven, bukas kapag maayos na ang pakiramdam mo ay pwede ka ng umalis. Hindi mo kailangan magpaalam sa akin. Kunin mo na lang itong basa mong damit sa likod bukas."
Niligpit na niya ang ilang gamit pagkuwa'y dumiretso na sa silid. Hindi naman siya tuluyang naging masamang tao, hindi ba? Ang mahalaga, malinis ang konsensya niya.
But, she couldn't sleep that night, nawala na rin sa isip niya ang takot sa kulog at ulan... Mas natatakot siya ngayon sa nararamdaman.
Bakit naman kasi nagpaulan pa. Bakit hindi na lang umalis? Napabuntong hininga si Abby. Part of her heart softened when she saw Raven really waited for her, but a part of her mind is still firm not to let him enter her life again.
![](https://img.wattpad.com/cover/131810720-288-k805999.jpg)
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
Ficción GeneralKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?