Chapter Twenty-Eight

8.6K 259 11
                                        

Kung ako kapatid niyan, hindi ko hahayaan na magisa iyan dito sa school. Lalo na at ganyan kaganda?

Sana naisip iyan ng Tatay mo bago siya kumabit sa Mommy ko!

Napabangon bigla si Abby. Kipkip ang kumot sa dibdib ay humugot siya nang malalim na hininga.

"Abby..." Napatingin siya kay Raven. Tulog pa rin ito at tumagilid lang ng higa, tila kinapa ang pwesto niya. "Abby..."

Humiga siya ulit at sumiksik dito. She felt his lips on her temple, mas hinila pa siya papalapit rito. His nakedness brings warmth in her. Napapayapa ang puso niya sa tabi ni Raven, agad na nawala sa isip ang napaginipan.

Kinaumagahan, wala na si Raven sa tabi niya. Kaya naman kinuha niya ang tshirt nitong nakapatong sa sampayan sa tabi ng kama. Sinuot niya ito at kumuha ng panibagong underwear pagkuwa'y kinuha ang tuwalya sa likod ng pinto.

Paglabas ay naamoy niya kaagad ang bawang na ginigisa. Nakatalikod si Raven sa kanya at hawak nito ang kawali at sandok.

Alam naman niyang sanay ito magluto. Ibang klase  lang pala kapag nakita ito ulit ngayon. Naalala niya ang pinagusapan nila ni Helen.

She imagined two children running around. Ang babae nilang anak ay malapit rito at ang lalaki naman sa kanya.

She was smiling wide with that thought hanggang sa napalingon si Raven sa kanya, "Good morning." He greeted as she went back with her senses, "Breakfast na tayo."

Tumango siya, "Maghihilamos lang ako tska mag..." Her cheeks burned, "Sandali lang," agad siyang pumasok ng banyo para maghilamos at magsuot ng undergarments. She also washed her face and gargled some water.

Nang makalabas ay nakahain na ang hapag kainan. "C'mon, take a seat." Pinaghila siya nito ng upuan.

She walked towards the seat. Hinalikan pa siya nito sa tuktok ng ulo pagkuwa'y pinagsandok pa ng sinangag.

"Coffee or Milo?"

"Milo na lang," she smiled. Pinagtimpla siya nito. Then she heard his phone ring. May binasa ito doon na nagpabago ng ekspresyon ng mukha nito. "Is everything alright?"

Pinatay nito ang phone at nilapag sa counter. Ngumiti ito sa kanya at inabot ang mug. "Yeah, may concern lang sa company."

"Gusto mong pagusapan?"

He sighed, "MDB Corp. is undergoing some issues with the accounts it handles" Paliwanag nito.

MDB Corporation or also known as MDB Corp. is a holding company that was established by Raven's parents with the purpose of owning and controlling the assets of one or more companies.

Isa na doon ang Hotel Martinez, Wizards, the custom brokerage, and firms.

However, there are some financial discrepancies that was reported. Iyon ang problema na kasalukuyang iniimbestigahan pa.

"The accountant was just updating me. They're worried." He added.

"Hindi kaya kailangan ka na doon?"

Hinawakan nito ang kamay niya at dinala sa labi nito, "It can wait." Tumayo naman siya para kumuha ng kutsara para sa palaman ng tinapay, nagdala daw ng pandesal si Toto kanina anito.

Ngunit agad naman na may tumawag sa cellphone nito at nakita niya ang pangalan ni Bella. It has 3 missed calls.

"Hindi mo ba sasagutin?" She asked, "Tatlong beses na siyang natawag sa 'yo."

"Kain muna tayo. Wala pang official working hours," he smiled. Morning person sila ni Raven, marahil dahil na rin sa trabaho pero iba talaga ang simoy ng hangin sa Casa.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon