Chapter Four

9.9K 310 12
                                    

Abby didn't know how to continue working at the kitchen anymore. Mas gusto na niyang nasa housekeeping siya, at least, mas malaki pala ang chance na hindi niya makita ang mga ito.

What are the odds.

Ano kayang ginagawa ng dalawa ngayon? Napatingin siya sa relo, it's been an hour since she left the room. Tapos na kaya sila? Nakaraos na? Magaling kaya si Raven sa...

"Clara Abigail Gregorio Sinfuego!"

She went back to her senses. Napaharap siya kay Ella na nakapamewang na sa harapan niya. Nakakunot ang noo nito, tinitignan siya nito sa mata, pilit na binabasa ang nasa isip niya.

"Anong problema?" She asked.

"Wala." Umiling siya. "May sinasabi ka ba?"

"Ang sabi ko buntis ako, narinig mo ba?" Nanlaki ang mata niya sa narinig at napatakip ng bibig.

"Ano? Kanino?"

Kinurot siya nito sa braso, "Tignan mo, hindi ka nga nakikinig kasi hindi ko naman sinabi 'yon!" Huli pero hindi kulong. "Don't lie to me, Clara Abigail. Malalaman ko."

Ano pa nga ba?

"Dali na at kikitain ko pa ang mga kaklase ko sa coffee shop. Tinatapos kasi nila iyong project namin." Oo nga pala, working student ito. Napakasipag din kasi.

Napalabi siya, "Nakita ko na siya, Ella." Aniya at napabuntong hininga, "Sa VIP Room."

Sa simula ay hindi naintindihan ni Daniella iyon pero nanlaki ang mata nito na makuhang si Raven ang tinutukoy niya.

"Aha! Kaya pala tulala ka." Sambit nito, "The guest requested for a box of condom... Don't tell me?"

Hindi na niya alam ang mararamdaman, "Nako, buti na lang at wala ka sa housekeeping ngayon." Sambit nito, "Imagine, baka tayo iyong ma-assign sa kwarto nila. Tapos for sure makikita mo iyong condom... Gosh, mahahawakan mo iyong semilya niya ---"

"Ella!" Tinakpan niya ang tenga. "Ano ba!"

Tinawanan siya nito, "Ikaw naman. Baka naman hindi si Raven ang ka-jerjer ni Ms. Frenzy."

"Huh? Bakit frenzy?"

"Iyon ang unang pumasok na brand ng condom sa utak ko," Ella chuckled, "Ano bang pinaguusapan nila? Naglalandian ba?"

Umiling siya, "Parang seryoso kasi. Mukhang importante masyado. Hindi ko alam, siguro usapang magasawa o magkarelasyon?"

"Ang rinig ko, walang girlfriend pero may something." Sambit ni Daniella, "Baka fubu? May singsing ba?"

"Malay mo" saad niya, nangingilid na ang luha. "Kung may nangyayari na, 'di ba?"

"Nako, ang virgin kong best friend, kapag may condom, hindi pa kasal" Huh? Saan naman nito napulot iyon, "Kasi sa yaman nila, kapag kasal, injection na ang ginagamit for birth control!"

Kahit kailan talaga. Walang seryosong comment itong kaibigan. Bakit nga ba ito ang best friend niya? Pakipaalala, Lord..

"Uso kaya sa mga mayayaman iyong fuck buddy!"

Napakunot ang noo niya, "Hindi ganoon si Raven. He would not put any woman in that kind of position. He would have put a label on it. "

"Okay..."

Hindi na sila nagpansinan pagkatapos niyon ay inuna na ang trabaho nila. Nauna si Daniella umalis dahil may pasok ito kaya magisa siyang uuwi ngayon.

"Uy, Abby. Uuwi ka na?" Tanong ni Kuya Noy sa kanya, ang head security ng Hotel Martinez. "Nasaan si Ella?"

"May lakad pa, Kuya Noy" Walang ganang sambit niya.

"Malungkot ka?"

She just smirked. Matagal naman na siyang malungkot pero hindi naman niya kailangan maging masaya para mabuhay.

She just need to live, and she's been doing that ever since.

At dahil nga may lakad pa si Ella. Magisa siyang naglakad papauwi nang hindi alam kung saan umaapak.

"Oh, huwag kang iiyak iyak. Dati hindi ka naman ganito, palaban ka nga diba?" Bulong niya sa sarili, pinipigilan niya ang maiyak, masyado siyang emosyonal pagdating kay Raven.

Speaking of him, ang laki ng pinagbago nito. Kung noon nga ay nahihiya na siyang kasama nito, what more ngayon?

Hindi na ito maputla at masyadong payat. His hair was more manly, his body now well-defined, at ang boses nito? Oh goodness, mas lumalim.

"Hi, Miss..." Napatigil siya. Hala! Nasaan na siya? "Naliligaw ka ba? Gusto mong samahan kita?"

Napaatras siya ngunit tumama ang likod sa isang dibdib, napalingon siya, isa ring lalaking amoy alak! "Mukhang malungkot ka, Miss. Gusto mo paligayahin kita?"

Focus! Focus, Abby. She thought to herself. Sabay itong nagsasalita, she composed herself.

"Sandali, may inaantay lang akong k-kaibigan. Maganda iyon, pagkarating niya sasama kami sa inyo..." Ito yung natutunan niya sa isang nabasa.

You don't reject, you delay. Tataas ang depensa kapag hindi mo ito tinanggihan, kapag umatras sila iyon na ang pagkakataong tumakbo at humingi ng saklolo.

Come on, buy it. Isip niya.

Hindi niya lang alam kung maniniwala ang mga ito. Kahit naman walang mga pinagaralan ay alam niyang hindi ito mga tanga. They could smell fear and fear attracts evil as they say.

Tinignan siya ng mga ito mula ulo hanggang paa. Damn! That sent shivers down on her spine. Napapikit siya sandali. Humahanap ng tsempo.

"Magaling ka ba?" Tanong ng lalaki, "Mamaya, game?"

Kahit hindi maintindihan ang tinutukoy nito at tumango siya, "Oo naman"

Run. That's what her gut is telling her. Run!

"Nasaan na ba yung kasama mo?"

"Nandiyan na iyon, t-teka naiihi ako." Aniya, this is her last straw. "Iihi muna ako sa Jollibee"

Pagkalakad niya ay hinawakan siya ng lalaki sa siko, "Nandiyan lang ang bahay ko, doon ka na."

No, kapag sumama siya. That will be the end of it!

Kahit sa kaso ay hindi siya mananalo dahil kapag sumama siya, pwedeng palabasin na may relasyon sila.

No! Hindi pwede.

"Oh, ayan na 'ata." Ani ng isang lalaki.

Yes, life saver! May sasakyan na dumating. "Ito na ba iyon?" Tanong nito sa kanya.

"Ah, Oo. Salubungin ko lang..." Sinalubong niya ang sasakyan at nang makalayo ng kaunti ay tumakbo na siya!

"Huy, habulin niyo!"

"Tulong! Saklolo!" Sigaw niya. Nagpatuloy siya sa pagtakbo, walang pakialam kung madapa siya o ano! "Tulong!"

Napatigil siya. Shit! Muntik na siyang masagasaan. Pero wala siyang pakialam. Kailangan niya ng tulong.

Lumabas ang may-ari ng sasakyan at agad siyang hinarap, "Miss, magpapakamatay ka ba?"

"T-Tulungan mo ako!" Lapit niya rito, "May humahabol sa akin!"

"Abby?" Oh shit, again. "Abby, is that you?"

She stilled. Sa lahat naman ng lugar, bakit dito pa?

"G-Gryffin..."

---

Let's get connected:

Hi, please support my page my following my socials. I would love to step up and engage with al of you!

Facebook: Shadowless Persona
Instagram: @shadowlesspersona
Twitter: @espersonaa

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon