Chapter Sixteen

9.4K 297 11
                                    

"Susunduin ka ni Sir Raven?"

Tumango naman siya. Kakatapos niya lang maligo at papunta na sila kay Madam Bebe dahil aayusan nga siya.

"Wow naman."

Kununot ang noo niya, "Wow ka diyan." She scoffed, "Walang ibig sabihin iyon, Ella."

"Sus, Clara Abigail. Sabihin mo iyan sa pagong,"

Wala naman talaga iyong kahulugan. Maybe he just wanted to be nice. Ganoon naman ito kahit noon pa. Hindi nga niya akalain na, hindi ito nagbago.

Nang magpunta na sila kay Madam Bebe ay agad siya nitong inayusan. Natural make-up lang ang ginawa ni Madam sa kanya, sa buhok naman messy bun.

"Makinis ka naman pa lang bata ka," sambit nito, "Maganda ka din pala."

"Syempre naman, Madam!" Sambit ni Ella, "Maganda naman talaga iyang si Abby. Dami nga nagkakacrush dito, ang kaso isa lang talaga ang gusto!"

Tumawa naman si Madam, "Iyon ba iyong pogi na pumunta rito?"

"Mismo, Madam!"

Umirap siya. Pinagtsimisan pa siya ng dalawa. Itong si Ella ang pasimuno, eh. Kukurutin niya talaga ito sa singit, malapit na!

"Excuse me." May isang lalaking naka-americana ang kumatok sa labas ng pintuan ng salon, "I'm looking for Ms. Sinfuego."

"Yes?"

"Ma'am, Mr. Delaverde has instructed me to fetch you." Pormal na sambit nito, "He is waiting for you at the hotel."

"Akala ko ba si Raven ang susundo sa kanya?" Nakataas ang kilay ni Daniella sa lalaki. Hinawakan niya ito sa braso, ang sungit naman!

"He wanted to be here, Ma'am. But, something came up that his presence has been called earlier than expected."

"No it's okay," agad niyang sambit, "I could have taken a ride..."

"He insisted to fetch you and bring you safely tonight."

Napatango na lang siya at kinuha na ang maliit niyang purse. Si Ella na ang bahala sa gamit niya para wala na siyang iisipin pa.

"Tawagan mo ako, if ever." Pahabol na sambit ni Ella bago siya sumakay sa sasakyan.

The driver opened the door for her. Amoy pa lang ng loob ay halatadong mamahalin na ang sasakyan. It's spacious and clean. Napangiti siya nang kaunti.

Pangarap ni Tatay Carlos na makasakay sa ganito noon. And he did. Salamat talaga at uso na ang Grab at Uber.

Tumigil ang sasakyan sa harapan ng hotel mismo. Pinagbuksan siya muli ng pinto at nilahad ang kamay para siya ay maalalayan.

Hindi man sanay sa ganitong event si Abby pero hindi naman siya innocente. She studied this kind of occasion. She knew how to present herself in this formal gatherings.

"Your name, please?" Tanong ng babaeng naka-itim at may hawak ng guest list. She tried to hide the smirk, hindi ba siya nakilala nito?

"She's with me." Nakita niyang napatingin ang kaharap sa taong nasa likod niya. Yumuko ito at bumati. Sino pa ba?

She turned around slowly. Nakita niyang natigilan ito sandali. His lips quite opened yet eventually recovered through deep breaths.

"Hi..." Siya na ang unang nagsalita, "You look good." Palagi naman.

Raven couldn't say a word. Napailing ito at napabuga muli ng hangin, "Mahihiya ang mga bituin sa langit ngayong gabi dahil sa 'yo."

"Bakit naman?"

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon