Trigger Warning: There may be words or scenarios that may be sensitive. Reader's discretion is advised.
----
Abby's head felt like it had been hit against the wall. Napaungol siya't napahawak sa sentido para matigil ang nararamdamang pagpitik.
She slowly sat up when the comforter slipped on her lap exposing her naked chests. Parang nagising siyang bigla at agad na kinipkip iyon, only to realize that she's naked!
Biglang nagflash back sa isip niya ang nangyari kinagabihan. She kind of blacked out after Ed get her away from the telephone at dumating si Joaquin.
Parang may malalabong imahe siyang nakikita. There are flashes then it jumped into where someone was undressing her.
Tumutulo na ang luha sa mata ni Abby bago pa man ma-acknowledge ang nararamdaman. She hugged her folded knees against her chest.
Si Raven... Hinahanap na siya ni Raven!
Agad niyang pinunasan ang mga luha at kinuha ang nakitang bathrobe. Hindi na niya gusto pang harapin ang taong nasa loob ng shower. One thing is for sure, she didn't want this to happen.
She was... Agad niyang kinuha ang damit at sinuot nang makitang nakatupi iyon nang maayos. Dirediretso si Abby papalabas ng hotel, walang nililingon, gusto lamang makawala.
Dumiretso siya sa apartment at hindi pa man naiaalis ang damit ay binuhusan na niya ang sarili ng tubig.
"Abby!" Si Daniella, "Abby, anong nangyari sa 'yo?"
Bumuhos muli ang mga luha niya at agad na kinuskusan ang sarili, "Ella..."
"Abby, saan ka ba galing? Halos halughugin namin ni Raven ang buong Metro Manila---" She paused, "Abby..."
Lumuhod ito sa tapat niya't hinawakan ang palapulsuhan niya. Napangiwi siya't napagtanto ang pasa doon. Ginapos ba siya?
"Sinong may gawa nito sa 'yo!" Napahawak siya sa kaibigan, "Kailangan malaman ni Raven--"
"Huwag!" Iling niya, "Huwag, Ella... Natatakot ako... Huwag!"
"Abby, hindi pwedeng palagpasin ito! Kailangan niyang malaman!"
"Ella, huwag... Huwag mo kong iwan.. Dito ka lang!"
Tinutuyo ni Ella ang buhok niya. Halos isang oras yata sila sa loob ng banyo. Nakatulala lang siya ngayon na nakaupo sa kama, sinusubukang alalahanin ang mga nangyari kagabi.
All she ended up with were blurry, short, small, and jumpy flashbacks. Naluluha siya dahil kasama sa mga alaala ay ang mga hawak na si Raven lang ang pinahihintulutan niyang humawak.
"Abby, hanggang saan ang naalala mo?"
Pinunasan niya ang panibagong luha na tumulo ulit, "Hinuhubaran ako, Ella..."
"Sandali, masakit ba ang katawan mo?" Tanong nito, "Baka kailangan mong magpa-tingin kahit sa clinic. Abby, kung... Kung... Pinagsamantalahan ka, kailangan natin itong aksyunan..."
"Ella, matatalo ako." Sambit niya, "Unang una, hindi ako pinilit na pumunta sa silid. Kusa akong umakyat dahil pinatawag ako."
"May CCTV naman!"
"Na magpapatunay na hindi ako pinilit." Agad niyang dugtong, "Sinong maniniwala sa akin? Wala akong maalala, Ella. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin..."
"Abby, ako. Naniniwala ako sa 'yo!" Naghahalong galit at luha ang nakita niya sa mga mata ni Ella, "Naniniwala ako sa 'yo!'
Nakatulog si Abby dahil sa pagiyak. Nang magising ay agad na lumabas ng silid, "Ella---"
![](https://img.wattpad.com/cover/131810720-288-k805999.jpg)
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
Aktuelle LiteraturKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?