"Mabuti naman at napagdesisyunan mo nang manirahan muli rito, Abigail" ani Aling Linda habang pinaghahandaan siya nito ng hapunan.
Halos mag aala-siyete na kasi siya ng gabi dumating sa Casa Sinfuego dahil dalawang beses siyang bumaba ng bus sa sobrang pagkahilo.
It must be the stress that she recently dealing. Ang hirap, kulang na lang gumapang siya.
"Namumutla ka, hija. Ayos ka lang ba?" Puna ni Aling Linda, tumango lang siya rito at ngumiti. Wala siyang balak pa na ikwento dahil nakakapagod na rin, "Ano bang nangyari sa iyo at tila nangayayat ka rin?"
Tumayo siya ng hapag at hinawakan lang ito sa kamay, "magpapahinga na lang muna po ako, Aling Linda. Hindi po kasi maganda ang pakiramdam ko, masyado po akong napagod..." sa lahat ng nangyayari sa buhay ko... Sambit niya sa isip.
Sinapo naman ng ginang ang leeg niya't noo, "Wala ka naman lagnat o sinat. Marahil pagod nga lang talaga. Oh sige, magpahinga ka muna at itatabi ko muna ito sa ref."
"Maraming salamat po, Aling Linda..."
Agad siyang pumasok sa silid ngunit hindi pa man nagtatagal ng sampung segundo ay lumipat na agad siya sa kabila.
Paano, si Raven lang din naman ng naalala niya. Halos sa buong sulok ng silid na ito, si Raven ang naalala niya.
She may be in love but not stupid. Okay, she may be stupid pero sobra naman kung magbubulagbulagan pa siya sa ginawa ng dating nobyo.
Nagkamali siya ng pagkakataong tinayaan. Hindi pala talaga sila para sa isa't isa. Pinaasa lang sila ng pagtatagpo. Paglalayuin lang din pala ng panahon nang magkaroon ng pagkakataon.
Humilata siya sa higaan ngunit hanggang sa kobre kama ay naamoy niya ang pabango nito. She may be not so stupid but clearly, she's still crazy over him.
Traydor pala talaga ang mga pakiramdam, gayundin ang bawat paramdam. Masiyadong inibig ni Abby ang katapatan ng pagkakataon dahil akala niya ay tapat ang tadhana.
Akala niya ay hindi na siya muling mabibigo pero totoo ngang maraming namamatay sa maling akala dahil katulad ng tao, pagod na din ito katulad ng pagmamahal.
Umiling si Abby. Kinalma ang sarili. Tama, magpapakatatag siya! Haharapin niya ang lahat ng suliranin magisa ng may lakas ng loob at kumipansya sa sarili.
At dahil hindi naman talaga siya makatulog. Umupo siya at kinuha ang notebook kasama ang ballpen. She has to write down her plans or else she will lose her mind.
Sinulat niya muna ang mga pangarap niya sa buhay. Unang-una, makapagtapos ng pagaaral. Sa katunayan, isang semester na lang naman ang kulang niya. Pwede na siguro niyang pagsumikapan iyon.
Pangalawa, magkaroon ng sariling negosyo. At dahil gusto niya magkaroon ng sariling hotel, siguro susundin niya ng suggestion ni Gryffin noon.
Kung tutuusin, maganda itong bahay nila. Pwede niyang paupahan para sa gustong bumisita. At mayroon pa nga pa lang treehouse sa likuran!
Isa iyon sa pinagkabalahan ni Tatay Carlos noon. Presko doon at masarap humiga, parang sa bubong nila Raven noon—
Napatigil siya. Si Raven na naman.
Ibinalik niya ang isip sa plinaplano. Dalawa ang silid dito sa bahay, ang isa ay masters bedroom, ang isa pwede niyang papalitan ng double deck na kama.
Ang sala ay pwedeng common area. Habang ang kitchen naman ay open para sa mga mag-stay. She can do that. Uumpisahan muna niya na magaccommodate ng isang guest para hindi naman siya mabigla.
Eventually, kung mag-work ang plano na ito. Matutupad na rin ang plano nila ni Raven--- Humagulgol siya at napahawak sa dibdib.
Hindi na lamang niya namalayan na naipikit na pala niya ang mga mata at tuluyan ng inabutan ng antok.
![](https://img.wattpad.com/cover/131810720-288-k805999.jpg)
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
Fiksi UmumKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?