Chapter Nineteen

8.6K 295 7
                                    

Maagang pumasok si Abby sa hotel ng araw na ito at agad na sinimulan ang trabaho. She even wanted to do others chores, huwag lang siyang mabakante.

"Abby, pinapatawag ka ni Sir Raven." ani Daniella sa kanya, "Huy, narinig mo ba ako?"

Kumunot ang noo niya at pinagpatuloy lang ang pagvavaccum. "Madami akong ginagawa, sabihin mo," aniya, alam naman niya ang mangyayari.

He'll explain what happened with Bella at syempre tanga siya na maniniwala rito kaya... Huwag na lang muna.

"Abby? I-ikaw ba iyan?"

"Oo naman,bakit?" Patuloy pa rin sa pagvavaccum.

"Patayin mo muna iyan!" Tukoy nito sa vaccum, "Usap muna tayo"

She did turn it off at nagpunas ng pawis.

"Anong nangyari sa paguusap niyo ng nanay mo?" Tanong ni Ella pagkuwa'y binigyan siya ng bottled water.

"Pinapabalik niya ako sa mansion ng asawa niya." Aniya sabay inom sa tubig, "Ano ako? Hilo?"

"Alam mo, Abby... Iniisip lang ng nanay mo ang makakabuti para sa 'yo"

She let out a fake chuckle, makakabuti pala? Hindi naman niya naramdaman iyon.

"Hinding hindi na ako papasok sa bahay na iyon," aniya, "Sasaktan lang nila ako roon at wala na si Tatay para --" Ipagtanggol ako. Isip niya.

Mabuti sana kung katawan lang ang nabubugbog pero hindi. Pati puso at kaluluwa'y hindi pinalagpas.

The mere sight of her mother's real family made her sick. Not because she's envy, but because of hatred.

Hindi naman niya plano maghiganti, tamad siya para sa ganoon. Ang gusto na lang niya ay kalimutan ang mga ito at mabuhay na walang kinalaman sa kanila.

Tutal para sa kanila, isa lang naman siyang bunga ng pagkakamali. Pagkakamali na hindi na dapat pang nabuhay sa mundong ito.

"Abby, anong ginagawa mo rito?" Nagulat si Chef Daisy ng mapunta naman siya kitchen. "On a kitchen uniform?"

"Tapos ko na po ang trabaho ko sa housekeeping, nagpaalam po ako kay Ma'am Evelyn kung pwedeng dito naman po ako tumulong."

Tumango si Chef, "Kulang kami sa waitress, magbihis ka. Doon ka sa restaurant magduty."

And she did, kumpara sa housekeeping, mas busy dito. Okay na rin, gusto niya talagang kumikilos.

"Table for how many?" Tanong ng receptionist, nakatalikod siya rito habang kinukuha ang order ng ibang guests.

"Four" She stilled, kilala niya ang boses na iyon.

"Abby, would you show them their seats?"

One... Two... Three...

Inayos niya ang pustura at mga ngiti sa labi. She made sure that she's prepared for what's to come as she turned and welcomed them, her mother's family, with warm greetings.

"Sure, Ma'am." aniya, "Good afternoon, shall I take you to your seats?" She smiled, kahit na malapit na niyang mabali ang ballpen na kanina'y gamit sa higpit ng pagkakahawak niya rito.

Nagulat ang mga ito lalo na ang kanyang ina.

Oo, Nay. Dito ako nagtratrabaho at masaya ako rito... Isip niya.

"Here's our menu. If there's anything that you need, please don't hesitate to call me. I am Abby."

She excused herself. Pagkatalikod na pagkatalikod, kinagat niya ang ibabang labi at pinilit na kalmahin ang sarili.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon