"Abby, pinapatawag ka ni Ms. Evelyn!" Sambit ng isa niyang katrabaho, "punta ka muna sa kanya. Mukhang urgent."
"Sige, salamat." Sinarado niya ang locker at humarap sa salamin bago nagpunta sa opisina ng head. Nang kumatok siya ay agad siyang pinapasok nito.
"Kumusta, Abby?"
"Mabuti naman po, Ma'am." Aniya, "Pinapatawag niyo po ba ako?"
"May update ka na ba?" Napakunot ang noo niya, "Tungkol sa pinagusapan natin noong isang gabi?"
Inaalala niya kung ano iyon. Kung tungkol sa hotel ay wala naman. Umiling siya, "Nabanggit ko naman po, pero wala naman po kaming napagusapan."
She sighed and nodded, "Okay, keep me posted, ha?" Anito, "Anyway, pinapatawag ka ni Sir Raven. He is on his office."
"Nandito po siya?" Alam niya kasi na may out of town meetings ito this week. Pagod na pagod itong umuuwi sa condo, minsan text na lang ang nagagawa para maabisuhan siya.
"Yes,"
"Sige po," She was about to leave when she remembered to ask something, "Ma'am, I hope you don't mind me asking po, but maybe I need to know what you wanted me to tell you."
Napakamot siya sa ulo, "Para din po alam ko kung ano ang itatanong ko kay Raven---"
"No, wala kang itatanong." Putol nito sa kanya, "I don't need you to ask questions. I just want to know if he is telling you things..."
"Kaya nga po, Ma'am." Sambit niya, "Marami po kasi kaming pinaguusapan ni Raven, at hindi naman po lahat ng iyon ay masasabi ko sa inyo."
Sakto naman na pumasok ang isang katrabaho para may iabot kay Ms. Evelyn. Kaya naman nakaalis na rin siya at nagpunta kay Raven.
"Hi, baby." Malambing na bati nito sa kanya na may kasamang yakap, "I missed you so much,"
Hindi siya nakasagot agad dahil naiwan pa rin ang isip niya kay Ms.Evelyn. Mukhang napansin iyon ni Raven kaya hinaplos nito ang pisngi niya, "Are you okay?"
She went back to her senses, "Ah, oo." She smiled, "Sorry, I spaced out."
"It's okay," He kissed her forehead, "How are you?"
"Mabuti naman, ikaw? Kailan ka pa nakauwi?"
"Actually, I just dropped by." He caressed her arms, "I just wanted to see you. But, I have to leave in an hour. I have a flight to Singapore,"
"Singapore?" Nabigla siya doon, "Hanggang kailan ka doon?"
"Just for a day, Baby." He said, "Then I'll be back here. We have a pre-marriage counseling on Friday, right?"
Tumango siya, "Oo nga pala. Mag-file na ako ng leave mamaya." He kissed her temples, "Aalis ka na ba agad?"
Kinabig siya nito ng yakap, "How I wish I can take you with me."
"Someday," sambit niya, "magiingat ka doon, ha? Behave." He chuckled with what she said.
"Yes, Baby."
"Kasama mo ba si Bella?" Diretsa niyang tanong. Napahiwalay ito ng yakap sa kanya at tumingin sa mga mata niya.
"Does she still bothers you?"
Umiling siya, "Hindi naman. Curious lang ako kung magkasama kayo."
"No, she's not coming with me." Sagot nito sa kanya, "Also, I do not bring my secretary with my out of the country trips. I need someone I can trust here when I'm gone."
"Ah, hindi kasama si Myra." Tukoy niya sa bago nitong secretarya. "Okay."
He smirked, "You're jealous."
"Hoy, hindi kaya." Tanggi niya pa rito pero agad na siya nitong kiniliti at pinugpog ng halik sa pisngi.
Natigilan lang silang pareho nang may diretsong pumasok sa office nito. At iisa lang naman ang nakakagawa niyon.
"My?" ani Raven, halatang nagulat din kagata niya, "W-what are you doing here?"
"Bibisitahin lang sana kita, anak." Tita Maricar's eyes shifted on her. Napangiti nang makita siya. "Abby, you're here!"
Napatayo siya nang diretso at inayos ang postura. Umalis siya sa tabi ni Raven at dumistansya nang kaunti.
"Tamang tama. I brought some snacks!" Lumakad ito papunta sa long table at inilabas ang dala nitong pagkain, "Balita ko may flight ka mamaya, Raven. Is that true?"
"Yes, My." Lumapit naman ito sa ina, "I will be checking the report our intel has sent me."
"Anak, magiingat ka." Narinig niya ang bulong ni Tita Maricar, "Hindi maganda ang pakiramdam namin ng Papa mo tungkol diyan."
"Don't worry, My."
She was about to exit the office when Tita called her name. Pinapaupo siya para makakain din. "Busog pa po ako,"
"I insist." Sambit nito, "Ngayon ko lang din naabutan itong si Raven. Palaging busy. Sarili kong anak, parang kailangan ko ng appointment para makita." She youthfully chuckled.
Magkatabi sila ni Raven habang si Tita ang panay kwento. Not about work but very random. Hindi lang makapagfocus si Abby, kinakabahan siya!
"Abby, are you okay?" Tanong sa kanya nito bigla, "Para kang tense." Puna nito, "Masama ba pakiramdam mo?"
"Hala, Tita. Hindi po..." Tanggi niya, "Pasensya na po." Then she felt his hand on her leg.
"My," Napatingin siya kay Raven, "There's something Abby and I would like to tell you,"
"What is it?" She asked, "Hmm, let me guess. Kayo na?" She giggled like it was a joke, but it wasn't.
"Actually, more than that." Raven said, she held his hand behind the table, "My, we're getting married."
Hindi nakapagsalita agad si Tita Maricar.
"Abby is already my fiancé." Dagdag pa nito.
To say that Tita was surprised is her expectation. But, it feels like she knew it all along.
"Your Dad mentioned to me that he gave you my engagement ring before." Sambit nito, "It was his graduation gift for you. That ring is special, I know. I've wore it for a decade, too."
Napangiti ito sa kanila pero mas nagtagal sa kanya, "So, it's the first thing I noticed when I entered. You're wearing it."
"I love her, My."
"I know, anak." She smiled, with faint tears in the corner of her eyes, "I've known it for years, that's why I didn't let her go when she applied here."
---
Let's get connected:
Hi, please support my page my following my socials. I would love to step up and engage with al of you!
Facebook: Shadowless Persona
Instagram: @shadowlesspersona
Twitter: @espersonaa

BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
General FictionKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?