"Wala pa ba ang mapapangasawa mo, Abby?" The counselor asked because it's been 15 minutes since their schedule. She just asked to wait for more minutes, baka natraffic lang si Raven.
She was reaching him to any social media she could. But, it says that he has been inactive for almost 2 days.
Ano kayang nangyari doon? Bigla naman siyang kinabahan. Masyado bang abala sa Singapore at mula nang makarating doon ay wala ng balita.
She wasn't used to that. Raven always find time to update her. Kahit isang text sa isang araw lang, masaya na siya.
"I'm sorry, Abby. But, we need to reschedule. I still have another session after you," Humingi ng pasensya ang counselor. "Just inform me when your next free time would be so that my secretary can schedule you."
Tumayo na siya at humingi na rin ng pasensya. "Thank you po," sambit niya at umalis na.
Mas nagaalala si Abby sa kalagayan ni Raven. It's very unusual to her that he isn't responding to any of her message. Hindi kaya may nangyari na doon?
"Oh, bakit nandito ka? Akala ko schedule niyo sa counselor? Nasaan si Raven?"
Umiling siya, "Hindi ko alam." At agad na nagbihis ng uniform. Kahit naman naka-leave siya ay mas magandang magtrabaho na lang kaysa magmukmok sa loob ng kwarto.
Sabado pa man din. After the counseling, they should be meeting their wedding coordinator pero kahit iyon mukhang hindi matutuloy.
But of course, that would be impossible. So, she grabbed her phone and just sent him a message. Kanina kasi puro tawag lang siya.
Are you okay? I'm worried...
Huminga siya nang malalim at nang akmang ibubulsa na ang phone ay biglang nagreply ito! She was excited to know he is okay until she saw his message.
Yes. Just busy, don't call.
Tumaas ang kilay ni Abby. Just busy? Nakalimutan ba nitong dapat magkasama silang dalawa? Umangat ang inis sa dibdib ni Abby.
You forgot.
Hindi na ito nagreply ulit. Kaya naman pinatay ni Abby ang cellphone para hindi siya nito macontact. Nakakainis! How can he forget? Nasaan ba ito ngayon?
'Di bale na! Mas lalong tinuon ni Abby ang sarili sa trabaho. Mas gusto niyang makatulog sa pagod mamaya kaysa sa magkaroon pa ng oras para magtampo.
When she went to the pantry during her break time. Nakita niya ang ilang katrabaho na may pinapanood sa TV. "Grabe, ang ganda talaga ni Ms. Lacerna, ano?"
"Magugustuhan ba iyan ni Sir Delaverde kung hindi?" Tugon pa ng isa pagkuwa'y natuon ang pansin niya sa screen.
It's indeed Raven with Bella. It's a live feed from MDB Corp. Channel. Matagal ng may ganito sa pantry, it helps the people under this department become updated with the matters above.
"Huy, nandiyan si Abby!" Sambit ng isa at sabay-sabay ang mga itong nagtinginan sa kanya, "Abby, totoo bang ikaw ang sinasabing girlfriend ni Sir?"
Hindi siya nakasagot doon. Hindi naman dahil sa nahihiya siya o walang kumpiyansa sa nobyo pero pakiramdam ni Abby ay hindi na niya kailangan pa magpaliwanag.
"Sus, hindi iyan papatol kay Abby! Saan mo ba kasi nakuha iyan?" She was about to walk out when another woman approached her, "Tignan mo nga. No offense, Abby!"
"None taken" She responded and walk way. It's not appropriate to parade that she's the girlfriend. Hindi naman na mahalaga ang mga sasabihin ng iba.
"Abigail," Tawag sa kanya ni Ms. Evelyn, "Kumusta?"
![](https://img.wattpad.com/cover/131810720-288-k805999.jpg)
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
General FictionKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?