Huminga nang malalim matapos maayos ang mga gamit ni Mang Julio. Nagpunas na rin siya ng sarili gamit ang tuwalya na binigay nito sa kanya.
"Kaya pa ba ng lakas mo?" Tanong ni Mang Julio sa kanya "Pagkatapos niyan ay maari ka ng umuwi. Maraming salamat sa tulong mo, ha? Bukas ulit?" Tumawa ito nang bahagya.
"Isasalin ko lang po ito sa bote para wala na po kayong gagawin mamaya," ani Raven, kakatapos lang niya magpiga ng gatas sa baka. Iyon ang huli niyang ginawa ngayong maghapon.
"Pasensya ka na, hijo..." Ani Mang Julio, "Mayroon naman kaming makina para sa ganyan pero nagkataon na nasira iyon kaya mano-mano muna namin ginagawa, matrabaho lang talaga."
"Huwag niyo pong alalahanin. Sanay naman po ako dahil noong nagsisimula ang Mommy ko sa negosyo niya ay ako po ang una niyang nakakatuwang," aniya pagkuwa'y pinagsama sama na ang mga bote't nilagay sa malaking kahon. "Saan po ito dadalihin?"
Tinuro nito ang kaha, "Sumama ka na sa bahay at doon ka na maghapunan."
"Baka po naghihintay si Abby, pero maraming salamat po."
"Ipaguwi mo na lang siya ng niluto ni Linda. Halika na. Sakto pagkatapos kumain ay nakapahinga ka na at maari ng maglinis ng katawan,"
Hindi na siya nakatanggi pa. Nagluto nga ng napakasarap na meryenda si Aling Linda. Pinagsaluhan nila iyon.
Sumilay ang ngiti sa labi ng matanda, "May gusto ka ba kay Abby?"
Hindi pa man niya nasasagot ay tumawa na ang matanda, "Maganda naman talaga ang inaanak ko. Kaya ba ikaw nandito para manligaw?"
"Ang totoo po niyan, magpapakasal na po dapat kami..." Nagulat ang matanda pero hindi naman sumagot agad at hinintay ang kasunod na sasabihin niya, "pero may malaki po akong kasalanan kaya nakipaghiwalay siya sa akin..."
"Niloko mo ang inaanak ko?" Nagiba ang tono ni Mang Julio, tila nawala ang magiliw na matanda kanina. "Nangbabae ka?"
"H-hindi po!" Agad niyang tanggi, "I can't do that to her..."
"Kung ganoon, ano ang nangyari?"
Tila para siyang nagkaroon ng sapot sa lalamunan. Hindi siya makalunok nang maayos. Tila bumalik siya sa pagkakataon pagkatapos nito kuhanin ng mga pulis.
Hindi niya alam kung anong maiisip. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatulala. But then, Ella's slap was enough to get his senses back.
"Abby..."
"Oh my god! Are you okay, Raven?" Sinubukan nitong hawakan ang pisngi niya, but he flinched. "I can't believe that we fall into her trap!" Sambit ni Bella. "I'll call our lawyers, Raven. Just stay — Raven, where are you going?"
"Abby!" Tumakbo siya at sinubukang habulin ang sasakyan kung saan ito isinakay pero huli na ang lahat. He fell on his knees.
"Anak," it's his mother, "Let's go home. C'mon, tinawagan ko na si Slyther... Hindi niya papabayaan si Abby."
Tulala si Raven nang iuwi ng ina sa bahay ng mga ito. He couldn't move or think clearly. Para siyang binalik sa panahon kung saan nakita niyang ibinababa ng Daddy niya ang mga maleta at kinausap ang Mommy niya.
It wasn't the situation that is the same, but it was the feeling. The fear... The anxiety... The anger... The hurt... All mixed in one.
"You can't see her, Kuya." Pinigilan siya ni Slyther nang makita na gusto niyang makita si Abby, "Not now."
"I need to see her, Slyth... Please..."
"Kuya, you need to trust me on this. You can't see her now. Hindi makakabuti kay Abby kung nandito ka. I am discrediting every witness that can put her into prison, kung hindi ka aalis ay madadamay ka."
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
Fiksi UmumKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?
