Raven stayed as the CEO of Hotel Martinez. His parents decided that it would be better if he focused on it, sila na daw muna bahala ulit sa MDB Corp.
On the other hand, Abby finally graduated college. Tinupad nga ni Raven ang pangako nito na susuportahan siya sa lahat ng plano niya. He offered her a position in Hotel Martinez but she politely refused. Maliban sa hindi niya gustong magkaroon ng conflict sa posisyon niya at sa relasyon nila mag-asawa, gusto niya rin munang maalagaan si Sofia nang buo.
"I'm home," It's Raven, "Where are my babies?"
"We're here!" Sagot niya. Inayos niya ang blusa dahil kakatapos lang niyang padedehin ang anak, "You're early, wala kang meeting?"
"Natapos nang maaga. Wait, I'll just take a quick shower!" Narinig niyang dumiretso ito sa silid. Napatingin lang siya sa anak na tulog na naman, she couldn't help but to smile. Lasing sa gatas lang?
Tumayo na siya sa kinauupuan at dahan-dahang inilapag ang anak sa crib. Sofia, so far, is an easy baby. Ang oras ng tulog nito ay oras ng tulog din ng normal na tao. Bukas na ulit ito magigising.
Saktong pumasok ang yaya nito. Handa na rin sa pagtulog. Nagbilin lang siya sandali at lumabas na rin ng kwarto.
Nakasalubong niya si Raven na mukhang excited pang makita ang anak, "Natutulog na siya..."
"What? Can't I see her?"
Umiling, "Magigising pa ang anak mo." She held his hand and pulled him away, "Halika na, kumain ka na muna. Ipaghahanda na lang kita ng makakain,"
"Can't I at least kiss her?"
"Raven, the last time you said that pinangigilan mo iyong anak mo!" Paalala niya. Ang ending, iyak nang iyak ang bata at hindi nagpatulog. "Bukas na lang, maabutan mo siyang gising bago ka pumasok ulit."
He pulled her inside his arms, "Can I kiss you instead?" He whispered, "Sa 'yo na lang ako mangigigil..." Pinaharap siya nito at agad na sinalubong ng halik, "I missed you."
Sa tono ng pagkakasabi nito halatadong may mas malalim na ibig sabihin ang mga salitang iyon. At mas napatunayan niya dahil bumababa na sa butones niya ang kamay nito.
"It's only 8 PM, Babe." Paalala niya, "10 PM pa dapat tayo," she chuckled but he is relentless, nasa leeg na niya ang mga labi nito.
"Then we'll sleep early!" Marahan siyang hinila nito at nagkulong na nga sila sa sariling silid. Hindi totoong natulog sila nang maaga dahil sumikat na lang ulit ang araw ay doon pa lang sila natapos.
"Raven," she called his name, "Ilang anak ang gusto mo?"
Inangat nito ang ulo at ngumiti sa kanya, "Why? Are you pregnant, again?"
"No," she chuckled, "8 months pa lang ang anak mo. Ikaw kung anu-anong sinasabi mo. I was just asking..."
"Well, if you asked me. As many as you want." He smiled, "Ikaw lang naman ang inaalala ko. I mean..." Lumukot ang noo nito, "Pregnancy is already hard, but childbirth is even harder..."
"It was all worth it for me, Raven." She answered, "Sa tuwing nakikita ko si Sofia, hindi ko pa rin lubos maisip na may bunga na iyong pagmamahalan natin. I mean, I was just loving you from afar before but now, nandito ka na sa harapan ko... May anak na tayo..."

BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
Ficțiune generalăKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?