Chapter One

25.7K 425 18
                                    

Weekly Budget.

Sulat ni Abby sa maliit niyang notebook. Mahirap na baka may malimutan pa siya, magipit na naman siyang bigla.

Sa susunod na linggo pa siya makakapagsimula sa kinuhang part-time job. Kailangan niyang tipirin ang sariling pera.

"Tay, aalis na po ako at mag-eenroll pero babalik din po ako kaagad," ani Abby sa ama pagkuwa'y nagmano rito. " 'Yong gamot po ninyo, huwag niyo pong kakalimutan. Nakaayos na po iyan," inabot niya ang medicine box nito na may nakalabel pa na morning, afternoon at noon.

Ngumiti ang ama sa kanya, "Oo na, ginagawa mo naman akong baby!" Napakamot sa pisngi ang Tatay Carlos niya. "Sandali, susundin ka ba ni Raven?"

Natigilan siya doon. Mabuti na lang at nakatalikod na siya sa ama bago pa masabi ang pangalan niyon.

Si Raven? Baka hindi na iyon pupunta sa kanila. Busy na iyon--- "Good morning po!"

Her thoughts got paused. Naestatwa si Abby nang marinig ang baritonong boses na iyon.

Hindi siya pwedeng magkamali. Napapikit siya at humarap rito, "Kuya..." Gosh! Hindi malunok ni Abby ang sariling laway sa pagbigkas ng pangalan niyon.

Kuya? Seryoso? Napailing na lang siya.

Hindi nakatakas sa kanya ang pagngisi nito. He went in and walked towards her father, pagkuwa'y nagmano, "Kumusta po kayo?"

"Mabuti naman ako, ang tagal mong hindi nagawi rito. May trabaho ka na ba?" Halatadong tuwang tuwa ang sariling ama nang makita ito. He can't even remove his hand on Raven's shoulder!

Tumango naman ang huli at sandaling sumulyap sa kanya. That made her turn her back again, mata pa lang halos umikot na ang dibdib ni Abby sa kaba.

"Tumutulong po ako kay Mommy sa restaurant." Anito, " Siya nga po pala, may dala akong pagkain. Sandali po at kukuhanin ko lang sa sasakyan,"

"Nako, nagabala ka pa."

Napakamot siya sa sariling pisngi, "Tay, tulungan ko lang po."

"Mabuti pa nga," sambit nito, "Nakakahiya naman..."

Sinundan niya nga si Raven. At sa gulat niya, hindi lang pagkain ang dala nito! He bought groceries. "Ano iyan?" Turo niya sa gulat, "K-Kuya?"

Gosh! Pati dila niya yata gustong humiwalay sa kanya sa pagkakabigkas niyon. Ngumisi ulit si Raven, "Kuya, huh?"

"Ano ba kasing ginagawa mo rito?"

"Gusto mo ba talagang sagutin ko iyan, Clara Abigail?" Damn it! He is doing that again. Calling her whole name like a fine wine. Si Raven lang ang nakakatawag sa kanya ng buong pangalan na hindi siya naiinis!

Inabot nito ang isang paper bag sa kanya pagkuwa'y nauna nang bumalik sa kanila. Gusto niyang sigawan ito pero para saan?

"Napakarami nito, Raven." Ani Tatay Carlos, "Abby, ikuha mo si Raven ng maiinom." Sinunod na lang niya iyon pagkuwa'y nagpaalam na ulit.

She just stopped when Raven called her name, "Bakit?" She looked at him.

"Hatid na kita."

Umiling siya, "Hindi na. Sandali lang naman ako, magbonding muna kayo ni Tatay." But she was stopped again, by his hand, on her arm.

Nagkatinginan silang dalawa nito, mata sa mata, "Ihahatid na kita," ulit nito't humarap sa ama na parang humihingi pa ng permiso. "Ihahatid ko lang po muna siya, Tay."

"Mabuti pa nga, Hijo!" Ani Tatay Carlos. "Sige na, baka makasalubong mo pa si Kenji diyan, hindi ka makaalis lalo." Her father chuckled.

Jusko! Bakit naman kailangan pa bangitin si Kenji? Tatay naman, eh! Napakunot ang noo ni Raven at sign na iyon para magwalk-out.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon