"News Update: Edward Garcia, the son of the business tycoon, was arrested last night due to sexual harassment under the influence of an illegal drugs-"
Agad na pinatay ni Raven ang TV at lumapit sa kanya, "You shouldn't watch that. Hindi makakabuti sa 'yo." Malumanay nitong sambit, "Let's eat?"
Tumango siya rito, "CR lang muna ako..." Agad siyang dumiretso doon at pasimpleng kinuha ang pregnancy test kit na binili niya sa botika noong isang araw.
Isang linggo na sila dito sa condo. Sabi kasi ni Raven ay mas magandang nandito muna sila sa malapit para kung kakailanganin sila sa law firm ay hindi na siya masyadong mapapagod.
Good thing that her classes are purely online. She also opened Casa for rent. May dalawang guest na siyang na-accomodate. Malaking bagay din na katuwang niya si Toto at Nene. Practically, they work with her that's why she decided to give them commissions.
Anyway, hindi naman manhid si Abby. But, she fainted twice and that's not normal anymore. Ngayon lang niya mas napagtanto na maaring buntis siya dahil hindi na naman siya dinatnan.
"Abby, are you okay?" Kumatok na si Raven. Bumilis lalo ang tibok ng puso niya.
"Okay lang ako..." Bigla naman parang bumagal ang oras. Ang sabi ay five minutes. Tinago na muna niya iyon at lumabas ng banyo.
She would just go back for it later. Natigilan siya nang makarating sa kusina dahil sa naamoy.
"Ano iyan?"
"Adobo-" Nilapitan niya ito agad at mas inamoy. It smells so good! "Are you okay?"
"Ang bango... Nagutom ako bigla!" She smiled, "Halika na!"
He smiled at her, "Upo ka na." She excitedly waited for him. Pinagsandok pa siya nito ng kanin sa plato at ulam. Asikasong asikaso siya nito. "Thank you..." Agad na niyang nilantakan ang pagkain.
"Here's the water." He said, "Slow down. Baka mabulunan ka."
"Sorry, I didn't know na gutom pala ako..." Ilang sandali lang ay narinig nila ang doorbell. It was Raven who opened the door. "Ella!"
"Hi, best friend!" Bati nito, "How are you?"
"Okay naman... Anong ginagawa mo rito? Kumain ka na ba?"
Tumango ito, "Oo, kumain na kami-"
"Nino?" Ella bit her lip. Aha! May tinatago ito, "Daniella Alexis!"
"Hindi si Ken don't worry."
"Siguraduhin mo lang, Daniella. Walang magandang dulot sa 'yo ang lalaking 'yon."
Ngumuso naman ito, "Grabe ang protective naman ng best friend kong marupok sa ex."
Nanlaki ang mga mata niya, "Sinasabi ko na nga ba. Ano na naman ang pinapasok mo!"
"Wala—"
"Ella—"
"Sandali, naiihi pala ako!" Change topic, "Pa-CR muna!"
Nilapitan siya ni Raven at hinagod nito ang likod niya, "Why?" She asked.
"Chinecheck ko lang kung basa ang likod mo." He said. Hindi niya naiwasan na mapangisi, "What?' Raven asked.
"Bakit ang sweet sweet mo?" Kumunot pa ang noo niya, "Ikaw, ha?"
He chuckled, "Wala akong babae. Hindi ko kilala iyang napaginipan mo."
He even brought that up! Ang tagal tagal na niyon. She had a dream of him having an affair with someone from the hotel, hindi si Bella.
"Nandiyan si Ella, ha? Mamaya maligaw iyang kamay mo kung saan-saan."
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
General FictionKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?