"I'm home!" Agad na bati ni Raven pagpasok ng pinto.
It has been a couple of weeks since she was discharged from the hospital. Sa loob ng dalawang linggo na iyon ay mas binigyan ni Abby ng pansin ang kalusugan para sa anak nila ni Raven.
"Baby?"
Hindi niya magawang sumagot. She somehow has this fascination in making Raven feel nervous if she wasn't around. Tuwang tuwa siya na makita ang nagaalala nitong mukha kapag hindi siya sumasagot o ano.
At hanggang ngayon, kahit dalawang linggo na ang nakalipas ay ganoon pa rin ang reaksyon nito. "Ab—"
She smiled at him, "Hi, Daddy..." Agad naman siyang niyakap nito mula sa likuran, "Kabado ka na naman..."
"Of course, naglilihi ka pa rin ba? Hindi ba pwedeng sa pagkain mo na lang ako kulitin. In that way, at least I know that you're just here, waiting for me."
Hinawakan niya ang braso nitong nakaakbay sa kanya pagkuwa'y humarap rito. Medyo hindi na nagtatama ang dibdib nila dahil nagkakaumbok na din ang tyan niya, "But I like it when I see you scared. You're so hot, Daddy... " Inilapit niya ang bibig sa tainga nito, "Nakaka-turn on..."
Napangisi si Raven at hinawakan siya sa magkabilang bewang, "Damn, Abby... You little seductress." He started raining light kisses on her forehead down to her cheek, then ear.... Hanggang sa bumaba pa ito nang bumaba at natagpuan na lamang nila ang sarili muli sa sarili nilang mundo.
"How are you feeling?" Raven asked when the heat subsided, habang ito naman ay hinahaplos ang tiyan niya at nagiiwan ng munting halik doon.
"I'm okay, happy kami." She chuckled and pulled Raven up. Gusto niyang nakayakap dito ngayon. Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
"What are you thinking?" He asked. He must have felt her worry. "You can talk to me, Baby."
At dahil doon ay napabangon siya. Raven did the same and pulled her around his arms, "Babe, do you think... I can be a good mother?"
"Of course." He answered confidently, "You will be. Why did you ask?"
Huminga nang malalim si Abby. It has been couple of weeks since Raven pursued the case against Mr. Garcia and Bella. While Mr. Garcia has been proven guilty, Bella was sentenced not guilty. Ang lumabas sa imbestigasyon ay biktima din ito ni Mr. Garcia.
Raven said that whatever wins in court is the truth. But, regardless of what happened, he won't let her near their family again.
Malaki ang naging papel ni Mrs. De Leon sa hearing na iyon. If it wasn't for her, their accusations with her won't put into rest. Pinaglaban siya ng sariling ina, sa wakas.
Ngunit may mga sugat talagang hindi kaagad naghihilom. May mga sugat na hindi kayang daanin sa kahit anong gamot o kahit anong salita. Marahil may mga sugat talaga na sadyang malalim at hindi ganoon kabilis makalimutan.
"Talk to me, Baby..."
Abby sighed, "Naisip ko lang, paano ako magiging mabuting ina kung sarili kong ina ay hindi ko mapatawad? Ayokong maranasan ng anak natin ang mga naransan ko, ayokong maramdaman niyang kasalanan lang siya..."
"Abby" He gently turned her so they could look at each other, "Our child will never be a mistake," he said.
"Hindi ko pa nakikita o nahahawakan ang anak natin ay mahal ko na siya. At hinding hindi ko kayo pinagsisisihan." Hinalikan siya nito sa noo, "Bibigyan natin ng kumpletong pamilya ang anak natin, pupunuin natin siya ng pagmamahal para hindi niya maramdaman ang kulang... Magtutulungan tayo, Abby, and this time, my words are true... Hindi ko kayo papabayaan."
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
Ficção GeralKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?
