"Abby, kailangan kong umuwi ng Pampanga..." Sambit ni Daniella kinagabihan. Pagkatapos nila maghapunan, "Tumawag kasi si Nanay. Nasa ospital daw si Tatay noong isang araw pa. Hindi man lang sinabi sa akin."
"Ha?" Nagalala din siya, "Teka sandali. Hating gabi na... Wala ng masasakyan dito na bus---"
"Magchachance passenger na lang ako." Putol nito, "Pasensya na talaga, Abby."
"Is there a problem?" Si Gryffin. Kalalabas lang nito ng CR, basa pa buhok at halata niyang humaling na naman ang kaibigan sa after shower scent and look nito. "Hindi pa ba kayo matutulog?"
Umiling si Abby, "Si Ella kasi kailangan lumuwas ng Pampanga." Humarap siya rito, "Samahan kita hanggang makahanap ka ng masasakyan..."
"You're leaving?"
Tumango si Ella, "Tara na, Abby..." Pumasok siya sa silid at nakita si Raven na nandoon sa loob. Kailan pa ito pumasok?
"Raven, what are you doing here?" Bulong niya, "Baka makita ka ni Ella!"
He smirked, "I wanted to see you." Nagbago ang ekspresyon nito nang makitang kinuha niya ang jacket, "Where are you going?"
"Ihahatid ko si Ella sa sakayan." Sambit niya, "Kailangan niya kasing lumuwas. Yung tatay niya nasa ospital "
Sinundan siya ito hanggang sa makalabas at nakita si Daniella na naghihintay sa labas, "Wait, Abby." Pigil ni Raven, "Ihahatid ko na kayo sa terminal."
Tumango naman ang dalawa, "Kuya," si Gryffin, "I'll drive, samahan ko na kayo." Apat silang umalis at hinatid si Ella sa pinakamalapit na masasakyan.
Terminal ito ng bus. Dito siya bumababa at sumasakay kapag bumibisita dito sa Casa. Sayang lang nga at hindi dito nailibing ang sariling ama dahil maliban sa biglaan, wala talaga siyang kapera-pera.
"Wala ng biyaheng papuntang Pampanga," sambit ng operator, "Last trip kaninang 10 PM." Kakaalis lang din pala ng bus.
"Chance passenger, Kuya?"
Tumingin ito sa relo, "Nako baka mamaya pang 12 AM iyon." Anito, "Bukas na lang."
"Abby..." Puno ng pagaalala ang boses ni Ella. "Hindi na kasi ako sinasagot ni Nanay, baka kailangan nila ng pera..."
"Ihahatid na kita," Gryffin said. "I'll drive you to Pampanga."
Nagkatinginan sila ni Daniella. Kita niyang hindi pa nagsisink-in sa kaibigan na si Gryffin na ang nagalok maghatid dito.
"Let's go?"
Tumango naman si Raven pagkuwa'y inakbayan siya, "We'll just ride a tricycle from here." Anito, "Go ahead, Gryffin. Magiingat kayo sa biyahe."
Yumakap naman sa kanya si Daniella, "Thank you, Abby. Alis na kami."
Pinanood nilang umalis ang dalawa. Nang naiwan sila ni Raven ay agad naman siya nitong inaya na makauwi.
"Clara!" Nakita niya ang isa pang kababata rito, si Helen. "Nandito ka pala ngayon, kumusta ka na?"
"Mabuti naman, Helen." Aniya, "Siya nga pala si Raven. Raven si Helen."
Nagkipagkamay namay si Raven dito, "Nice to meet you."
"Likewise," she said, "Kararating niyo lang ba?"
Umiling siya, "Hindi, hinatid ko lang si Ella."
"Pabalik kayo ng Casa Sinfuego?" Tumango siya, "Tara na, ihahatid ko na kayo."
"Masyado ng late, Helen. Nakakahiya naman, sa Casa Madrid ka pa."
"Ayos lang naman," she smiled, "Gising pa sila Pancho panigurado. Matutuwa iyon kapag nakita ka."
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
Tiểu Thuyết ChungKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?
