Chapter Eight

9.7K 315 7
                                        

Paano?

Iyon ang tanong na tumatakbo sa isipan ni Abby. Imagine, para siyang nasa teleserye sa mga oras na ito. 'Yong tipong hindi nagreview pero ang taas ng grade, 'yong nanghula pero tumama ang sagot, 'yong nawrong send pero check operator service ang phone dahil walang load?

'Yong mga pagkakataon na alam mong talo ka na pero nanalo ka pa?

Iyon. Iyon ang nararamdaman niya ngayon.

"We've lost 4 major investors..." She said and looked at her, "but gained 8, Ms. Sinfuego,"

Eight? Ganoon kadami? Sandali. She couldn't process quickly. Mukhang napansin naman iyon ni Bella.

"Last week, they had the contract signing." She couldn't believe it! "The investors who stayed admired how you, an employee, stood up for Raven..." ani Bella, "Instead of viewing you as a disrespectul employee, they saw a loyal and trustworthy servant whom they could trust... So, their influence made another 4 investors trust us, too."

Napakagat siya sa labi. Ang bilis ng tibok ng puso niya ngayon. She couldn't process all the words immediately.

"I was just curious, Ms. Sinfuego," She added, "Why did you do it?" Hindi na naman siya nakasagot. Ito na nga ba ang sinasabi niya.

"I summoned you here to give you a reward." May nilabas ito sa bag na puting envelope, "This is for standing by this new administration."

Doon na siya napailing, "I can't accept that, Ms.Lacerna" aniya, "What I've said wasn't scripted. I didn't do it for money..."

Mukhang nagulat din ito sa sinabi niya. Makapal ang envelope, hindi man niya alam ang laman pero alam niyang malaking halaga iyon.

"Really?" Nagtatakang sambit nito, "But you sounded as if you knew Raven, nobody knew him yet, except from his family and I. Sa Sabado pa siya ipapakilala dito sa buong hotel."

Napakagat siya sa labi. Kung alam lang nito na kung may higit na nakakakilala kay Raven bukod sa   nanay nito ay siya. Even his siblings, they don't know much.

But, Raven... He trusted her with everything.

"But I believe that he is, lalo na noong nabasag ko po ang bote ng champagne sa room ninyo." Agad niyang sagot rito, "He showed me understanding regardless of my shortcomings... If the rumors were true, he would have said bad words."

Nakakaintinding tumango ito, "Very well." Binalik nito ang envelope sa loob ng drawer ng desk, "Thank you for what you did, Ms. Sinfuego." Ngumiti ito sa kanya at nilahad ang kamay.

She gladly accepted it. She's not yet fired!

Lumabas siya ng conference room na walang ngiti sa mga labi kundi pagtataka. Totoo ba talaga ang mga nangyari?

Wala sa sariling nakababa siya ng locker room. Sinalubong siya ng yakap ng kaibigan at ibang katrabaho.

"Mamimiss ka namin, Abby..."

Mangiyak-ngiyak din si Daniella, "Magreresign na rin kaya ako? Hindi ko kaya na wala ka!"

"Kapag may kailangan ka ay huwag kang mahihiyang lumapit sa amin.."

"Kailan ang huling araw mo, Abby?" Tanong ni Ma'am Evelyn, hindi naman kasi pwedeng agaran siyang umalis ng hotel.

"H-Hindi pa po ako sisante" aniya, nagbagsakan ang mga balikat ng kasamahan.

"Ha? E, anong sabi sa 'yo?" Tanong ni Daniella at nagpahid ng luha.

"I-I saved the company? Nagustuhan daw ng investors ang..." She paused and sighed, "ginawa ko?"

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon