Kung ibang babae siguro ang nasa posisyon ni Abby, siguradong kikiligin dahil sa lalaking nasa harapan niya ngayon.
Sa tindig pa lang nito ay hindi maipagkakaila ang estado sa buhay. He looks like a successful businessman who sidelines as a GQ model.
But, it's already 2024, kaya hindi na kilig ang nararamdaman niya... Seeing him feels nostalgic, para siyang nagtime travel sa 2013.
"Abigail." She went back to her senses when he called her name again.
Wait, he is real? Hala! Akala niya imagination lang.
"Abby!" Sigaw ni Daniella ng bigla siyang tumakbo papasok sa banyo. Kung bakit sa banyo ay hindi niya rin alam, gusto lang niyang makaalis sa harapan nito.
Napahilamos si Abby ng mukha, gusto niyang gumising!
"Guni-guni mo lang iyon, Abby..." Aniya sa sarili, "Ito na ang epekto ng pagbababad mo sa computer at mukha niya ang nakikita mo!"
Sobrang bilis ng tibok ng puso niya! Napasapo tuloy siya sa dibdib, ginagawa ang makakaya para mapakalma ang sarili.
Then Daniella knocked on the door.
"Ella, okay lang ako. Nalipasan lang ako ng gutom" Sigaw niya mula sa loob ng banyo.
"Abigail, it's me." Nanlaki ang mga mata niya, "It's Raven..."
Natabig niya ang tabo kaya nahulog sa sahig at naglikha ng ingay. Agad na kumatok si Raven.
"Are you okay?" Tanong nito sa labas, sa tono ng boses nito ay halatang nagaalala. She knew him, alam niya kapag ganito ang boses nito. "Abby?"
"O-okay lang ako!" Nalukot ang mukha niya. Ibig sabihin, hindi talaga siya nananaginip!
"Open the door." Malumanay nitong pakiusap.
She took a deep breath, wala rin mangyayari kapag nanatili siya rito. Mas lalo siyang hindi makakahinga!
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, wala na doon si Raven ngunit umiikot sa buong shop.
"Aloha!" basag katahimikan ni Daniella, lumapit ito kay Raven at inabot ang kamay. "My name is Daniella Alexis Jallores, but you can call me, Ella for short..."
"I'm Raven. Nice to meet you, Ella..."
"Yes, Sir. Kilala kita. Lagi kang kinukwento ni Abby, panay ngang ikaw ---"
"Ella!" Sigaw niya, pambihira itong babaeng ito!
"Talaga? Ano naman ang kinukwento niya tungkol sa akin?"
Bago pa siya ipahamak ng kaibigan ay napigilan na niya nito. "Anong ginagawa mo rito?"
"Are you really asking me that?" He smirked.
"Kung gusto mo akong mag-back out as representative, I will. Just say it ---" Hinawakan siya nito sa kamay at marahang hinila papalabas ng computer shop.
He opened the car door for her. Wala na siyang nagawa kundi ang sumakay. Hindi siya makakibo sa loob, para siyang mauutot o madidinghay sa dami ng hangin sa loob niya.
"So, you're working at the hotel, huh?" He said, habang ang mga mata ay nasa daan. "You're working for me."
Napalabi siya, "Housekeeping" aniya.
"And you are a pioneer." Damn it. He knows, he must have read his file. "You stayed that long, huh?"
"Maganda naman ang offer ng company. The benefits are good ---"
He let out a fake chuckle, "Is that so? Why did you leave then?"
Natigilan siya. Really, Raven? Ngayon talaga? Walang patumpik-tumpik?

BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
Narrativa generaleKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?