Chapter Eighteen

8.8K 298 6
                                    

Hindi na nakatulog si Abby nang makauw kagabi. That's why she just called in sick because aside from she can't work due to lack of sleep, alam niyang hindi pa siya handa harapin si Raven.

Ang daming tumatakbo sa isip niya ngayon.

Ginising siya ni Ella bandang alas-singko. She even checked her temperature dahil sa ilang taon, pangalawang beses niya pa lang nagamit ang sick leave.

"Hindi ka ba aalis rito?"

Umiling siya, "Masama nga ang pakiramdam ko."

"Masama din ang nagsisinungaling, Abby." Anito, "pero, exempted ka dahil hindi man physical ang masakit sa 'yo, masakit pa rin kapag emotional."

"Leave me alone, Ella." Walang energy niyang sambit rito. Sasabunutan na niya ito, malapit na.

"Kung ako sa 'yo, lumabas ka na lang. Baka kung anu-ano pa ang isipin mo kapag naiwan ka ditong magisa." Then she left.

She tried to sleep, but then, Daniella has a point. Kapag nanatili siya rito, mas lalo lang niyang maiisip ang mga sinabi ni Bella.

She took a deep breath, siguro sa mall na lang siya o kaya pumunta kaya siya ng Dasmariñas?

She chose the first one. Nagpunta siya mall, window shopping lang. Kumain sa Jollibee dahil doon daw ay bida ang saya.

Sumaya naman siya. Makakain ka ba naman ng chicken joy at peach mango pie.

Then, she visited a salon and spa. Teka, kailan ba niya ginamit ang linyang 'I deserve this'? Mukhang matagal tagal na dahil hindi niya tanda.

Effective din dahil almost half day siya nandoon. Pagabi na siyang natapos, nagutom na naman siya.

Saan naman kaya siya kakain ngayon?

"Abby?" It's Gryffin!

"Gryff,"

He must have noticed her new look. Nagpa-highlights lang naman siya, "It suits you, Abby. Matutulala na naman si Kuya sa 'yo."

She rolled her eyes, "Gryffin naman, eh."

"Wait, may pupuntahan ka pa ba?" Tanong nito. Umiling siya, "I see, tara kain tayo?"

"Sure."

Nagpunta sila sa isang cafe & restaurant. She just ordered a cafe latte. Si Gryffin naman, umorder ng brewed coffee.

"Sure ka na iyan lang sa 'yo?" He asked. Tumango naman siya, "Alright."

"Kumain na kasi ako kanina, busog pa ako." Paliwanag naman niya. Naagaw ng pansin niya ang mga batang naglalaro sa dulong table.

She smiled with the scene.

"Are you okay?" Tanong ni Gryffin pagkuwa'y tumingin sa pinagmamasdan niya. "They're beautiful, right?" Tumango siya bilang pagsang-ayon.

"Oo, nakakainggit..." She murmured and sipped on her coffee.

"Wala ka pa bang planong magsettle down?" Tanong ni Gryffin sa kanya, umiling lang siya dito.

Paano magsesettle down, wala naman makakasettle down!

"Really? Wala kang boyfriend?" Is it a big deal? "No,way!"

"Wala nga, bakit ba?"

"Hindi lang ako makapaniwala, sa ganda mong iyan?" Nagkatitigan sila ni Gryffin pagkuwa'y siya na ang umiwas. "Okay, that's good."

Good? Sa paanong paraan? Ano ba naman ito si Gryffin, nakakaconfuse!

"Ikaw ba?"

Umiling ito, "But, I planned once."

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon