Chapter Thirteen

8.7K 283 6
                                    

"Mr. Sinfuego, we are already conducting the investigation with regards to your complaint. But, I'm afraid that we can't continue as of now since it's examination week."

Nakita niyang nagpupuyos ng galit ang Tatay niya sa sinabi ng Principal. Her father reported the incident that happened three days ago, at ito na ang bagong balita sa kanila.

"Alam niyo ho ba ang ginawa ng mga studyante ninyo sa anak ko?" Mataas na ang boses ng ama, "Minolestya nila!"

"Sir, please. Huminahon po kayo--"

"Sinong hihinahon sa sinasabi niyo!" Hindi nagpatinag ang ama, "Ilabas ninyo ang mga batang iyan!"

"Sir," Nakuha niyon ang atensyon ng ama, "Maniwala po kayo sa amin. Gusto namin kayong tulungan, at tutulungan namin kayo. Sa totoo lang, mahirap po ito para sa amin dahil itinanggi ng mga bata ang paratang ng anak ninyong si Abby."

"Itinanggi?"

"Hindi daw nila kilala si Abby," Napakuyom siya ng palad, "At ayon din sa unang salaysay ni Abby, hindi niya makilala ang mga ito dahil madilim---"

"Sandali." Putol ng ama, "Sinasabi ba ninyong sinungaling ang anak ko?"

Hinawakan ng Tatay niya ang palapulsuhan niya at marahan siyang hinila papaalis ng school. Hindi ito nagsasalita sa biyahe pero hindi siya nito binitawan.

"Tay, saan po kayo galing?" Tanong niya rito nang makitang papasok pa lang ng bahay ang ama kahit hating gabi na. Tulog lang siya maghapon, nagrerecover pa ang katawan sa mga nangyari.

Wala naman siyang bali. Nahapo lang dahil sa biglaang papupumiglas sa mga lalaki nang gabing iyon. She also acquired mild bruises and swollen wrists.

Kung tutuusin, madali lang naman humilom ang mga pasa. Ang mahirap, ang mga imahe na nakikita niya paulit-ulit kahit sa panaginip.

Kung paanong nagawa iyon ng kapatid? Kung bakit hindi niya marinig ang ina ngayon? Kung bakit walang naniniwala sa kanya?

Nakita niya ang mata ng ama, his eyes were bloodshot and tired. "Tay?"

"Aalis na tayo rito, lilipat tayo ng bahay." ani Tatay Carlos at agad dumiretso sa silid niya, "May mga gamit ka pa diyan, huwag mo ng kunin sa Nanay mo ang iba. Ibibili na lang kita ng bago kung may naiwan kang importante doon."

Pinagpatuloy ni Tatay Carlos ang pagiimpake habang pinanood niya lamang ito. "Hindi dapat ako naniwala sa Nanay mo, hindi na dapat kita binigay sa kanya..." Nagtangis ang bagang nito.

"Tay..."

"Carlos,"

Napalingon sila ng Tatay niya sa kumatok sa labas ng bahay, "Angelo, tuloy ka."

"Natanggap ko ang text mo." Tumuloy ito, "Lumapit na ako sa kakilala ko. May bakante siyang paupahan sa Cavite."

"Tay, sino po siya?"

"Kaibigan ko, anak. Tito Angelo na lang ang itawag mo sa kanya," Sambit nito, "Ipagpatuloy mo ang pagiimpake. Maguusap lang kami,"

Pumasok siya sa silid pero hindi niya iyon tuluyang sinarado kaya naririnig niya ang usapan ng dalawa.

"Hindi mo ba tinanggap ang pera?" Tanong ni Tito Angelo. Anong pera ang sinasabi ng mga ito?

"Kahit magkano pa iyan. Hindi ko tatanggapin!" Pagalit na sagot ng ama, "Ang gusto ko, makulong ang mga iyon!"

"Carlos, naiintindihan ko ang emosyon mo. Tatay din ako, pero mga menor de edad pa ang mga batang sangkot dito."

Kinausap ng Tatay niya ang mga ito? Sumakit ang dibdib ni Abby. Pinaglalaban siya ng ama niya.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon