Chapter Twelve

9K 302 15
                                        

Kahit kailan, ang mali ay hindi maitatama ng isa pang mali. Hindi nakayanan ni Abby ang katotohanan na pinagtapat sa kanya ng magulang.

Sa isang iglap, parang biglang nagbago ang lahat sa paningin ni Abby. Parang nawalan ng saysay ang lahat.

Kasal ang Nanay niya sa isang business tycoon na si Mr. Gener Cervantes De Leon. Nakilala ito ng nanay niya nang mapunta sa Maynila, until their marriage got fixed by their parents and they had two sons.

It was a normal marriage at first, until her mother run away after finding out that her husband was cheating on her.

Her mother runaway from home, and fate made its way. Nagkita muli ang dating magkasintahan at inakala na maaring ipagpatuloy ang pagiibigan.

But, her mother's husband made way to fix their marriage, and when her mother was about to end things between her and his father again, doon naman nito nalaman na nagdadalang tao sa kanya.

Ipapalaglag dapat siya ng ina pero napigilan ng ama dahil ang usapan, pagkapanganak sa kanya ay hindi na silang magkikitang muli.

But then, when her mother saw her eyes. Nagiba daw ang desisyon nito, namulat siyang may isang masaya at buong pamilya hanggang sa isang iglap, nagbago ang lahat.

Dahil ang realidad na inakala niyang katotohanan, ay isa lang palang malaking kasinungalingan lamang.

Ang masakit doon, hindi niya pa ito nalaman sa sariling magulang kundi kay Peter. He did talk to her again, but it wasn't like before, he was informing her.

Ang sakit. Ang sakit pala na malaman na isa siyang pagkakamali. Araw-araw kailangan niyang kumbinsihin ang sarili na wala nang halaga ang nakaraan ng magulang. Na kaya niyang ibaon sa pinakailalim — ’yong hindi na makakayang hukayin ninoman.

Kung pwede lang niyang ituring na isang basura ang lahat ng magagandang alaala nang pagkabata dahil baka iyon lang ang paraan para malimutan niya ang sakit na idinulot ng katotohanan.

Ngunit imposible.

Bakit kahit anong pagpilit niya ay lagi siyang nauuwi sa sakit? Bakit kailangan niyang masaktan kung hindi naman siya ang may gawa ng kasalanan? Bakit kailangan niyang dalhin palagi ’yong sakit na mawalan at maiwanan? Bakit parang siya pa ang may kasalanan?

"Hello," she went back to her senses when someone approached her, "Pwede ba ako makishare ng table?"

Nagulat siya. Siya ba ang kinakausap nito?

"Ikaw ang kausap ko, ano ka ba!" Hindi na nito inantay ang permisyo niya at naupo na sa harap niya. "Hi, my name is Daniella Alexis Jallores but you can call me Ella, how about you?" Tunog beauty queen ang pagpapakilala nito at nilahad ang kamay.

"A-Abby..." Nahihiya niyang sagot.

"Bakit nagiisa ka, Abby?" Anito sabay labas ng pagkain niya, "Gusto mo? Gawa ito ng Nanay ko!" Inalok siya nito ng pandesal na may palamang liver spread.

Gusto niyang sagutin ito sa unang tanong. Nagiisa siya dahil wala ng gustong makipagkaibigan sa kanya. News spread like wildfire in high school, at halos takot kay Pierre dahil bawal siyang kaibiganin ng sinuman.

"Salamat." Natikman niya ang pandesal at ang sarap!

"Ang sarap, ano? Next time may bayad na ha. Business kasi namin iyan, tres lang ang isang piraso."

"Talaga?"

Tumango ito, "Oo, bagong scholar lang ako rito. Si Itay maintenance dito habang si Nanay sa canteen nagtratrabaho" Ang galing naman, sama-sama pa rin sila.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon