Ang sabi sa isang research, mas mataas daw ang pain threshold at tolerance ng lalaki kaysa sa babae. Gustong paniwalaan ni Raven ang datos na iyon, pero sa sitwasyon niya ngayon, malayong malayo.
Hindi ibig sabihin na walang pinapakitang emosyon, ay hindi na nasasaktan. Hindi porket walang sinasabi, ay wala ng nararamdaman.
Kaya lang, walang sapat na salita sa nararamdaman niya ngayon. Tila wala rin siyang karapatan na masaktan ngayon pagkatapos ng ginawa niya.
"Alam mo ba kung ano yung pinakamasakit? You made me feel like everything was just a mistake... Na sana hindi na lang tayo nagkita ulit... na hindi ka na iba sa kanila.."
Binuksan ni Raven ang nakakuyom na palad at doon tinitigan muli ang singsing na ibinalik ni Abby sa kanya.
He took it on his fingers, and stared at it. Napapikit siyang muli, naalala ang malawak na ngiti ni Abby nang isuot niya ito rito.
Naputol na lamang ang pagiisip niya nang may kumatok. He is on his parent's house. Dito niya agad naisipan na pumunta pagkatapos ng nangyari kanina.
Kung uuwi siya sa sariling condo ay paniguradong makikita niya lang si Abby sa bawat sulok. Hindi iyon makakabuti, baka mabaliw siya at lamunin ng konsensya.
So, found himself here at his old room. Thinking that it would make him feel less worse but he's wrong.
Because her words, all of it, were already sowed in his mind. Nakatatak at malalim na malalim.
"Ang sabi mo, hindi mo ako papabayaan! Hindi mo sila hahayaan na saktan ako! You said your name and love would protect and honor me!"
But, he failed her.
Kinulong niya muli ang singsing sa loob ng palad at napakuyom. How could he be so stupid? Bakit hindi niya nagawa ang mga naipangako rito?
"I believed in you"
He closed his eyes and uttered a curse. Gustong gusto niyang saktan ang sarili sa ginawa. He just lost the woman who made him a man, who made him complete, and who made him happy.
"Raven, anak?" It's his mother again as she knocked on the door for the nth time. "Can I come in?"
He sighed heavily. Inayos niya ang sarili kahit na halata naman sa itsura niya ang pagkahapo.
"Come in..."
Agad na pumasok ang ina at tumabi sa kanya. "Kumusta ka, anak? Nagluto ako ng hapunan. Kumain ka muna,"
Umiling siya, "I'm fine, My. Hindi pa po ako nagugutom."
Tumango naman ang ina, "May gusto pa lang kumausap sa 'yo," anito.
"Who?" Pagkatanong niya ay agad na nagpakita ang ama.
He wasn't surprised, though. Welcome naman sa bahay ng ina ang ama, nakakasama pa ito ng mga kapatid madalas bago pa siya mag-Switzerland.
Pero, wala naman sila Gryffin. Ang mga kambal lang ang nandito. So, what's he doing here?
"Son," ani Dominic, "Your mom called me."
Nagkatinginan silang mag-ina, "Asikasuhin ko lang ang kambal," ani Maricar at lumabas na't iniwan silang dalawa.
When his mother closed the door. Biglang tila sumikip ang silid ni Raven, he is getting uncomfortable. Parang lahat ng galit na inipon niya dahil sa kaharap niya ngayon ay bumalik sa kanya.
Mali ba siya? Is this the universe telling him that it's really bad to hold grudges to your father?
"I'm fine," sambit niya agad wala pa man tinatanong ito. "There's nothing you should worry about."
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
General FictionKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?