Year 2018
Hindi na nagulat si Abby nang salubungin siya ng dalawang cute na bata kasabay pa ng maliit at matiinis nitong mga boses, "Ate!"
"Ate ko iyan!" Yumakap sa isang binti niya si Josiah, habang ang sa kabila naman si Noemi.
"No! I got her first!"
Hinawakan niya pareho ang dalawa sa bumbunan, "Kayo talaga. Pwede naman tayo maglaro together." Nagkulitan pa ang kambal bago dumating si Huffle.
"Ate Abby, saktong sakto nandito ka." Sambit ni Huffle nang makabisita sa bahay nito, "Wala kasing magbabantay sa kambal. Kailangan ko na magbihis."
"Sige na, ako na ang bahala sa dalawang chikiting na ito!" Nagpasalamat naman si Huffle pagkuwa'y dumiretso na sa paglabas ng silid.
Sanay si Abby na alagaan ang kambal dahil noon pa man na ipinanganak ang mga ito ay nandoon na siya. She helped Tita Icang when it comes to taking care of these two cute babies, kaya nga napalapit na rin sa kanya ang mga ito.
Tonight is Raven's despedida party. Bukas na ang flight nito papunta sa Switzerland kaya nandito siya ngayon sa bahay ng magulang nito. She played with the twins for an hour or two until their nanny's took over.
Tumulong muna kasi ito sa pagaayos sa baba kaya si Huffle ang unang nagbantay, then she took over.
"Maraming salamat, Abby." Sambit ni Ate Merry. "Bumaba ka na doon, nagkakainan na ang ibang bisita."
"Kayo po ba kumain na?"
Tumango ito, "Oo, pinakain muna kami ni Ma'am Maricar. Sige na, hinihintay ka na doon."
Agad siyang bumaba mula sa silid ng kambal at pumunta sa baba kung saan sinet-up ang catering ng Wizards. Nakita niya si Gryffin kasama ang girlfriend nitong si Anabeth, si Slyther naman ay si Emma ang kasama.
Binati siya ng nobya ni Gryffin samantalang si Emma ay hindi. Inirapan pa siya!
"Nasaan ang Kuya niyo?" Tanong niya nang hindi makita sa paligid, "Kumain na ba iyon?"
"Alam mo naman kung nasaan iyon kapag ganito." Ani Slyther, "Puntahan mo na."
At tama naman siya, nakaupo na naman ito sa bubong sa labas ng bintana ng silid nito. Nadiskubre niya ang pwesto na iyon, hindi masyadong kita ng tao dahil nakasilong ang pwesto sa puno ng mangga. Para silang nagka-treehouse ng hindi oras.
Until it became their den. Tuwing umaga, masarap ang simoy ng hangin doon habang tuwing gabi, maganda ang mga bituin sa langit kung titignan.
Nakatingin si Raven sa taas. Mukhang binibilang na naman ang bituin at naghihintay ng shooting-star.
"Nakapag-wish ka na?" Tanong niya rito. He looked at her and then sighed, "Oh, bakit ang lalim ng buntong hininga mo? Ano ba ang iniisip mo?"
Umiling ito, "Nothing. Kumain ka na ba?"
"Hindi. At alam kong hindi ka pa rin kumakain kaya ito nagdala na ako. Dito na lang tayo kumain," she set up the food she prepared. Slab naman ang bubong nila Raven kaya walang masyadong problema. "Oh, kumain ka muna."
Kinuha ni Raven ang inabot niyang kubyertos. Ang dami niyang ikinwento rito, pero nanatili itong tahimik. Kahit pagkatapos kumain at nailigpit na niya ang mga pinagkainan, pagkabalik niya ay tahimik pa rin ito.
"Alam mo, sa lahat ng aalis. Ikaw ang malungkot," panimula niya. Hindi alam ni Abby kung ano pa ang pwede gawin, alam niyang kailangan nito ng kausap.
On the other side, Raven just can't talk. Hindi niya rin kasi maipaliwanag ang nararamdaman. Parang, ang dami pala niyang maiiwanan dito sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
General FictionKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?
