Chapter Two

12.9K 311 11
                                        

"Malalate na naman tayo!" Asik ni Daniella sa kanya na kanina pa nakaabang sa labas ng pintuan, "Napakatagal naman kasi!"

"Nandiyan na po, Ma'am!" Aniya sa kaibigan sabay kuha ng bag at dumiretso na papalabas. Magkasama sila ni Daniella ng tinitirahan na malapit lang sa pinagtratrabahuhan, "Tara na!"

Nagmadali silang lumabas ng tinutuluyang apartment at naglakad na papuntang Hotel Martinez.

Yes, it was his family's hotel.

"Anong oras ka na naman siguro natulog kagabi!" Dagdag pa nito, "Don't tell me nanood ka na naman ng mga videos sa internet about sa kanya!"

"Tigilan mo nga ako, Ella. Napasarap lang talaga ang tulog ko, pero on-time naman tayo. Hindi pa tayo late!"

But, Ella was right. She couldn't help but to watch videos of him. He wasn't a celebrity, but he was being invited to seminars and other business interviews.

Iyon ang pinapanood niya, and she could see how great he had become. She's so proud of him. She couldn't stop watching it because the truth was, it became her source of hope and strength.

Ang makitang hindi sayang ang naging desisyon niya ay ang nagbibigay kay Abby ng kumpiyansa para magpatuloy. Maganda ng isa sa kanila ang naka-abot ng pangarap.

Nang makarating sila sa hotel ay agad silang nagbihis ng uniform. They are housekeeping personnel. Si Ella, pangarap maging manager. Siya? Pangarap niya magkaroon ng sariling hotel.

Kaya naman ngayon pa lang, pinagbubutihan nila ang trabaho lalo na siya. Hotel Martinez only accepts working-student as a full-time employee. Hindi sila tumatanggap ng part-timers.

Daniella is still a working student habang siya, hindi na nakapagenroll muli. Kaya naman dinadaan niya sa sipag at tsaga ang trabaho. She can't lose this job.

"Abby and Ella, we have a guest in the VIP floor." Ms. Evelyn, their housekeeping head, said. "Her luggage are already on the lobby, the porters would be bringing it right now. She just went out for a meeting but requested that her room to be cleaned and belongings should be settled."

Tumango silang dalawa, "Sure, Ma'am. Is there anything we should consider?"

"None so far." Sambit nito, "Just clean it properly. I heard they are from the top."

Siniko siya ni Ella at nginisian, "VIP na naman, friend!" Bulong nito, "Makakasuot na naman ako ng signature shoes!"

"Ano ka ba, Ella! May makarinig sa 'yo." Alam naman nilang bawal iyon pero may makakapigil ba sa isang Daniella Alexis?

Hindi naman daw kasi sila mapapagalitan kung hindi sila mahuhuli. At hindi sila mahuhuli, kung maingat sila.

"Ito naman, alam ko naman na kabado ka pero ilang taon ko ng ginagawa iyon pero wala naman nakakahuli... Kasi nga maingat ako!"

Siniko niya ito uli nang lumapit sa kanila ang isang katrabaho na si Jay, isang kitchen staff.

"Abby, sasama ba kayo sa amin mamaya?" He asked.

"Hindi ko pa alam, Jay."

Napakunot ang noo nito, "Huh, bakit naman?" Mukhang nadismaya sa narinig nito, "Birthday ko naman, Abby. Sige na, pumayag ka na, ihahatid ko naman kayo ni ---"

"Hay nako, Jay." Singit ni Ella, "Huwag ka na kasing umasa na magu---"

"Kailangan na namin umalis, Jay. May VIP kami ngayon. Happy Birthday na lang, ha?" Hinila niya ang kamay ni Daniella pagkuwa'y umalis na sila papalayo doon.

Nang makalayo na ay agad niyang kinumpronta ang kaibigan,  "Bakit mo naman ginanon 'yong tao?"

As usual, umirap lang si Daniella sa kanya. "Bakit kasi ayaw mo pang diretsuhin?" Anito, "Ilang taon na rin nanliligaw sa 'yo si Jay, Abby."

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon