Chapter Twenty-Nine

9K 265 13
                                        

"Wow," pumalakpak ang magaling na kaibigan, "Umuwi din ang gaga. Akala ko tinanan ka na ni Raven, eh!"

She chuckled, "Loka loka!"

"Ikaw ha, baka mabuntis ka ginagawa mo." Paalala naman nito. Nakaramdam siya ng kaunting kaba sa sinabi nito pero nakita niya naman kaagad ang singsing na isinuot nito sa kanya kagabi.

She smiled even more. She's engaged! Ikakasal na sila ni Raven. Magiging Mrs. Raven Delaverde na siya.

"He proposed?" Tanong ni Daniella, "Hala?! Ikakasal ka na?" Napatango na lang siya doon. Agad siyang nilapitan ng kaibigan at tinignan ang singsing niya.

"Nakakaloka." Masama ang tingin nito sa kanya, "Buntis ka nga?"

Nanlaki ang mga mata niya, "Loka, hindi!"

"Bakit nagmamadali?" Mapagduda nitong tanong at marahang hinampas ang puson niya, "Sigurado? Walang laman 'to?"

Natawa siyang lalo sa kaibigan at inalis ang kamay nito, "Wala nga! Hindi ako buntis, okay?" She smiled, "At isa pa, wala pa ngang date kung kailan, but he said that he wanted to marry me..."

"Pucha," Napanguso ito at agad siyang kinabig ng yakap, "Masaya ako para sa 'yo, friend. Ito na ang matagal mong hinihintay..."

Niyakap niya pabalik ang kaibigan, "Tulungan mo ako ha? Hindi ko magagawa ito ng wala ka."

"Gaga, syempre!" Nangilid ang luha nito. Hala siya! "Nandito lang ako para sa 'yo."

"Oh, huwag ka ng umiyak." She smiled and wiped her tears, "Naiiyak din ako!"

"Kasi naman, masaya ako na nalulungkot na naiinggit. Ibig sabihin, malapit mo na akong iwan dito..."

"Sus, ang kaibigan ko nagdrama. Akala mo hindi na-usad ang lovelife." She teased her, ikinuwento kasi nito sa kanya ang nangyari nang ihatid ito ni Gryffin sa Pampanga.

She knew that something developed between the two. But, she's not meddling with it.

"Nasaan ka na?" Raven asked her over the phone. Nagovertime kasi siya ngayon dahil short staffed sila, "Wala ka pa sa condo."

"Sorry, Babe..." She said, "Short-staffed kami. I just have to stay, pauwi na rin ako. Nakauwi ka na ba? May gusto ka bang kainin, pwede pa naman kita lutuan."

"Wait. What did you just say?"

"Ang sabi ko kumain ka na ba?"

"No, I mean what did you call me?" Narinig niyang parang natutuwa ito. Napangiti na rin tuloy siya.

"Babe," She indulged him, "Kumain ka na ba?"

"Hindi pa po," Did his voice just change into softer or more childish? "Babe..."

She chuckled, "Palabas na rin ako, can you defrost the fish? Para pagdating ko, ipriprito ko na lang." Aniya.

"No, I'll pick you up instead. Wait for me."

"Huwag na. Alam ko pagod ka..." She said.

Pumaltak naman ito, "No, I insist. I'll just call you kapag nasa parking na ako. Then we'll just dine out, okay?"

"Dine out?" Napanguso siya, "Hindi ako nakabihis!"

"Then take out." He said, "Whatever you want but you're not cooking tonight, you had a long day, too, so we'll both treat ourselves with good food and ..."

"Raven!" Pinutol na niya ito nang marinig ang lambing sa boses. "May makarinig sa 'yo diyan."

"Wala naman akong kasama." He said, "Anyway, I'm  gonna go. I'll call you once I got there."

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon